Rocky's POV
"Rocky, I can't take it anymore. Please help me," anito sa kabilang linya.
Napatayo ako sa kinauupuan nang marinig ang panginginig sa boses niya. Bumangon ang labis na pag-alala sa dibdib ko. Wala na akong sinayang na segundo at agad na lumabas ng bahay habang pinapakinggan ang description na ibinigay niya.
At lalong nadagdagan ang pag-aalala at pagkabalisa ko dahil sa lakas ng ulan. Hindi ko kayang iguhit sa isip ko kung ano ang kalagayan niya sa mga sandaling ito.
Buong araw ko siyang hindi nakakausap at wala akong ideya sa mga pinaggagawa niya sa buong araw na 'yon. Ang nasa isip ko lang ay ang bigyan siya ng sapat na panahon na makapag-isip na tanggapin ang pag-ibig ko sa kaniya. Alam ko namang nabigla rin siya sa pagmamadali kong maipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko.
Pero sa nangyari ngayon parang gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ko 'yon ginawa. Dapat pala ay kinulit ko nalang siya sa araw na 'yon. Sana pala ay pinuntahan ko nalang siya sa restaurant para alam ko kung ano ang mga nangyayari sa kaniya.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya.
Hindi alintana ang lakas ng ulan na nasa labas. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang malaman kung ano ang kalagayan niya.
Halos isang oras din ang nagdaan bago ako nakarating sa kinaroroonan ng sasakyan ni Nissy.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko nang makita ang kalagayan niya. Naabutan ko siyang nakasandal ang ulo sa headrest habang nakapikit ang mga mata. May bshid pa ng tuyong luha sa pisngi niya.
Mahihinang katok sa pinto ang ginawa ko. Sa ilang sandali ay nakita ko ang pagmulat ng mga mata niya at ang dahan dahang paglingon sa kinatatayuan ko.
Nang mabuksan ang pinto ay agad niyang itinapon ang sarili niya sa akin. Ang higpit ng pagyakap niya sa akin. Mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko dahil du'n.
Sa ilalim ng malakas na ulan, sa ilalim ng pagsungit ng panahon ay wala akong ibang gustong gawin kundi ang gantihin ang yakap niya at iparamdam sa kaniya na nandito lang ako kung kakailanganin niya ako.
*****
Halos liparin ko na ang kahabaan ng kalsada makarating lang agad ng bahay. Nanginginig na kasi sa sobrang lamig ang katawan ni Nissy.
Pagkabukas ng pinto ay agad ko siyang kinanlong para ipasok sa loob at dumeretso ng banyo. Ibinaba ko siya sa ilalim ng shower at binuksan ang hot shower.
"Do you trust me?" umpisa ko.
Nanginginig ang mga labing napatango lang siya.
"You need to take this para hindi ka tamaan ng sakit," patuloy ko habang isa-isang hinubad ang basa niyang damit. Hanggang sa maliliit na saplot nalang ang naiwan sa buo niyang katawan. "Kailangang matanggal ang lamig sa katawan mo. I'm not doing anything stupid," depensa ko.
"I know. I trust you," tanging sagot niya saka napatitig sa mga mata ko.
Nakakapanibago ang pananahimik niya pero hindi na muna ako nagtanong. Pinapakiramdaman ko na muna ang mga kilos niya.
Hinayaan niya lang ako na paliguan siya. Ni hindi man siya tumutol nang sabunan ko ang buo niyang katawan. Nagmistula lang siyang isang sanggol na tahimik lang na sumusunod sa bawat ginagawa ko.
At nang matapos na siya ay agad ko na siyang iginiya sa loob ng kwarto para makapagbihis. Saka ako naman ang naligo dahil basa na rin ang buo kong katawan.
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...