Rocky's POV
Nagising ako dahil sa matinding pananakit ng sentido. Mula nang mangyari ang aksidente at hindi na ako maalala ni Nissy ay napapadalas na ang pag-inom ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na hinihiwa ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Kahit anong gawin kong kumbinsi sa sarili ko na okay lang ang lahat, na makakalimutan ko rin ang mga pangyayaring ito sa buhay ko pero nagkamali ako. Nagkamali ako dahil sa bawat araw na nagdaan ay nadadagdagan ang sakit ng kalooban ko.
Napaayos ako ng upo sa sofa nang muntik na akong malaglag sa kinahihigaan ko.Hindi rin naman kasi naging maayos ang pagkakahiga ko kaya para akong magkaka-stiff neck maliban sa muntik na akong malaglag.
"Ugh!" hindi ko napigilan ang pag-ungol nang sumigid ang kirot sa ulo ko. Naipikit ko nalang ang mga mata ko para pigilan ang nararamdamang pagkahilo. Napasandal ako sa sofa habang pilit na inaalala ang mga nangyari. The last thing I remember kasi ay 'yong makita si Nissy sa tabi ko habang kinakausap niya ako para damayan. I don't know kung tama ba ang naaalala ko.
Speaking of her. Where is she? Umuwi na ba siya?
Napatingin ako sa wristwatch ko, alas-otso na pala ng umaga. Muli ay napaungol ako. Kailangan kong pumasok ng opisina dahil marami akong appointment ngayon.
At bago ko pa maimulat muli ang mga mata ko ay may narinig na akong papalapit na tinig.
"You're up!"
Nissy?
"You're here! You're here?" pilit ko mang itago ang excitement sa boses ko ay hindi ko pa rin napigilan ang saya sa boses ko.
"Akala mo ba ay umalis na ako?"
Himala yata at hindi siya nang-aaway o nambubulyaw sa akin ngayon. Nakakagaan lang kasi ng loob kaya nanibago ako sa tono ng boses niya. I actually miss that soft tone of hers.
"No, of course I want you here. Nagulat lang talaga ako na makita ka. I thought you went home. Masaya lang ako," hindi ko naman naiwasan ang pagtaas ng boses. Natatakot ako na baka umalis siya.
"Anyway, I prepared something for your hangover. Just wait here at ipagsasandok kita ng mainit na sabaw ng malunggay," kalmadong sabi niya saka iniwan ako at muling pumasok sa kusina.
"Thanks for doing this to me," magaan ang loob na sabi ko matapos maubos ang isang bowl ng mainit na sabaw. I feel relieved dahil sa mainit na sabaw na pumasok sa katawan ko.
Sana ganito nalang siya palagi sa akin. Sweet at caring. Ang dating pakikitungo niya sa akin. Because, I really miss those times with her.
"Don't mention it. Anyway, bumabawi lang ako sa utang na loob ko sa'yo. And I'm also thinking about accepting your proposal. And this," saglit siyang tumigil at tumitig sa hawak-hawak niyang bowl, "this is free of charge - for what you did for me," nakangiti pa rin niyang sabi. "Let's talk about the details and the conditions in my office kapag okay na ang pakiramdam mo. As of now, kumain ka na muna para lubusan ng mahimasmasan ang pakiramdam mo. I prepare your breakfast already. Sana lang magustuhan mo ang inihanda ko. Kailangan ko na rin kasing umalis. Let's talk later this day," mahabang paliwanag niya saka muling ngumiti at tumayo na sa kinauupuan niya.
"Wait!" pigil ko sa isa niyang braso.
Napatitig lang siya sa akin saka sa mga kamay ko.
"Why are you doing this to me? Bakit bigla ang pagbait mo?" Na curious lang talaga ako kaya gusto kong malaman kung ano ang posibleng rason niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/122123584-288-k138898.jpg)
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...