Chapter 21

25 6 0
                                    

Nissy's POV


"Grabe, ang sarap ng mga seafoods nila dito?" Hindi ko mapigilang maibulalas matapos maubos ang dalawang pinggan ng pagkain. Naghahapunan na kami n'un sa may seaside ng resort.

Ang sarap ng ambiance ng lugar. Nakakaganang kumain lalo pa at naaamoy mo rin ang simoy ng hanging dala ng tubig dagat at naririnig mo pa ang bawat palo ng alon sa dalampasigan.

"Hindi ko alam na napakatakaw mo pala sa seafoods?" malutong ang tawang komento niya na hindi man lang inaalis ang mga mata sa mukha ko. Nandoon na naman 'yong klase ng titig niya na nakakalunod.

Gusto ko sanang ma conscious pero iwinaksi ko na muna sa isipan  ang bagay na 'yon. I feel so overwhelmed with the kinds of seafood in front of me right now.

"Sinabi mo pa. Seafood is the best," masiglang sagot ko.

"I can see that. Ubusin mo ba naman ang dalawang pinggan. Eh, kung hindi ka pa nasarapan, eh ano nalang kaya?"

"May live band doon sa may dulo, pwede mo ba akong samahang manood kahit mga kalahating oras lang?"

"Of course."

******

"Whooo!" Nakikisigaw na rin lang ako sa mga naroon at nakikisabay narin lang sa pagkanta kahit medyo sintunado. At ang walanghiyang Rocky, pinagtatawanan lang ang mga ginagawa kong kabaliwan. Parang pinagkakatuwaan pa yata niya ang mga pagwawala ko.

Bahala siya. Eh, ito ang paraan ko para kumalma ang isip at damdamin ko eh. Minsan lang naman akong nagwawala.

"Whoa!" napasigaw ako nang paalis na kami sa lugar na 'yon at pabalik na sa cottage na kinuha naming dalawa. Magkatabi lang naman 'yong cottages na kinuha namin ni Rocky. Malapit sa may swimming pool ang sinadya naming kunin. 'Yon ang s-in-uggest ko sa kaniya.

"Ang galing nung banda. Real talent, ang galing ng vocals at 'yong gitarista, grabe ang banat lalo na 'yong drummer. Alam mo bang pangarap kong maging drummer dati. Hindi mo mapipigilang mapaindak kapag naririnig mo 'yong tunog ng drums lalo pa kung nasa timing. Kung ako ikakasal, gusto ko talaga na banda ang tutugtog kapag nasa reception na. Ang saya n'un. That would be epic." Wala na hindi ko na napigilan ang sarili ko na maging madaldal dahil sa overwhelming feeling sa puso ko. Pakiramdam ko ang gaan ng kalooban ko.

Napahinto ako ng lakad nang mamalayang hindi na pala nakasunod si Rocky sa akin. Napabilis ba ang paglakad ko? Nilingon ko siya. Mga limang metro rin ang pagitan naming dalawa. Hindi ko alam pero ramdam kong napaisip siya ng malalim. Hinintay ko na muna siyang makalapit bago ako naglakad ulit.

"Magpapahinga na muna ako saglit. Medyo namanhid din 'yong mga binti ko sa kakaindak kanina. Pagkatapos nito ay doon na tayo sa swimming pool..."

Pipihitin ko na 'yong door knob nang lingunin ko siya ulit. "Baka makatulog ako, pakikatok naman ako after an hour. I don't want to miss this night. Babalik na tayo bukas kaya gusto kong sulitin ang gabing ito."

"Of course," tipid niyang sagot.

Nagbihis na agad ako ng isang simpleng black onepiece bathing suit bago nahiga para handa na sa paglabas mamaya.

Napapahikab pa ako bago nahiga sa kama.

This is so refereshing. Gaano na ba katagal nung huli akong nakalanghap ng tubig dagat? Kaya naman hindi pwedeng matapos ang gabing iyon na hindi siya nakakapag-swimming.

Mahihinang katok ang nagpagising sa akin.

Nag-inat ako saka napasulyap sa nakasabit na orasan.

Oh God! I overslept!

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon