Chapter 11

58 6 5
                                    

"You can't stop the feelings you have for someone. You can't lie to yourself either. Your heart knows the truth all too well." Anonymous

****************************

Rocky's POV

Napangiti ako nang hindi makatutol si Nissy na anyayahan ako ng tita niya. I miss their house.

Halata man sa mukha niya na ayaw niya akong makita pero masaya pa rin ako na malaya kong nasisilayan ang nakabusangot niyang mukha. Siya pa rin naman ang babaeng minahal ko at ang patuloy kong mamahalin. I even like this attitude of hers. At least nalaman ko na meron pala siyang side na ganito.

Pilit siyang ngumingiti sa akin habang idinudulot ang kapeng tinimpla niya. I just miss this aroma. I miss her cooking and of course, her.

Ilang minuto rin akong namalagi doon. Masiglang nakikipag-usap sa akin si tita Susan habang si Nissy naman ay tahimik lang sa isang tabi na nakikinig sa usapan namin ng tita niya. Tila ba binabantayan niya ang bawat salitang lalabas sa bibig ko. Kaya naman sinubukan ko ring maging maingat sa anomang sasabihin ko.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ako para umalis.

Pero bago paman ako nakapasok sa kotse ko ay pinigilan ako ni tita Susan. Hindi ko man lang namalayan na sinundan niya pala ako sa paglabas ko.

"Ano po 'yon tita?"

"I'm happy na magkasama kayo ngayon? Ano ba ang nangyari at ganoon nalang ang inis sa'yo ng pamangkin ko? Tell me, you knew from the start na ikaw ang gusto ko para sa pamangkin ko, di'ba?"

Napabuntong-hininga muna ako saka nagsimulang mag-kwento. Wala naman akong rason na magsinungaling kaya ipinagtapat ko ang lahat kay tita na mas lalo yata niyang ikinainis kay Arnold.

Nanggagalaiting nakagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Wala talagang magawang matino ang lalakeng 'yon! Kahit na minsan ay nawala na sa kanya si Nissy ay hindi pa rin siya nadadala."

"Tita, tanong ko lang po. Aware po ba si Nissy sa nangyari sa kanya? I mean, hindi ba siya nagtataka sa mga pagbabagong nagaganap sa paligid niya. It's been two years nung magkaroon siya ng amnesia."

Malungkot na napatango si tita Susan.

"She knows, ipinaalam naman 'yon sa kanya ng doctor at under therapy din siya ngayon. Sa katunayan, hindi naman ito ang unang beses na nangyari sa kanya 'to. Ten years old lang siya no'n nung una siyang magkaroon ng temporary amnesia. It sounds crazy pero nangyari na sa kanya 'to. Imbes na emotional breakdown ang nangyayari sa kanya, suppression ang nagiging paraan ng utak niya para itago ang matinding sakit ng kalooban o di kaya sama ng loob. Her mother was like that. It runs in the family, actually."

Wala sa loob na napapatango ako habang naglalakbay ang isip ko.

"I hope you won't give her up yet. Mas mapapanatag ang loob ko kapag ikaw ang makakasama ng pamangkin ko. Rocky, please, huwag mo sanang isusuko ang pamangkin ko," pagsusumamo ni tita Susan na hinawakan pa ang mga kamay ko at bahagyang pinisil.

Napatitig ako sa kanya saka muling napatango.

"Of course, tita. I will do that. Sa tingin niyo ba basta-basta ko nalang isusuko ang pagmamahal ko sa kanya? Of course not."

Napangisi ng malapad si tita dahil sa sinabi ko.

"Thanks Rocky," aniya. "I know sooner or later ay matototo rin ang utak niyang tanggapin kung ano ang totoo. Superficial lang naman ang pagmamahal na meron siya kay Arnold kaya alam kong mabilis 'yong mapapalitan lalo na kapag nakita niyang may isang taong kaya siyang tanggapin at mahalin kung sino talaga siya. Secretive masyado ang pamangkin ko na 'yan kahit sabihin pang open naman siya sa pagtatapat sa amin sa mga nangyayari sa kanya pero kung masyado ng personal ang issue ay sinasarili lang niya 'yon," dagdag pa niya.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon