Nissy's POV
Sa loob ng ilang minuto ay magkaharap na kaming tatlo sa may sala. Kapwa nakapagbihis na ang dalawa. Magkatabi silang naupo sa pahabang upuan habang ako ay nasa harapan nilang dalawa. Tahimik at parang nagpapakiramdaman muna, walang gustong magsalita.
Ilang beses ring palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam na hindi lang isang fling ang namamagitan sa kanilang dalawa kundi mas malalim pa.
Naging malikot ang mga mata nung babae na para bang kinakabahan ito sa kung anoman ang magiging takbo ng pag-uusap naming tatlo.
Napabuntong-hininga ako.
"Now, tell me. Tell me everything I need to hear," umpisa ko.
Maging si Arnold ay nagpakawala rin ng malalim na paghinga bago nagsalita.
"I'm sorry, Nissy...," panimula niya. "Everything about us is a lie."
Anong ibig niyang sabihin? Tama ba ang narinig ko?
"It's not you really, it's about my family. It's my family's problem. Nadamay kalang." Patuloy niya.
"Go on," sabi ko.
Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig sa mga paliwanag niya. Hindi ko alam kung saan sa mga sinabi niya ang paniniwalaan ko. Parang hindi ito ang mga inaasahan ko na marinig. Parang nagkaroon ng bagong storya na hindi naman ako dapat na kasali.
Sa mga naririnig, pakiramdam ko ay para akong isang saling pusa.
Naramdaman ko nalang ang paglandas ng mga luha sa magkabila kong pisngi. Marahan ko iyong pinahid. Parang ako yata ang lumamabas na kontrabida sa buhay pag-ibig nilang dalawa.
I can't even believe what I hear. My life is a big lie.
Napasigok ako.
"Noong una ay sinubukan ko naman talaga na magustuhan ka. Mabait ka, maganda, matalino, masunurin, mayaman din ang pamilya mo. Sa totoo lang nasa iyo na ang mga katangian na nanaisin ng isang lalake na makasama habambuhay. Pero wala eh, I can't bring myself in loving you. Hindi ka paman dumating sa buhay ko, may mahal na ako," paliwanag niya saka napatingin sa katabi niya na noon ay nanginginig pa rin ang katawan. Kagaya ko ay parang hindi rin siya mapakali. Na paa bang meron siyang iniiwasan na mangyari.
"Nagmahal lang ako," patuloy niya saka ginagap ang mga kamay ni Tanya.
"Mahirap lang ang pamilya ni Carol. Sa katunayan ay kasambahay namin ang mga magulang niya. Nagalit si lola nang malaman niya noon ang lihim naming relasyon. Tinutulan niya ito kaya naman ay ipinadala niya ako sa Canada para doon magpatuloy sa pag-aaral habang si Tanya naman ay ipinagtabuyan niya kasama ng mga magulang niya. Just imagine kung anong torture 'nun para sa akin at sa pamilya ni Tanya. Wala akong nagawa dahil takot pa ako 'nun. Takot ako na mamulubi. Ang hindi ko inaasahan ay katumbas ng kamatayan ang ginawa kong pag-iwan noon kay Tanya. Mahal ko siya at nasiguro ko 'yon nang magkalayo kaming dalawa.
"After half a year ay bumalik ako ng Pilipinas dahil nagkasakit ako doon dahil sa pangungulila. 'Yon naman ang mga panahon na ipinakilala ka sa akin ng mga magulang ko. Alam mo namang magkaibigan ang mga magulang natin di'ba. Plinano na nila lahat ang tungkol sa ating dalawa. Sinubukan ko naman. Sinubukan kong mabaling ang atensiyon ko sa 'yo. Pero hindi ko talaga kaya. I did everything para kasuklaman mo ako. Para ikaw na mismo ang magsabi sa mga magulang mo na hindi mo na itutuloy ang plano nila para sa ating dalawa. Pero palagi akong nabibigo. You always gave me chances to prove myself without knowing na sinasadya ko naman talaga na gawin ang mga 'yon."
"Pero bakit hindi mo ginawa?" Hindi ko mapigilang tanong. "Bakit kailangan mo pang patagalin ng ganito ang mga kasinungalingan mo?!"
"Duwag nga siguro ako kaya hindi ko magawa-gawa. Natatakot akong itakwil ng mga magulang ko. Lalo na noong nalaman kong nababaon na sa utang ang papa ko dahil sa kakasugal niya sa Casino. Mas lalo niya akong pini-pressure na ibigay sa'yo ang kaligayahan mo. You have no idea how influencial your parents are. Alam mo naman siguro kung gaano kayaman ang mga magulang mo di'ba. Alam mo bang willing mag invest ang mga magulang mo ng malaki sa kompanya ng mga magulang ko kung ang kapalit noon ay kaligayahan mo. At gustong samantalahin ni papa ang opportunity na malapit ang loob mo sa akin."
Napapakag-labi nalang ako habang pilit na ina-absorb ng utak ko ang mga naririnig ko.
"I know, hindi ko dapat na sinasabi ang mga ito sa'yo. It's my family's problem. Pero kung hindi ko naman sasabihin sa iyo ay hindi mo maiintindihan ang puno't dulo ng lahat ng ito."
"Are you saying na pinapakitunguhan lang ako ng mga magulang mo dahil dun?"
"Sa totoo ay gusto ka rin naman talaga ng mga magulang ko para sa akin. They are thinking that you're a good influence to me. Ang hindi lang naman nila alam na lihim din akong nagdurusa dahil sa pinipilit ko ang sarili ko sa'yo."
Gusto ng sumakit ng ulo ko dahil sa mga naririnig ko. Am I a push-over?
"Alam mo bang kasalanan ko kung bakit ka nagka-amnesia. Kagaya ngayon kung paano mong nasaksihan ang pagtataksil ko sa'yo. Ito rin ang nangyari noon. Naging mabilis ang mga pangyayari noon. Hindi ko man lang nagawang makapagpaliwanag sa'yo. Halos dalawang buwan ka ring na-coma 'nun. Sinisisi ko ang sarili ko kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat, pagtitiisan ko ang lahat kapag nagising ka. Alam ko naman at inaamin ko naman na kasalanan ko ang lahat. Nagising ka pero hindi mo na ako maalala. Nakakalungkot pero sa kabila 'nun ay ipinagpapasalamat ko ang nangyari. Call me selfish pero itunuring kong blessings in disguise ang nangyari sa'yo dahil nakalimutan mo ang tungkol sa ating dalawa at nakatagpo ka ng panibagong pag-ibig sa katauhan ni Rocky. He's a good guy. Alam kong mahal ka niya at mahal mo rin siya. Kayong dalawa ang para sa isa't isa."
Ang dami pa niyang sinabi. Masakit sa ulo. Masakit sa dibdib. Parang hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat ng rebelasiyon niya. Hindi ko alam na labis pala siyang nasaktan sa relasyon naming dalawa. Our relationship was a big lie. Kaya dapat na ngang tapusin.
Nakakalungkot lang na hindi ko man lang naramdaman ang mga 'yon dati. Patuloy akong nabubulagan sa salitang pag-ibig, pagmamahal, tiwala at sakripisyo.
*********
End Part
![](https://img.wattpad.com/cover/122123584-288-k138898.jpg)
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomansaNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...