Chapter 2

184 46 14
                                    

"Love is not something that you can search for and find, it is something that finds you." Anonymous

**************************************

ROCKY'S POV


"Hey, that's enough," natatawang iniharang niya ang mga palad niya sa dibdib ko. "Okay, I admit that I really like it. I really like kissing you but I have my limits. I don't want to go beyond this. I'm not yet ready. Please don't get mad. I do love you, really. It's just that---,"

Agad ko ng pinutol ang iba pa niyang sasabihin at masuyong kinintalan ng halik ang noo niya.

"I understand. You don't need to explain yourself. I can wait until you are ready."

"I love you!" 

"I love you more."

------

Dalawang gabi rin akong nakituloy sa bahay nila Nissy at sa mga gabing 'yon ay mas lalong napalapit ang loob ko sa tita ni Nissy na hindi nagsasawang asikasuhin ako. Nakakahiya man ay sinanay ko nalang ang sarili ko sa tratong ibinibigay ng pamilya ni Nissy sa akin.

Nakakapanatag ng loob na tanggap ka ng pamilya ng babaeng mahal mo.

At dahil sa nakuha ko na rin ang tiwala ng kamag-anak ni Nissy, minsan ay pumapayag na rin ang mga ito na sa condo ko magpalipas ng gabi kung minsan si Nissy lalo na kung masyado na kaming ginagabi sa daan.

Pagkagaling sa opisina ay agad na akong dumediretso sa restaurant para tulungan siya at para sunduin na rin siya pagkatapos. Minsan nga ay hindi na kami nakakapag-set ng date namin sa labas dahil nasanay na rin kami sa nagiging routine namin sa bawat araw. Tila baga 'yon na ang nagiging bonding naming dalawa.

Ang makasama ang isa't isa ay naging paraan na rin namin para makilala ang ugali ng bawat isa.

Mag-iisang buwan na rin naming ginagawa ang ganitong routine. Minsan sa kanila ako natutulog, minsan naman siya ang dinadala ko sa condo. Sa katunayan nga niyan ay may mga personal na kaming mga gamit na iniiwan namin sa bahay ng bawat isa para iwas hassle na rin.

"Mag-iisang buwan na rin tayong hindi nakakalabas para mag-date," sabi ko. Nasa living room kami nun ng condo ko at nanonood ng palabas. Pareho kasi kaming hindi pa dinadalaw ng antok kaya nanood nalang muna kaming dalawa ng anomang palabas habang hawak sa kamay ang tig-iisang cup ng ice cream.

Napatigil siya sa pagsubo at tumingin sa akin.

"You want to go on a date?" kaswal na tanong niya.

Inilapag ko na muna sa center table ang hawak kong ice cream saka seryosong tumitig sa kanya. "Ahm, technically, yes. May gusto lang sana akong ipakita sa'yo. Maybe sa darating na linggo."

Saglit siyang nag-isip pagkuwa'y napangiti sabay angat ng balikat niya.

"Okay, wala naman akong gagawin sa linggo. May special na okasiyon ba kaya naisip mong e-date ako sa labas?"

Napailing ako saka inilapit ang kaliwa kong kamay sa mukha niya para ihawi ang ilang hibla ng buhok na nasa pisngi niya. Hindi ko na inalis ang kamay ko sa mukha niya at muli siyang tinitigan. "Bawat araw na kasama kita, kino-consider ko 'yon na isang mahalagang okasiyon kaya naman kung dadalhin man kita sa labas, hindi ibig sabihin nu'n na exceptional ang araw na 'yon," paliwanag ko.

Napapailing siya habang napapangiti. "You never fail to amuse me," aniya saka inilapit ang mga labi para abutin ang mga labi ko.

Sa umpisa ay magaan lang ang halik na pinagsaluhan naming dalawa hanggang sa nag-umpisa ng humigpit ang kapit niya sa leeg ko.  Alam ko at ramdam ko na minsan ay gusto na niyang mag give-in pero pilit niyang pinipigilan ang sarili niya sa tuwing nagiging mapusok na hindi lamang ang aming mga labi kundi maging ang aming mga kamay na damhin ang balat ng bawat isa.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon