Nissy's POV
Nakita niya ang tuwa sa mukha ng matanda nang makita siya nito. Nagpilit itong bumangon sa pagkakahiga sa malaki nitong kama. Napatayo naman ang mama ni Arnold ng makita ang paglapit niya. Lumabas ng kwarto ang mga ito at naiwan nalang silang dalawa ng matanda.
"Mabuti naman at nandito ka na hija. Matagal na rin kitang gustong makita," masiglang salubong ng matanda.
Tipid ang ngiting iginanti niya dito. Mahal niya ang matanda at ayaw niyang nakikita itong malungkot.
"Habang tumatakbo ang araw ay lalong nadaragdagan ang edad ko. Tumatanda na talaga ako. Hija, bago man lang ako pumanaw ay gusto kong makitang lumalagay na sa maayos ang apo ko kasama ka. Baka naman pwedeng planuhin niyo ng dalawa ang kasal niyong dalawa ni Arnold. Alam mo namang wala akong ibang gustong makasama ng batang 'yon kundi ikaw lang, di'ba?"
Napapatango lang ako pero sa loob-loob ko ay nangangamba ako kung papaano ko ipagtatapat sa kaniya ang kalagayan naming dalawa ni Arnold na hindi siya mabibigla. Ayokong ako pa ang rason ng paglala ng kalagayan niya.
"Lola Esmeralda," umpisa ko habang hawak-hawak ang mga palad niya. "I really appreciated your love and care for me. Gusto ko rin po ang anomang makapagpapaligaya kay Arnold. Anoman ang desisyon na gagawin niya ay nakahanda akong sumuporta,"
"Salamat hija,"
"Pero hindi po ako ang makapagbibigay ng kaligayahan niya,"
Nalukot naman ang noo ng matanda dahil sa sinabi ko.
"Mahal ka ng apo at mahal mo rin naman siya, ano pa ba ang kulang?"
"Lola, huwag po sana kayong mabibigla. Please po, pakinggan niyo po muna ang sasabihin ko."
Hindi man lubos na naiintindihan ay napapatango na lang siya sa pakiusap ko.
Ipinagtapat ko sa kaniya ang tunay na katayuan ng relasyon naming dalawa ni Arnold. Sinubukan ko ang lahat ng paraan na itawid sa kaniya ang mga bagay na kailangan niyang malaman na hindi nalalagay sa alanganin si Arnold.
"Alam niyo po bang mahal na mahal kayo ni Arnold at gusto din niyang gawin kung anoman ang makakapagpasaya sa inyo. Pero nagdurusa din po ang puso niya. Hindi niya ako mahal. May mahal na po siyang iba bago paman kami nagkakilala at alam niyo po kung sino ang babaeng tinutukoy ko. Lola, nakikita ko po kay Arnold ang pagiging isang responsable. Sana po ay bigyan niyo po siya ng pagkakataon na ipakita sa inyo na kaya din po niyang magdesisyon para sa sarili niya. Isipin niyo po, kung pipilitin ko ang sarili ko sa kanya, kung pipilitin po naming dalawa. At the end of the day pareho lang po kaming magdurusa. Trust me, magiging okay po ang lahat."
Marami pa akong sinabi sa kaniya. Noong una ay parang ayaw niyang tanggapin ang reasonings ko pero di naglaon ay naipaintindi ko rin sa kaniya ang lahat.
"Nasasayangan lang ako para sa inyong dalawa," aniyang ginagap ang mga palad ko. Saka napangiti na rin siya.
Alam kong hindi agad magsi-sink in sa isip niya ang mga sinabi ko pero alam kong maiintindihan niya rin ang mga 'yon.
"Pwede bang papasukin mo si Arnold dito para makausap ko," anang matanda.
"Sige po," napapatango kong sagot saka lumabas ng kwarto at pinuntahan si Arnold.
"I told her everything she needs to know. So, don't worry. Just tell her the truth," paalala ko kay Arnold bago siya pumasok sa loob ng kwarto.
Halos isang oras din na nag-usap sa loob ang dalawa. Ang mga magulang naman ni Arnold na nasa labas ay kapwa hindi mapakali sa kinatatayuan. Ramdam kong takot ang mga ito kay lola Esmeralda. Kahit na matanda na ang huli ay ito pa rin ang may mas kapangyarihan sa bahay na 'yon.
Lumabas ng kwarto si Arnold na namumula ang mga mata pero halata namang naging maayos ang pag-uusap ng mga ito.
Niyakap pa niya ako ng mahigpit nang lumapit sa akin.
"Thank you, Nissy. Hindi ko alam kung papaano ko ipapakita sa'yo ang pasasalamat ko," bulong niya.
"Don't mention it. Ginawa ko lang at sinabi ang marapat. Kahit ano ang mangyari, naging bahagi ka na rin naman ng buhay ko. Gusto kong maging masaya tayo pareho. So, ano ang sabi ng lola mo?"
"Gusto niyang magpakasal na ako agad-agad. Kung maaari ay sa susunod na linggo na," masiglang pahayag niya habang napapasigok.
"That's good," sagot ko naman. "That's too soon," pagkuway nalukot ang noo ko. So dapat pala ngayon palang ay maihanda na ang lahat. Don't worry, tutulong ako sa paghahanda para naman mabawasan ang isipin mo." Suwestiyon ko.
"Thank you for that," aniyang muling napayakap sa akin.
Sa araw na iyon ay ipinaalam na rin naming dalawa ni Arnold sa mga magulang niya ang magiging plano. Sa umpisa ay nabigla rin ang mga ito. Hindi nila inaasahan ang naging takbo ng sitwasiyon.
Pero may magagawa pa ba sila kung ang matanda na mismo ang nagbigay ng basbas sa dalawa na lumagay na sa tahimik.
Sa araw din na iyon dinala at opisyal na ipinakilala ni Arnold si Tanya sa mga magulang bilang mapapangasawa nito.
Arnold's family is very influencial kaya hindi pwedeng hindi malaman ng madla ang magiging kasal ng binata. Kaya naman agad na kinausap ng mama nito ang kakilala nitong mamamahayag para mailathala sa diyaryo ang magiging kasal nito.
Sa isang iglap ay naging abala na ang lahat sa paghahanda sa magiging kasal ng dalawa. At sa maikling panahon rin na 'yon ay naging mabuting magkaibigan na kaming dalawa ni Tanya.
Habang napapalapit ako sa kaniya ay mas lalo kong naunawaan kong bakit mahal na mahal siya ni Arnold. She deserves to be loved. She is kind and smart. Her smile is contagious and she has lots of sense of humor. Masaya siyang kasama at kausap.
Bilang regalo niya sa mga ito, siya na mismo ang personal na nagpahanda at nagpa-design ng magiging wedding cake ng mga ito.
Hiling na rin ng mag-asawa na siya ang gawing maid of honor ng mga ito kaya hindi na siya tumanggi pa. Gusto rin naman niyang saksihan ang pag-iisang dibdib ng mga 'to. Gusto niyang maging maliit na bahagi sa kaligayan ng lalakeng minsan niyang minahal.
********
End Part!
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...