Nissy's POV
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko na nakapatong sa manibela ng sasakyan.
Wala akong ideya kung saan ako dinala ng manibela ng sasakyan ko. Ang alam ko lang ay tinahak ko lang ang daan kung saan man ako dalhin ng lansangan na nilalakbay ko. Pasado alas-diyes na rin nung iparada ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Halos wala na ring masyadong sasakyan ang dumadaan sa dakong iyon. Masukal at madilim pa ang paligid.
Napasandal ako sa headrest habang nakapikit ang mga mata.
Mugto na ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak. Ano pa nga ba ang pwede kong magawa maliban sa iiyak ang mga nararamdaman ko sa pagkakataong iyon. Hindi ko pa rin lubos na matanggap sa sarili ko ang mga narinig kong pahayag galing kay Arnold. All this time I didn't know I'm the one holding him back.
Nagmukhang ako pa yata ang naging kontrabida sa buhay pag-ibig niya. Sa kagustuhan kong hawakan ang huwad palang pagmamahal ko sa kaniya ay hindi ko man lang sinubukang tingnan kung gusto rin ba niya ang anomang namamagitan sa aming dalawa.
Muli ay napahagulhol ako ng iyak.
Saka naman pumasok sa isip ko ang imahe ni Rocky. Tila ay nag flashback sa isip ko ang lahat ng mga namagitan sa aming dalawa ni Rocky. Ang mga ipinapahayag niyang pag-ibig sa akin. Ang mga pangako niya na hindi ko alam kung marapat ko bang tanggapin. Parang gustong umurong ng puso ko. Natatakot ako na baka kung kailan binibigyan ko na ang sarili ko ng pagkakataon na buksan ito ng tuluyan sa kaniya, baka bawiin nalang niya bigla.
Natatakot na ako lalo pa at narinig ko na ang mga pahayag ni Arnold kanina. Dati naniniwala ako na totoo ang namamagitan sa aming dalawa pero 'yon pala ay hindi.
Pero iba si Rocky. Oo, iba siya.
Napasigok ako ulit.
Oh God! Naguguluhan na ako.
Paano kung ako lang ang naniniwala doon? Paano kung isa na naman itong hopeless thinking.
Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin.
Tuloy ang nagdadalawang isip ako kung tama ba na mag-umpisa ako ulit na kasama siya? Natatakot ako na baka ang papasukan ko ay isa na namang pantasiya.
I was always drawn to the idea of love – of true love. I always believe in the sentiment of true love. Even without thinking about its setbacks.
Kaya natatakot na tuloy akong sumubok ulit.
Noong una gusto ko lang namang magkausap kaming dalawa ni Arnold. Gusto ko lang namang marinig mula sa kanya na hindi na niya ako mahal. Na pakakawalan na niya ako. Na magkakaroon na ako ng sapat na dahilan para ituwid ang kahibangan ko nitong mga nagdaang mga araw kay Rocky. To cover up my guilt. Pero iba ang sumalubong sa akin. Mga rebelasiyon na kailanman ay hindi ko inaasahan na maririnig at malalaman ko.
Nakakalungkot.
Nakakapanlumo.
Natatakot ako. Natatakot ako na baka magkamali ako ulit. Natatakot ako na baka hindi ko na naman mamalayan na baka may sinasakal na naman akong tao.
Pero iba si Rocky. 'Yon ang gustong paniwalaan ng isip ko. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na gusto niya ako - na mahal niya ako.
Napahagulhol na naman ako.
Pero hanggang kailan? Hanggang kailan niya ako kayang mahalin? Baka magsawa rin siya sa akin bandang huli.
I feel so helpless and hopeless.
Ilang minuto pa ang pinalagpas ko para makapag-isip ng susunod kong gagawin.
Napukaw ang nananamlay kong diwa dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Napaigtad ako sa kinauupuan at nag-ayos ng upo.
Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Muli ay hinila na naman ako ng emosyon ko para umiyak. Maging ang kalangitan ay tila nakikiramay sa lungkot na nararamdaman ko.
Napasigok ako nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Nanlalabo pa ang mga matang kinapa ko sa loob ng dala kong bag ang cellphone ko.
Ilang beses muna akong napalunok ng laway at pilit na pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag. Si Rocky 'yon.
"Where are you?"
Saglit na inilayo ko sa taenga ang cellphone nang mag-umpisa na naman akong mapasigok. Ang marinig ang boses niya na nag-aalala ay tila tumutunaw sa buo kong pagkatao.
Paano ko ba sasagutin ang tawag niya na hindi niya mahahalata na umiiyak ako? Ayokong isipin niya na iyakin ako at mahina ang loob.
Napapikit ako saka muling inilapit ang cellphone sa taenga ko.
"Rocky,"
"Where are you?" ulit na tanong niya.
"Rocky, I can't take it anymore. Please help me," hindi ko napigilan ang paggaralgal ng boses ko. Matigas nga siguro ang puso ko dahil hindi ito nakiisa sa isip ko na huwag ipahalata sa boses ko ang emosyon na nararamdaman ko sa sandaling iyon. My heart betrayed me.
"Hey," naririnig ko ang pagkataranta sa boses niya. Kaya naman hindi ko tuloy mapigilan ang mas lalong mapahagulhol. Mas lalo ko lang tuloy naramdaman na kailangan ko siya sa mga sandaling iyon.
"Nasaan ka ba? Pupuntahan kita. Okay ka lang ba? Bakit ka ba umiiyak? Hintayin mo ako at pupuntahan kita diyan."
*******
End Part!
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...