"I had a dream last night," umpisa ulit ng babae. "Is your proposal still on? I remember I still didn't answer yes to your proposal," anang babae saka inunahan nang halikan ang labi niya.
"What did you say?" mulagat ang mga matang tumitig ito sa kaniya.
"What?"
"Naaalala mo na ba ang tungkol sa ating dalawa?"
"Well," nag-angat ng balikat ang dalaga. "I - I don't really remember anything that happen between you and me. What I know is, I don't want to lose you. I dream of you every night. Your proposal keeps on lingering on my mind. So, may aasahan pa ba ako? Kasi kung wala na, maghahanap nalang ako ng iba na aalukin ako ng kasal. Kasi gusto ko na talagang makapag-asawa para wala na akong alalahanin pa na baka maagaw pa ng iba ang taong mamahalin ko. Alam mo 'yong gan'un?" panunudyo niya saka isang malapad na ngiti sa mga labi.
"You are crazy as ever," anang lalake saka kinanlong ang siya patungong silid nito. "I won't let you go ever again. Kung kinakailangang pakasalan kita bukas na bukas ay gagawin ko if that's the only assurance I'll hold para hindi ka na mawala sa piling ko. And I won't let anyone na lalapit sa'yo." Seryoso ang mukhang saad nito.
"You'll do that?" nakikiliting anas ng babae nang paulanan ng lalake ng halik ang mukha niya.
"Why? Do you think I can't do such thing?"
"Wala akong sinasabi."
Hindi na nakipagtalo ang lalake; bagkus ay sinulsihan nalang niya ang mga labi nito para magtigil na ito sa panunudyo sa kanya.
********
Hindi mapigil ng babae ang paglandas ng luha sa magkabila niyang pisngi nang marinig ang madamdamin at malamyos na musika na pumailanlang sa ere. Isang banda ang tumutugtog sa may stage ng reception hall ng kasal nilang dalawa ni Rocky.
"You remember?" aniya saka ginagap ang mga kamay nito.
"Of course, honey," sagot naman ng lalake sabay ng pag-angat ng kamay nito para pahirin ang luha sa mga mata niya. I want this to be special. I hired the band kasi ikaw na rin ang nagsabi na gusto mong banda ang tutugtog sa kasal mo. And I want it to be special because you are special to me.
Napapatango nalang siya habang napapasigok.
"You really knew me," aniya.
Wala ng mahihiling pang iba ang babae. Masaya na siya sa buhay niya na kapiling niya ang taong alam niya ay hindi mapapagod na magmamahal sa kaniya.
Nakikita rin niya ang saya sa mukha ng mga taong malapit sa kaniya. Masaya na nang tita Susan niya para sa kaniya. Nakisalo rin sa kasiyahan niya ang mga malalapit niyang mga kaibigan. Maging sina Arnod at Tanya ay naroon din sa kasal nilang dalawa ni Rocky.
Idagdag pa na naging mabuting magkaibigan na rin ang dalawang lalake. Tuluyan ng naibaon sa nakaraan ang lahat ng mga misunderstanding sa pagitan nilang tatlo.
Maging ang tita Susan niya ay naging mabuti na rin ang pakikitungo kay Arnold nang maipaintindi niya rito ang tunay na pangyayari.
Alam niyang mahal lang talaga siya ng sobra ng tita niya kaya ayaw nitong nasasaktan siya. And she really appreciated that.
*******
"Nissy?" mahinang tawag niya sa pangalan nito nang hindi ito makapa sa tabi niya.
Napabangon ang lalake at nagtungo sa katabing kwarto.
Mula sa likuran ay niyakap niya ito at kinintalan ng halik ang leeg nito.
"Bakit hindi mo ako ginising?" mahinang tanong ng lalake dito.
"Shhh!" anang babae. "Baka magising ang bata," aniya habang pinapatahan ang sanggol sa loob ng crib. "Isa pa napuyat kana sa pagbabantay kagabi kaya oras ko naman ngayon na bantayan ang anak natin. Hindi mo naman kailangan na gawin 'to gabi-gabi. Sabi ko naman sa'yo na salitan tayo sa pagbabantay hindi ba?"
Frustrated na napailing ang lalake. "Paano naman ako? Kapag napagod ka na, magdadahilan ka na naman na hindi ako pagbigyan. Alam mo naman na tuwing gabi nalang kita nakakasama di'ba. Buong araw kanang abala sa pagbabantay at pag-aalaga sa anak natin tapos busy rin ako buong araw sa opisina. And I've been celibate for almost a week. Nagkasakit ka noong nakaraang linggo kaya wala akong magawa kundi ang magtiis kahit na katabi ka sa higaan," nagmamakaawang anas ng lalake.
Natatawa namang nilingon ito ng babae.
"Alright, alright. Babawi ako sa'yo. Pero sa ngayon ay patutulugin muna natin si baby Ysah, okay," mahinang saad niya dito saka kinintalan ng banayad na halik ang mga labi nito.
Saka naman lumapad ang ngiti sa labi ng lalake.
Napapailing nalang si Nissy sa inasta ng asawa.
Ito pa ba ang hindi niya pagbibigyan eh, lahat ng sinasabi niya ay sinusunod nito at ginagawa.
*********
Author's Note:
So this is the official end of "My Last Romance." I know it is long overdue bago natapos. I've been doing lots of editing kaya ganoon. Kaya naman buong 11 chapters na magkasabay na i-p-in-ost ko. It took me months of editing and thinking kung papaano matatapos ang buhay pag-ibig ng ating mga bida. I hope magustuhan niyo ang naging takbo ng kwento sa storyang ito.
I know, marami pang mga typos at iba pang uri ng errors. Well, I will work on that soon. Tinapos ko lang talaga ang pagsusulat at pagpo-post nito kasi nga matagal na itong natambak sa draft ko. Also I want to hear from you guys. It is a great privilege in my part kapag ginawan niyo ng comments and critique itong gawa ko.
Gusto ko ring magpasalamat sa mga silent readers na nagtitiis at naghihintay na matapos ito. Isa kayo sa dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ko ang pagsusulat nito.
My Last Romance
Written by: Lenny S. Mendez
Username: @marialennygrace
Date started: April 20, 2018
Date Finished: July 11, 2020
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...