Chapter 22

17 2 0
                                    

Nissy's POV


Kanina pa ako hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Nakahanda na lahat ng mga gamit ko sa pag-alis para bumalik ng Maynila. Nakapagbihis na rin ako pero hindi ko pa rin magawang lumabas ng silid ko. Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman kko sa mga sandaling iyon.

Nanginginig ang buo kong katawan sa tuwing naaalala ko ang namagitan sa aming dalawa ni Rocky sa pool sa nagdaang gabi.

Sa tuwing napapapikit ako ay naaalala ko kung papaano niya nilunod ang buo kong pagkatao dahil sa mga mapusok at mapang-angking halik niya.

Oh, God! He's really a good kisser.

Sa tuwing naaalala ko ang mga sandaling iyon ay nanlalambot ang mga tuhod ko at nanunuyo ang mga lalamunan.

Napailing ako dahil sa mga sumasagi sa isip ko. Dahil sa mga maruruming bagay na naiisip ko.

Paano ko siya haharapin sa likod ng pintong ito? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko ang mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita ako.

Oh, God!

Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar nito.

"Whoa!" Tila yata humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang marinig ko ang tinig ni Rocky na tinatawag ang pangalan ko. Ang lakas ng pagdagundong ng dibdib ko sa simpleng pagkarinig lang ng tinig niyang 'yon, paano pa kaya kung nakita ko pa ang mukha niya?

"Are you still in bed?"

"Ahm, wait. Saglit lang may inaayos lang ako. Palabas na," pinilit kong pinakalma ang sarili ko bago nagpasiyang buksan ang pinto.

There he goes.

Ang namumungay at nang-aakit niyang mga mata. Ang mapaglaro at mapangahas niyang mga labi.Tila nanuyo ang lalamunan ko nang bumaba ang paningin ko sa mga labi niya.

"Good morning," masiglang bati niya saka hindi na nagpaalam na sakupin ang mga labi ko. Napasinghap nalang ako sa gulat. "Let's go," aniya.

So, ganun lang 'yon. Free na siya na halikan ako? Pwede na ba naming gawin 'yon? As in?

Gusto ko sanang itanong sa kanya? Kailangan pa ba?

Wala na akong nagawa nang kunin niya sa mga kamay ko ang dala kong travelling bag. Tanging maliit na shoulder bag nalang ang hawak hawak ko nang pumasok kami sa kotse niya.

Ilang minuto na rin ang nagdaan na lulan kami ng sasakyan niya pero hindi ko pa rin magawang mag open ng topic.

Nahihiya ako.

Naiilang.

Hindi mapakali.

Aligaga ang puso't isip.

"What are you thinking?" Sa wakas ay nagawa niyang tanong.

"Ha?" Bahagya akong napaigtad sa kinauupuan ko at pasimpleng tiningnan siya. Parang gusto kong pagpawisan ng malagkit.

Wala sa loob na nilakasan ko ang buga ng aircon ng sasakyan. Para yatang nag-init ang buo kong mukha.

"Are you okay?" aniyang binagalan ang pagmaneho at tumingin sa akin.

"Don't bother, okay lang ako," sagot ko nalang saka isang hilaw na tawa ang kusang lumabas sa bibig ko.

Naramdaman siguro niyang ayaw ko siyang makausap kaya hindi na siya ulit nagsalita pa ni nagtanong man.

Dumating kaming dalawa sa harap ng tinutuluyan ko na walang imikan.

"I want to talk about us," seryosong sabi niya matapos mailapag ang mga gamit ko sa may gilid ng couch.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon