Nissy's POV
"Stop it, okay," may kasamang panginginig ng kamay na pinigilan ko si Arnold na buksan ang butones ng suot kong blusa. Nag-umpisa na naman kasi siyang maging mapusok. Kung ang kaninang kamay niya ay nag-umpisang maglandas mula sa mga kamay ko hanggang sa batok ko, ngayon ay inuumpisahan na niyang buksan ang butones ng suot kong blusa.
Magdadalawang oras na akong nasa loob ng opisina ni Arnold ng hapong iyon. Naisipan kong bisitahin siya at dalhan ng pagkain. Gusto ko lang siyang makita at dalhan ng makakain niya kahit alam kong hindi naman siya magugutom sa dami ng pagkain sa cafeteria ng kompanya nila.
Nasa couch lang ako nu'n. Tinatamad man ay inabala ko nalang ang sarili ko na magbasa ng mga luma at bagong magazines. Napapahikab din kung minsan nang lapitan ako ni Arnold.
Sa umpisa ay naglalambing lang siya hanggang sa pinaulanan na niya ng pinong halik ang buo kong mukha.
Nakikiliting pinipigilan ko siya sa umpisa hanggang sa kalaunan ay mas naging mapusok na nga siya at nag-umpisa ng maglakbay ang mga palad niya sa katawan ko.
Hindi ko alam pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay nabubuhay ang kaba at takot sa dibdib ko. Natatakot akong hindi ko maibigay ang inaasahan niya mula sa akin. At natatakot din ako para sa sarili ko dahil sa hindi pa talaga ako handa na maging mapusok para sa kanya.
Alam kong sa kaibuturan ng aking puso ay nandoon ang takot na minsan ay hindi ko kayang pangalanan kung ano.
Nakakapangilabot. Hindi ko alam kung bakit pero 'yon ang nararamdaman ko.
Maging ang pagsakop niya sa mga labi ko ay mapusok. Para siyang isang leon na hindi uhaw at gutom na handa akong kainin ng buo sa kapusukan niya.
Mulagat ang mga matang nakatitig lang ako sa kaniya. Alam naman niyang nababastos ako kapag ginagawa niya sa akin ang ganoong bagay.
Gusto kong umiyak. Alam kong napakarami ng pagkukulang ko sa kaniya bilang nobya niya. Alam kong hindi ko kayang ibsan ang init ng katawan niya sa ngayon. Hindi ko talaga kayang salubungin ang kapusukan niya.
"What?!" galit ang anyong anas niya nang iwan ang mga labi ko at may kung anong disgusto ang nakaguhit sa mukha niya nang tingnan ako sa mga mata.
"I'm not ready for this, okay. At alam mo 'yon," sagot ko saka nag-ayos ng upo sabay pagpag sa nakusot kong damit.
"For Pete's sake, Nissy! Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin mapagbibigyan ang kahilingan ko! Napakaliit lang naman nitong hinihingi ko sa'yo ah. Everyone is doing it, why we can't?!"
"Because I don't want to. Hindi pa ako handa."
"Lagi namang ganyan ang rason mo! Mahal mo ba talaga ako o napipilitan ka lng sa relasyon nating ito?"
Parang hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang iyon. Ganoon ba ang sukatan sa pagmamahal na sinasabi niya? Ang ibigay ko ang sarili ko sa kanya?
"Gusto ko lang namang maging maayos at nasa plano ang relasyon nating dalawa. Ayokong isipin ng iba na isa akong patakbuhing babae. Ayokong mabuntis hanggang sa hindi ako ikinakasal at alam mo 'yan."
Naninigas ang mga kamay na napahilamos siya sa mukha niya at napatayo sa kinauupuan.
"That's bullshit! Bakit ba palagi mong iniisip ang sasabihin ng ibang tao? At hindi ko naman hahayaan na mabuntis ka kung 'yan ang ikinakatakot mo. Wala ka bang tiwala sa akin? We've been together for how long? Seven long years! At sa haba ng panahong iyon ay hindi ko man nga lang nahawakan ang hubad mong katawan! Hanggang kailan ba ako dapat na magtiis ng nararamdaman ko?"
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...