Chapter 16

54 6 0
                                    

"The innocence and the beautiful have no enemy but time." William Butler Yeats

***************************

Rocky's POV

Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa loob nang pagbuksan ko siya ng pinto. Nakangiti siya at napakasaya niyang tingnan. Nakakahawa ang ngiti sa mga labi niya.

"Kumusta na ang balikat mo? Masakit pa ba?" Nag-aalalang tanong niya. Napansin niya siguro ang lihim na pagngiwi ko nang hindi sinasadyang magalaw ko ang kaliwa kong balikat.

"I'm fine, don't worry. Malayo naman 'to sa bituka," binuntunan ko pa ng tipid na tawa ang sinabi ko para ialis sa kanya ang pag-aalala. Knowing her na kahit sa napakaliit na bagay ay binibigyang pansin at halaga.

"Are you sure?" paniniguro niya.

"Of course!"

Hindi ko alam kung kumbinsido siya dahil sa pagtango niya.

"Maupo ka muna," sabi ko nang hindi pa siya nauupo. Hinintay pa niya talaga na sabihan ko siya bago niya ginawa. Bumalik naman ako sa upuan ko at hinarap siya.

"Perfect timing ang pagdating mo, sa katunayan ay lalabas na sana ako para kumain."

"Good to hear that," aniyang napalitan ng liwanag ang mga matang inilapag ang dalawang paper bag sa mesa.

"I brought you your lunch," wika niya saka isa-isang inilabas ang mga lunch boxes na laman noong paper bag. Kanin, adobong baboy na napapaligiran ng maraming tanglad, chicken afritada at garden salad ang laman noong mga dala-dala niya. "You have to try it," aniya na ang tinutukoy ay 'yong adobong inilabas niya. Mas nagiging malasa ito kapag hinaluan mo ng ganito kasi lumalabas 'yong lambot at lasa nung karne," paliwanag pa niya.

Napapatango lang ako habang patuloy na nakikinig sa kanya. As if naman hindi ko alam na masarap siyang magluto. Kahit ano naman ang lutuin niya ay masarap sa panlasa. Baka nga kahit damo ay magagawa niyang palabasin ang lasa. Pero dahil nasisiyahan siya sa pagpapaliwanag ay pinakinggan ko na rin siya bilang respeto.

"Kapag natapos mong kainin ang lahat ng ito ay saka tayo mag-uusap kung ano ang gusto mong ihanda ko para sa 'yo," aniya saka hinayaan na akong makakain.

"Hindi mo ba ako sasabayan?" tanong ko naman sa kabila ng pagsubo. Napailing naman siya.

"Tapos na akong kumain. If you don't mind, sa may couch lang muna ako, ihahanda ko lang 'yong mga papers na ipapabasa ko sa'yo regarding the conditions of this set-up," aniyang hindi na hinintay ang sagot ko at nagtungo na sa couch.

Kasabay ng maganang pagkain ko sa mga dinala niya ang ang ilang beses na pagsulyap ko sa kinauupuan niya. Whatever the conditions she's writing, I just need to say yes if that means to see her all the time. Aside sa alam kong masasarap at masusustansiya pa ang makakain ko, makikita ko pa siya araw-araw. Wala nang mas igaganda ng set-up na 'yon.

"No allergies in any kind of ingredients, check. Halos lahat ng delicacies na nabanggit ko ay walang hindi mo gusto, check, drinks, check. Ano pa ba?" aniyang sinusuring mabuti ang mga nakasulat sa dala niyang papel. Natapos na naming mapag-usapan ang mga conditions niya at ngayon ay kasalukuyan na lamang niyang dino-double check ang mga 'yon. "I guess, everything is settled," saka nag-angat siya ng mukha at tumingin sa akin. "At regarding naman sa payment, kada-kinsenas naman ang paghuhulog mo noon sa account ko. Here is my bank account," wika niya pagkatapos ay dinukot mula sa dala niyang shoulder bag ang isang maliit na papel, kung saan nakasulat doon ang bank account niya.

"Noted," masiglang sagot ko naman matapos tanggapin iyon.

"Three meals, two snacks, seven days a week, check. So, are we settled?" aniyang inilahad ang palad na malugod ko namang tinanggap.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon