Nissy's POV
Ugali ko ng mamahay sa lugar na hindi pamilyar sa akin, pero nakapagtatakang ang bilis-bilis kong nakatulog sa silid na ipinagamit sa akin ni Rocky. Hindi lang 'yon, maging ang mga gamit na nasa loob ng dresser ay sang-ayon nga sa panglasa ko gaya ng sabi niya.
Kaya naman ay hindi ko rin maiwasang alalahanin ang nabanggit niya kanina. Naglalaro sa utak ko ang mga sinabi niyang naging magkaibigan kami nung mga panahong nagka-amnesia ako.
Napabangon ako sa kinahihigaan para makapag-isip ng maayos. Napalinga ako sa kabuoan ng silid. Nakapagtatakang maging ang dekorasiyon sa loob ay sakto lang sa panlasa ko. Sa mga ikinikilos din niya ay parang marami siyang alam tungkol sa akin.
I'm actually seeing Doctor Romualdez, our family doctor, regarding my situation. Ang advice naman siya sa akin ay huwag kong pipilitin ang sarili ko na alalahanin o isipin ang mga bagay na hindi ko maalala. Kusa naman daw itong bumabalik sa utak ng isang tao.
Noon paman ay aware na ako sa tendency kong magka-amnesia. Bata palang ako ay ilang beses ko na itong nararanasan. Pero hindi kagaya ng ngayon na inabot ng ilang panahon bago naibalik ang alaala ko.
I was bullied when I was in elementary and that's when my condition started. I'm home-schooled after that until high school. My parents and Arnold's were close friends back then and they're the one setting us up and the rest is history.
Arnold and I been together for seven years now and I am happy and contented with that.
Hindi pa nga lang kami lumalagay sa tahimik kasi ang dami-dami pang dapat na patunayan ni Arnold sa mga magulang niya. Well, that's what he's been telling me.
Kaya naman, pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa taong pinangakuan ko na mamahalin ko habangbuhay dahil sa ginagawa ko ngayong pag-iisip kay Rocky.
Bakit kasi kailangang um-eksena ang isang Rocky Montenegro sa buhay ko? His presence alone makes me shudder. I want to be faithful like my mom.
Pero, ano rin ang magagawa ko kung ganitong malaki ang utang na loob ko sa lalakeng nasa labas nitong silid na tinutuluyan ko? Ayokong bigyan ng anomang malisya ang mabuting pakikitungo niya sa akin.
Magkaibigan kami ni Janith, matalik na magkaibigan at wala pa kaming pinag-awayang mabigat na bagay. Isa siyang mapagkakatiwalaang kaibigan. With that, alam kong pwede ko ring pagkatiwalaan ang pinsan niya lalo pa ngayon na nakikita kong malapit siya kay tita. Mapili si tita sa taong nakakasalamuha niya lalo na kapag lalake kaya nakapagtatakang malapit sila ni Rocky sa isa't isa.
Napahugot ako ng buntong-hininga saka tuluyang umalis sa kama. I need to drink water to calm myself.
Marahan kong pinihit ang door knob at patiyad na naglalakad para hindi makalikha ng anomang ingay. Ayokong ako pa ang maging dahilan para magising si Rocky.
Nakapagtatakang ang bilis kong nahanap ang dining room. Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na galing na ako sa lugar na 'yon at ganoon nalang ka pamilyar sa akin ang bawat sulok. Matapos makapagsalin ng tubig sa baso ay umalis na ako agad.
Napahinto ako sa paglakad nang makarinig ng mahihinang hikbi at ungol. Kusa namang nangapa ang kamay ko para maghanap ng switch ng ilaw. At laking gulat ko lang nang mapagbuksan ko ng ilaw ang nakalungayngay na anyo ni Rocky sa may mesa at nakapalibot sa kanya ang ilang bote na wala ng laman.
Naglalasing siya? Pero bakit?
Gusto ko siyang iwanan at huwag nalang pansinin ang kalagayan niya. But my inner being told me not to abandon him. Inilapag ko sa mesa ang hawak-hawak na baso at lumapit sa kanya. Ilang beses muna akong napalunok bago ipinasiyang tapikin siya sa balikat.
Mahina lang naman ang pagtapik na ginawa ko.
Ungol lang ang isinagot niya sa ginawa ko, kaya naman muli ko siyang tinapik."Rocky?"
Hinila ko ang isang upuan na nasa tabi niya at doon naupo.
Napakatapang niyang tingnan kanina habang nilalabanan 'yong mga lalakeng gustong gumawa ng masama sa akin, pero ngayon napaka-vulnerable niyang tingnan dahil sa kalagayan niya.
Napapabuntong-hininga nalang ako dahil sa magkahalong emosiyon na nararamdaman ko. Parang kanina lang din kasi ay inis ang nararamdaman ko para sa kanya. Inis dahil ayoko siyang makita. Pero ngayon, natatabunan na 'yon ng awa at kagustuhang damayan siya.
Naalala ko dati ang mga magulang ko. Dumaan si papa sa ganitong stage ng buhay niya. Naglalasing dahil may pinagdadaanang problema, pero nandoon lang si mama sa tabi niya para palakasin ang loob niya. Hindi siya iniiwan ni mama. Kaya naman mas lalong minahal ni papa si mama dahil hindi siya iniwan at pinabayaan sa panahon na kailangan niya ng karamay.
Paalala din sa akin 'yon ni mama na kung sakali mang dumating sa buhay ng isang tao ang ganitong sitwasyon, hindi mo agad na pagsasabihan at pagagalitan, bagkus ay kausapin mo at ng malaman ang dahilan kung bakit naisipang maglasing. Hindi naman daw kasi kumo naglalasing ay masamang tao na, minsan ay ginagawa lang talaga 'yon ng iba dahil meron silang pinagdadaanan na hindi nila kayang gawan agad ng solusyon.
Ilang sandali pa ay nag-angat na ng ulo itong si Rocky. Ngayon ay mas nakikita ko ang pamumungay ng mga mata niya dahil sa kalasingan.
"An-nong gina-gawa m-mo rit-o?" kahit na nahihirapan ay nagawa pa rin niyang itanong. Nag-ayos din siya ng upo. Gusto ko sanang umiwas dahil umaabot na sa ilong ko ang amoy-alak niyang hininga.
"Nauhaw ako kaya ako lumabas ng kwarto," umpisa ko saka tumitig sa kanya. "Lasing ka na ah. May problema ka ba?" dagdag ko.
Sunod-sunod naman siyang napailing.
"I'm shorry, nakita mo pa tuloy- akong nagla-lashing," sa kabila ng kalagayan niya ay nandoon ang sinseridad sa mga mata niya. Nahihibang na siguro ako, paano maging sincere ang salita ng isang lasing?
"It's okay. Wala naman akong karapatan na e-judge ka. Hindi narin kita tatanungin kung bakit ka uminom ngayon. Ang gusto ko lang na mangyari ay ang pumasok ka na sa silid mo para makahiga ka ng maayos. Tiyak akong sasakit ang ulo mo nito mamaya paggising mo," nakakaintinding sagot ko.
Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa akin. Pakiramdam ko ay maiiyak ang mga mata niya.
Isang tipid na ngiti ang sumungaw sa mga labi niya. Sa simpleng ngiti niya na 'yon ay nakapagdulot ng kahibangan sa puso ko. Nakakatunaw ng damdamin ang mga ngiti niya. Napaka-familiar sa pakiramdam ng mga ngiti at mga titig niya. Nakapagtataka.
At matapos ang ilang sigundong pagtitig niya ay sinundan niya ito ng paglapit sa akin para yakapin ako.
Nagulat man sa ginawa niya ay hindi ko na nagawang tumutol pa at hinayaan nalang siya. All I can do for now is to console him. At 'yon nga ang ginawa ko, ginanti ko nalang ang yakap niya at hinagod ang likod niya.
"Wala akong alam kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon at hindi rin kita pipilitin na magkwento. Just letting you know na pwede mo akong kausapin kung kailangan mo ng kausap."
"Ganito ka ba - sa lahat ng - mga lalake?"
It doesn't sound offending kaya wala akong rason na makaramdam ng inis o galit.
Napailing ako ng sunud-sunod. "Nope, I may sound defensive pero hindi ako basta basta lumalapit sa kaninomang lalake. But, since na mention mo na naging magkaibigan tayo noong mga panahong may amnesia ako, kaya 'yon ang pinaghuhugutan ko ng idea na pwede kang mapagkatiwalaan. Also, my aunt trusts you so much, I guess that's another thing to consider. May tanong pa ba?" paliwanag ko.
"I've heard enough," mahinang tugon niya.
Nang tinangka kong tingnan ang mukha niya ay saka ko lang napansin na nakapikit na pala ang mga mata niya.
Is he sleeping? Already?
Napabuntong-hininga nalang ako. Napakatahimik kasi niya. Para siyang may iniindang sakit ng kalooban. The kind of expression that is so familiar in some ways. Is he broke? But why?
***********
End Part!
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...