Chapter 3

176 46 7
                                    

"It hurts when the person that made you feel special yesterday, makes you feel so unwanted today." Onlybuddy.com

******************************

ROCKY'S POV

Ito na ang araw na napagpasyahan kong magpo-propose na kay Nissy. Ilang beses na akong nagpapasaring sa kanya na magpapakasal na kami, at ang lagi kong naririnig sa kanya ay "I love you and I always will, but can we wait a little bit longer. Let's wait until one year."

Ang dahilan niya ay binibigyan lang daw niya ako ng sapat na oras at panahon na patunayan sa sarili ko kung hanggang kailan tatagal ang pagmamahal ko sa kaniya. Baka kasi kung magmadali kami ay saka ko lang maisip na iwan siya. Hindi daw niya 'yon kakayanin.

Napapailing nalang ako sa tuwing naaalala ko ang mukha niya habang sinasabi 'yon.

Nakakalungkot at nakakainis. Alam ko sa sarili ko na wala na akong hihilingin pa kundi Ang makasama siya.

It's lame to say that love at first sight actually existed. But what can I do, it happened to me.

Sa unang pagkakataon na masilayan ko ang mukha niya, ang mga ngiti niya, at ang ningning sa mga mata niya ay nakapag-desisyon na ako na hindi ko na pakakawalan ang babaeng ito.

She belongs to me and that's final.

Kahit sa mama ko ay ipinaalam ko na rin ang tungkol sa proposal ko. Oo at nasa Australia ang mama ko dahil naroon ang trabaho niya pero hindi naging hadlang  iyon para hindi kami magpalitan ng balita na dalawa. Dalawa lang kaming magkapatid, ako ang panganay at babae naman ang bunso. Magkasama sina mama at ang bunso kong kapatid sa Australia. Doon na rin kasi nahanap ng kapatid ko ang career na gusto niya, ang pagmo-modelo.

Kaya naman laking tuwa nilang dalawa nang maipaalam ko sa kanila ang plano kong lumagay na sa tahimik. Matanda na rin naman ako, twenty-eight na ako ngayon at pwede ng mag-asawa. 

Gaya ng nakasanayan, niyaya ko si Nissy na mag date kaming dalawa.

Napangiti ako.

I want to surprise her.

Iginugol ko ang buo kong araw sa linggong iyon para maghanda para sa surprise ko sa kanya. It just so happen na meron akong kaibigan na may-ari ng isang hotel na siyang kinausap ko para ipag-reserved ako ng isang buong convention hall. Siya na rin ang pinaasikaso ko sa decoration ng buong room and all.

Limang jewelery shop na rin ang napuntahan ko para maghanap ng perfect ring na ibibigay ko sa kanya. With her personality, alam kong ayaw niya ng mga fancy things kaya naman isang simpleng 10k white gold JK-1213 Diamond ang napag-desisyunan kong bilhin para sa kanya. I hope she will like it.

"You look happy today? May maganda bang nangyari sa opisina?" masiglang sabi niya. Nasa loob na kami ng sasakyan ng mga panahong iyon at patungo na sa venue. Ang tanging alam lang naman niya ay ang mamasyal at kakain sa isang fancy restaurant.

"Palagi naman akong masaya lalo na kapag ikaw ang kasama ko ah," kunwa'y kalmado kong sagot. "Kailangan ko pa ba ng ibang rason para maging masaya?"

"Hmp!" Napahalukipkip siya saka muling lumingon sa akin. "Iba eh, may iba sa aura mo ngayon. Abot hanggang mata mo 'yong ngiti."

Napabagal ako sa pagmamaneho saka tumingin sa kanya.

"Hindi mo ha pwedeng e-share sa akin ang kasayahan mo para sabay natin mai-celebrate?"

"Just wait and see. I prepared something for you tonight and I don't want to spoil the moment."

Lihim akong napasulyap sa suot kong pants. Nasa bulsa ko ang singsing na ibibigay ko sa kanya mamaya. Sa totoo lang ay hindi na ako makapaghintay na umabot pa kami sa venue. Parang gusto kong sa mga oras na ito ay maibigay ko na sa kanya.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon