Chapter 1

259 50 20
                                    

"A real man can't stand seeing his woman hurt. He's careful with his decisions and actions, so he never has to be responsible for her pain." qouteslife101.net

*************************************

Rocky's POV

"About yesterday, I'm so sorry I had no idea you didn't like that kind of joke," untag ko sa pananahimik niya. Ayokong nagkakagalit kaming dalawa nitong girlfriend ko. Lalo na ngayong bago palang kami sa relasyon naming dalawa. Mahigit dalawang buwan ko palang na naging girlfriend itong si Nissy at hindi ko sasayangin ang bawat minuto, araw, buwan, at taon na pwede ko siyang makasama.

"Just don't do it again," napalabing sabi niya saka alanganin siyang tumingin sa akin.

Hindi ko naitago ang saya sa mukha ko kaya ginagap ko agad ang mga palad niya.

"Are we good? I mean, okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?"

"Of course! Nag-effort kang pumunta dito sa bahay. Unfair naman sa'yo kung hindi kita patatawarin di'ba," aniya sa mababang tono.

"Alam mo naman na mahal na mahal kita di'ba? at paulit-ulit ko 'yong sasabihin at ipaparamdam sa'yo kung kinakailangan huwag lang tayong magkagalit na dalawa."

Napapatango lang siya.

"Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung papaano ako hihingi ng tawad sa'yo. Hindi na rin ako pumasok ng opisina dahil hindi ako mapakali - ," Hindi ko naituloy ang iba ko pang sasabihin nang gumuhit ang lungkot sa mukha niya.

"And because of that, I need to send you back. Ako pa yata ang dahilan at hindi ka pumasok sa trabaho. You need to go now. Let's talk later, okay."

"Nope, I won't do that," tutol ko agad saka hinawakan ang baba niya at bahagyang iniangat para tingnan siya sa mga mata. "Alam ko naman na hindi mo gusto na iniiwanan ko ang trabaho ko, pero hindi mo rin naman maiaalis sa akin ang unahin ka. May atraso ako sa'yo kaya dapat lang na bumawi na muna ako sa'yo. Makakapaghintay naman ang trabaho sa opisina, pero ang isang araw na hindi ka makausap ay isang torture para sa akin. Kahit naman nasa opisina ako ay hindi ako makakapagtrabaho ng maayos dahil sa kakaisip sa sitwasyon nating dalawa," paliwanag ko.

Kaya naman isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan niya bilang pagsuko. At mas lalong lumiwanag ang mukha ko dahil doon.

"Rocky, do me a favor," nahihiyang anas niya pagkalipas ng ilang sandali.

"What is it?"

"Pwede mo bang tawagin si tita?"

"Sure but why?"

Napakagat-labi siya. I should stop her from doing that, it distracts my senses. Baka hindi ako makapagpigil at lunurin ko siya ng mga halik ko.

"Hindi ko maigalaw ang isa kong braso, hindi ako makakapagbihis ng maayos," nag-aalangan pa niyang sabi.

Napapalunok naman ako nang mapagtantong wala nga pala siyang ibang saplot sa katawan sa ilalim ng tuwalyang nakabalot sa katawan niya. I can't believe myself seeing her bare skin.

Bumalik sa alaala ko kung bakit nandito ako ngayon sa loob ng kwarto niya at kung bakit wala siyang saplot sa katawan at tanging isang tuwalya lamang ang nakatakip sa katawan niya.

Pinapasok kasi ako ng ante niya nang dumating ako. Nang maipaliwanag ko sa ante niya na nagkaroon kami ng tampuhan ay pinahintulutan niya akong puntahan sa kwarto niya si Nissy. Mag-a-alas-otso na rin kasi ng umaga ay hindi pa siya bumababa para mag-agahan kaya nag-aalala rin ang ante niya.

Sa tatlong katok na ginawa ko ay wala akong sagot na narinig mula sa loob ng silid kaya bumangon din ang kaba sa dibdib ko kaya naman mabilis ko itong binuksan. Sakto namang paglabas niya mula sa loob ng banyo. Sabay kaming nagulat kaya sa hindi inaasahang pangyayari ay nadulas siya sa may flooring ay natumba. 

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon