Chapter 31

49 3 0
                                    


It's been a week mula ng matapos ang kasal nina Arnold at Tanya. Masaya sa kalooban na kahit sa maliit na bagay ay meron siyang naging contribution sa kaligayahan ng lalakeng minsan ay minahal niya.

Sasang-ayon siya sa pahayag ni Arnold nang sabihin nitong iba ang sayang mararamdaman mo kapag kasama mo ang taong talagang mahal mo, lalo pa at tanggap ito ng mga magulang mo.

Naiyak pa siya noong mag change of vows ang dalawa. Doon niya naramdaman kung gaano kamahal ni Arnold si Tanya. Doon niya nakita ang tunay na saya sa mukha ng lalake na minsan ay hindi niya nakita at naramdaman nang sila pang dalawa ang magkasama. Hindi niya iyon nakita noon dahil superficial lang ang pagmamahal na ipinapakita nito sa kanya. 'Yon ang isang bagay na ipina-realized ni Arnold sa kanya. Na masarap magmahal kapag alam mong mahal ka rin ng taong minamahal mo.

At isang tao lang ang naisip niya habang sinasabi 'yon ni Arnold sa kanya.

Now that everything is in place, it's time for her to think about her own happiness – her true happiness.

Magaan ang mga paang nagtungo siya sa condo ng lalake. Wala kasi ito sa malaking bahay kaya alam niyang nasa condo ito.

Ngunit ang kaninang ngiti sa kaniyang labi ay saglit na naglaho at napalitan ng pangungunot ng noo nang salubungin ng masangsang na amoy ang kaniyang ilong pagpasok niya sa condo ni Rocky. Amoy alak at suka ang buong paligid. Nang buksan niya ang ilaw ay tumambad sa paningin niya ang nagkalat na bote sa bawat sulok.

Kunot-noong naglakad siya palapit sa kwarto nito. Ayun at nakadapa ang katawan nito sa kama. Kagat-labing lumapit siya dito. "Oh boy! What happen to you?"

Magtatanghali na pero tulog pa rin ito. Bigla ang pagbangon ng matinding pag-alala sa puso niya dahil sa nasaksihan.

Napaipit sa ilong si Nissy nang maamoy ang masangsang na alak sa katawan nito. Lango sa alak ang lalake. At ang buong silid nito ay parang dinaanan ng bagyo dahil sa mga nagkalat na gamit nito sa sahig.

"Ano ba ang pinaggagawa ng lalakeng ito noong wala ako?"

Napailing nalang ang babae. "He misunderstood everything," aniya.

Nagtungo si Nissy sa kusina para ipaghanda ito ng maligamgam na tubig at bimpo para ipunas sa amoy-alak nitong katawan.

Matapos mapunasan ito ay isinunod naman niyang niligpit ang lahat ng kalat sa loob ng kwarto nito. Isinunod narin niya ang nasa labas. At huli ay binuksan niya ang kurtina sa loob ng kwarto nito para pumasok ang sinag ng araw.

Hindi na muna niya ginising ang lalake. Ipaghahanda na muna niya ito ng makakain dahil tiyak niyang hindi ito nakakakain ng maayos.

*****

Naalimpungatan ang lalake nang mag-init ang isang bahagi ng pisngi niya. Wala man sa plano ay napilitan siyang bumangon saka wala sa loob na napamura.

"Sinong nilalang na naman ang inupahan ni Janith para linisin ang condo ko. Alam naman niyang ayaw na ayaw kong may pumapasok dito sa loob!" naiinis na umalis ng kama ang lalake at basta nalang naghablot ng isang maiksing shorts at sando sa drawer at lumabas.

Maging ang sala ay malinis na rin. Dumeretso na ng kusina ang lalake nang makaamoy ng kung anomang niluluto doon.

Para lang magulat sa naabutan niya. Nakatalikod ito at nang maramdaman ang presensiya niya ay lumingon ito sa kinatatayuan niya at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Is this for real?

Anong ginagawa niya dito?

Nag-ha-hallucinate na naman ba siya na nasa paligid lang ang babae. Ilang linggo rin itong hindi man lang nagparamdam sa kaniya. Ni ha, ni ho, wala siyang natanggap mula rito. Tapos mababalitaan nalang niya mula sa iba na ikinasal na ito kay Arnold.

Pero bakit nandoon ito? Ano ang kailangan nito sa kaniya?

Namamalikmata nga siguro siya. Oo, tama, 'yon ang mas tamang isipin niya.

Matapos patayin ang apoy sa niluluto nito ay lumapit ito sa kaniya. Nag-iwas ng tingin ang lalake. Hindi niya alam kung ano ang ibubungad na sasabihin dito. Parang hindi niya napaghandaan ang pagdating nito.

Nagulat pa siya nang yumakap ito sa kaniya. 'Yong klase ng yakap na matagal na niyang gustong maramdaman mula rito. Hindi man lang nito alintana ang masangsang na amoy sa katawan niya at ang malabong na niyang balbas na dalawang linggo na rin niyang hindi naaahitan.

"I miss you," anang babae sa mababang tinig.

Lihim niyang nakuyom ang dalawang kamao. Pinipigilan ang sarili na gantihin ang yakap nito. Kasi baka isang paasang galawan na naman ito ng babae?

"You know, this is the part where you have to hug me back and ask me why I am here?" anitong may halo pang panunudyo sa tinig.

"What are you doing, Nissy?" tanging nasabi niya.

"Taking care of you and loving you. Ano pa ba ang pwede kong gawin?"

"Iniwan mo ako sa ere. Bumabalik ka ba ngayon kasi wala ka ng ibang mapuntahan? At kapag nag-umpisa na naman akong maniwala na merong tayo ay iiwan mo na naman ako ulit?"

Ramdam ng babae ang halong sarkastiko sa boses nito kaya naman kumalas siya sa pagkakayakap dito para tingnan ito sa mukha.

Saka napailing siya at ngumiti. Hindi niya gustong salubungin ang galit nito dahil baka pagsimulan lang iyon ng away.

"Nope! In the first place, hindi naman kita iniwan. Oo umalis ako kasi may mga bagay lang na dapat ayusin pero hindi ibig sabihin n'un na iniwan kita. Magkaiba 'yon. Isa, dalawang linggo lang akong nawala-," aniyang nagbilang pa sa mga kamay, - nagpakalango ka na sa alak, eh, paano pa kaya kung buwan o taon akong mawala sa paningin mo. Ano pa kaya ang pwede mong magawa sa sarili mo?" anang babae na ikinulong sa magkabilang kamay ang mukha niya. "Wala naman akong naalala na sinabi kong iwan ka. You are overthinking things again."

"You are torturing me," magkasalubong ang kilay na saad nito.

"Ikaw lang naman kasi itong nag-iisip ng hindi maganda? You misunderstood everything," aniyang kunwa'y nakakunot ang noo. "Come here," patuloy niya saka hinila ito sa isang braso at ipinasok sa banyo. "Alam mo, hindi ka pa kasi nahihimasmasan kaya kung ano nalang ang mga sinasabi mo."

Itinapat niya sa shower ang katawan ng lalake saka binuksan iyon. Napayakap pa sa sariling katawan ang lalake nang maramdaman ang lamig ng tubig na nagsimulang maglakbay sa katawan nito.

Wala ng ibang nagawa ang lalake kundi ang hayaan nalang siya sa ginagawa niya. Parang ayaw niyang maalis sa mukha nito ang ngiti habang pinapaliguan siya.

"Hindi ko alam kung ilang araw ka ng hindi nakakaligo. Tapos amoy-alak pa ang buo mong katawan. Buti at hindi ka naghanap ng ibang mag-aalaga sa'yo. You are so loyal –," anitong saglit na itinigil ang ginagawang pagsa-shampoo sa buhok nito at tinitigan siya sa mga mata –"I won't let anyone see this side of you. Gusto kong ako lang ang mag-aalaga sa 'yo for better and for worse for the rest of your life."

Matapos mapaliguan ang lalake ay hinila naman niya ito sa may sink para e-shave niya ang medyo malago na nitong balbas. "Huwag malikot, baka masugatan ang gwapo mong mukha," utos niya rito nang akmang gagalaw ito. "There you go," aniya nang matapos na ang ginagawa. "Touch it," aniya. "Okay na ba? Malinis na ba?" nakatitig lang ito sa kanya na para bang naghihintay sa isasagot niya. Hindi paman siya nakasagot ay hunirit pa ulit ito.

Alanganin man pero napatango ang lalake.

"Papasa na ba ako na maging asawa mo?"

At doon siya mas lalong nagulat? Nawala lang ito ng dalawang linggo ay kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig nito. May nangyari ba na hindi niya nalalaman?


**************

End Part!

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon