Chapter 4

129 38 6
                                    

"I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen." Anonymous

************************************

Rocky's POV

"Agh!"

Napaungol ako nang maramdaman kong may kung anong likidong dumaloy sa mukha ko. Hindi ko halos maibuka ang mga mata ko dahil sa pagkahilong nararamdaman at sa matinding sakit ng sentido.

"Nissy!" halos pabulong lang na tawag ko sa pangalan niya. Ang then it hit me. Naging mabilis ang paglakbay ng reflexes sa katawan ko nang maalala ko si Nissy. "Oh God!" mas lalo yatang sumakit ang ulo ko nang makita ko ang kalagayan niya. "Oh God! Nissy? Wake up!"

Nanginginig pa ang mga kamay ko nang abutin ang mukha niya na puno na ng dugo. Nawalan na rin siya ng malay.

Oh God! This is not happening.

Mas lalong hindi humupa ang kaba na nararamdaman ko nang makapa ko sa ulo niya ang pagragasa ng dugo mula roon. Hindi ko man lang namalayan ang pagtama ng ulo niya sa salamin.

Wala akong nagawa kundi ang mapasigaw dahil sa halong emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

************

Naalimpungatan ako dahil sa mga naririnig kong bulungan sa paligid ko. Ilang segundo ko ring pilit na iginagalaw ang talukap ng mga mata ko bago ko ito nagawang ibuka. Muli akong napapikit nang salubungin ako ng matindig liwanag sa loob ng silid. Ngunit mayamaya ay muli ko itong ibinuka lalo pa at narinig ko ang boses ng pinsan kong si Janith.

Pinakiramdaman ko ang paligid.

Saan ako naroon?

Napatingin ako sa paligid.

"Hey, buddy!" malungkot pero nakangiting anas ni Janith. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Napahawak siya sa mga kamay ko at marahan itong pinisil.

"Are you okay?"

Napatango lang ako. Hindi ko kasi alam kung may salita bang lalabas sa bibig ko kung sakaling magsasalita ako. Ramdam ko kasi ang pananamlay ng katawan ko habang sa likod ng isip ko ay pilit kong inaalala kung ano ang nangyari at bakit ako naroon.

Batid kong nasa loob ako ng hospital dahil amoy-gamot ang buong paligid. Naroon din ang pinsan ni Nissy na si Jean. Malungkot ang mukha nito kaya naman parang gusto kong kabahan. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Pilit kong ibinabalik sa isip ko ang mga nangyari.

Oh God!

Mabilis ang naging paglakbay ng kaba sa dibdib ko nang maalala ko si Nissy at ang nangyari. Kunot-noong tiningnan ko si Janith at si Jean.

"Where is she?" kahit nahihirapan ay pilit kong tanong.

Sinubukan kong bumangon pero sumigid ang matinding kirot sa sentido ko nang gawin ko 'yon. Mabilis naman akong inalalayan ni Janith na muling mahiga.

"Huwag mo na munang pilitin ang sarili mo pinsan. Ang mahalaga ngayon ay gising ka na. Kahit papaano ay mapapanatag na ang loob namin. Ang kailangan mong gawin ay ang magpalakas para tuluyan ka ng makalabas dito."

Bakit parang may lungkot sa boses niya. Bakit parang iba ang pag-aalala na naririnig ko sa dati ay masigla niyang boses. May nangyari bang hindi maganda?

"Janith, just answer me. Where is Nissy? Bakit mag-isa lang ako sa room na 'to? I want to see her!" saka tuluyan akong bumangon at umalis ng kama. Saka ko naman naramdaman ang pagkahilo kaya napahawak tuloy ako sa gilid ng kama para alalayan ang sarili ko na huwag matumba.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon