Chapter 7

61 7 6
                                    

"Sometimes, the best way to stay close to someone you love is by just being friends, even if it hurts." Pinterest.com

***********************************

Rocky's POV

Naabutan namin si Nissy sa loob ng kwarto niya na nagbabasa ng libro. Napasulyap siya sa pinto nang bumukas ito at pumasok kaming tatlo. Napangiti siya pero hindi para sa akin kundi para kay Janith at kay tita Susan. Nakakalungkot na hindi na niya kayang ngumiti para sa akin.

"Anong ginagawa mo?" masiglang tanong ni tita Susan.

"Heto, nagbabasa para mawala ang pagkabagot ko," aniya saka isinara at inilagay sa gilid ng kama ang hawak niyang libro. "Hindi pa ba ako pwedeng lumabas, tita?"

"Hindi pa eh, kailangan mo pang mag-stay dito for a little while para sa further test. Kunting tiis nalang din naman at makakalabas ka na."

Napahalukipkip siya dahil sa narinig saka napalabi. "Gusto ko na kasing makita si Arnold. Hindi niyo ba sinabi sa kanya na nandito ako sa hospital? Paano kung mag-alala 'yon sa akin? Baka kung ano pa ang isipin nun na hindi na ako nakakadalaw sa opisina nila. Hindi ko naman siya ma contact. Nagbago na naman ba siya ng number?"

Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang naipikit ang mga mata.

Hindi ko kayang marinig mula sa mga labi niya na hinahanap niya ang ibang lalake gayong nandito naman ako sa tabi niya.

"Naku, baka busy lang 'yong tao. Ang isipin mo nalang ngayon ay ang paglabas mo dito. Huwag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano, okay," sagot ni tita Susan na halata sa boses ang pagkataranta.

"Hey, Rocky!"

Bigla ang paglingon ko. Pakiramdam ko ay biglang tumalon ang puso ko dahil sa simpleng pagbanggit niya sa pangalan ko. Hindi ko alam na magiging ganoon ang impact sa akin ng simpleng pagtawag niya na 'yon.

"I'm sorry about yesterday," she twisted her lips for a while and then she smiled at me. "Nabanggit sa akin ni tita na pinsan ka pala ni Janith tapos mag-u-audition ka for acting kaya mo ginawa ang pagyakap sa akin kahapon para subukan kung ano ang magiging reaksiyon ko."

Seriously, tita? That's very lame.

Pasimple kong tiningnan si tita Susan, Kibit-balikat lang ang iginanti niya sa pagsulyap na ginawa ko sa kanya.

Napakamot nalang ako sa ulo nang muling bumaling sa kanya. "I'm sorry about that," ang nasabi ko nalang.

"Nah, don't worry," malambing na sagot niya saka iwinasiwas pa ang mga kamay sa harap.

"Let me help you," mabilis ang naging paggalaw ko para alalayan siya na makababa nang subukan niyang ibaba ang mga paa niya sa sahig.

Naramdaman ko ang bahagyang pagpitlag niya nang madaiti ang mga balat namin. I know she felt something strange.

"Salamat," nag-iwas ng tinging sabi niya na hindi maitatago ang pagkailang na nadarama.

"Dahan-dahan nga, ikaw na bata ka. Alam mo namang hindi pa ganoon ka stable ang katawan mo dahil hindi pa lubusang bumabalik ang lakas mo," nag-aalala namang napalapit si tita Susan para alalayan siya sa kabilang braso.

"Pasensiya na tita," tila nahihiyang anas niya.

Ang lapit lang ng mukha niya sa akin at kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. Hindi ko napigilan ang lihim na mapalunok dahil sa sensasyong dumaloy sa katawan ko dahil sa presensiya niya. I really miss her, everything about her. I even miss kissing those lips. Saka wala sa loob na napatingin ako sa mga labi niya.

"Pwede mo na akong bitawan. I think I can manage," baling niya sa akin.

"Yeah," tila nauutal kong sabi bago siya marahang binitawan.

Lumipas ang isa pang linggo bago siya pinayagang makalabas na ng hospital. Ako na ang nagpresentang ipagmaneho sila pauwi sa kanila. Noong una ay ayaw pa niya pero si tita na rin mismo ang nagpumilit na ihatid ko sila kaya wala na rin siyang nagawa.

Lihim akong ngumiti kay tita, "thank you, tita," bulong ko.

"You're welcome!" ganting bulong niya.

"Rocky, pakisamahan nalang si Nissy sa itaas ng kwarto niya," sinadyang ni tita na lakasan ang boses niya noong makarating na kami sa harap ng bahay nila at kasalukuyang ibinababa ang mga gamit sa loob ng kotse.

"Tita, kaya ko na po, nakakahiya naman po kay Rocky," tanggi niya. "Rocky, okay lang ako, hindi mo na kailangan mag-abala," nahihiyang baling niya sa akin.

"Nope, I insist. Baka mapano ka pa," pamimilit ko naman.

Napalabi lang siya saka napabuntong-hininga.

"Huwag ng mapilit ha," dagdag naman ni tita Susan, "sige na Rocky, ihatid mo na 'yan sa kwarto niya," ani tita na kumindat pa sa akin.

I will gladly do so.

Mula sa paanan ng hagdanan ay inalalayan ko siya sa braso paakyat.

"Hindi mo na naman kailangan na gawin 'to. Masyado na 'tong abala sa'yo," reklamo pa rin niya nung nasa kalagitnaan na kami ng hagdan.

"Wala bang nakapagsabi sa'yo na may katigasan din ang ulo mo," sabi ko na pilit na hinuhuli ang mga tingin niya. Nakakunot lang ang noo niya habang nagtatanong ang mga mata.

Siya ang unang nagbawi ng tingin. "Hindi lang kasi ako sanay na may humahawak sa akin na ibang lalake maliban sa boyfriend ko kaya hindi mo maiaalis sa akin ang makaramdam ng pagkailang. Hindi sa nandidiri ako sa'yo. Hindi lang ako sanay," paliwanag niya.

Napabuntong-hininga lang ako. If you just know, we even share our lips together. Gusto ko sanang sabihin.

Pinagbuksan ko na rin siya ng pinto.

"I miss my bed," masayang anas niya matapos maupo sa paanan ng kama at paraanan ng dalawa niyang kamay ang malambot na mattress. Napasinghap siya at saglit na napapikit.

Gusto ko siyang lapitan para yakapin at halikan gaya ng ginagawa ko dati kapag kami lang dalawa ang nasa loob ng kwarto niya. Nalungkot ako dahil alam kong hindi ko na 'yon magagawa ngayon. How I wish na mabalik ang mga sandaling iyon?

"Thanks, Rocky. Pwede mo na akong iwan dito baka magtaka pa si tita na andito ka pa," pagkuwa'y anas niya matapos ibuka ang mga mata. "Ayaw na ayaw nun na may kasama akong lalake sa loob ng kwarto ko."

"But she let me in."

Saglit siyang nag-isip. "Nagtataka nga rin ako. Ni minsan ay hindi pa nakakapasok dito sa loob ng kwarto ko ang boyfriend ko pero ikaw, basta ka nalang pinapapasok ni tita dito sa loob. Parang mas may tiwala pa siya sa'yo kumpara sa boyfriend ko, isn't that even strange?"

Nagkibit-balikat lang ako pero sa totoo ay nakaramdam ako ng tuwa. Ibig sabihin nun ay ako palang pala ang nakakakita nitong kwarto niya? I feel special. Pero nalungkot din ako, ano ang halaga nun kung hindi na niya ako maalala?

"Gusto ko na munang magpahinga. Pwede mo ba akong iwan sandali?" pakiusap niya.

Wala akong nagawa kundi ang mapatango saka marahang isinara ang pinto. Hindi na muna ako tuluyang umalis at piniling manatili na muna sandali sa labas ng pinto ng kwarto niya. Isinandal ko ang katawan ko sa likod ng pinto.

Bumalik ka na sa akin Nissy, please. I really need you right now. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako nito kung hindi kita makakasama. Kung ki-kidnap-in nalang kaya kita para masolo ka?

Napailing ako sa naisip. Hindi ko pwedeng gawin 'yon. That's so unprofessional of me. Bakit ko ba naisip 'yon?

Pinakalma ko na muna ang sarili ko bago ko napagpasiyahan na tuluyang bumaba ng hagdan.

***********

End Part!

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon