Chapter 17

52 5 0
                                    

"Keep love in your heart. A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead. The consciousness of loving and being loved brings a warmth and a richness to life that nothing else can bring." Oscar Wilde

****************************

Rocky's POV


"How did you two meet, if you don't mind me asking?" hindi ko napigilang itanong. Na-curious lang talaga ako kung bakit napunta si Nissy sa kamay ng lalakeng iyon. At kung bakit hindi niya magawa-gawang iwanan ito na kung tutuusin ay wala naman itong pakialam sa kanya at sa relasyon nilang dalawa?

Maisip ko lang ang mukha ng lalakeng iyon ay kumukulo na ang dugo ko dahil sa galit. Bakit kasi kailangang makilala pa niya ang walanghiyang Arnold na 'yon? Hindi ko tingnan ang ngiti sa mga labi ni Nissy sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Arnold.

Hindi kayang tanggapin ng puso't isip ko ang eksenang magkasama silang dalawa. At magkasamang pinagsasaluhan ang mga sandaling... pinagsasaluhan din naming dalawa.

Minsan ay napapapikit nalang ako para pigilan ang pagbangon ng galit at pananabik sa puso ko.

Pero sa kabila ng mga pangarap ko na 'yon sa buhay ay ginigising naman ako ng realidad na wala na akong magagawa dahil nangyari na. Nangyari na ang bagay na kailanman ay hindi ko inaasahan at kailanman ay hindi ko hinihiling na darating sa aking buhay.

Napahugot muna siya ng malalim na paghinga bago tumingin sa akin.

"I trust you enough para magkwento sa'yo. And yes, you're a guy, so technically, I wanted to hear your opinion..." umpisa niya. "Well, Arnold's family is actually a family friend. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. I was bullied when I was in Elementary kaya naman napilitan sila mama na e-home-schooled ako..."

Really, hindi ko alam na victim pala siya ng pambu-bully. I felt a sudden pain in my chest. Parang gusto kong pagsusuntukin kung sinoman 'yong mga nam-bully sa kanya!

"...nung mag college na ako, sinubukan kong pumasok sa university para magkaroon ng bagong environment and there I met your cousin, Janith and eventually, we became friends until today," napangiti siya matapos mabanggit ang pangalan ng pinsan ko..."My mom wanted someone to protect me back then kaya naman ipinagkasundo nila kami ng kaibigan niya, ng mama ni Arnold-,"

Hindi ko na muna siya pinagpatuloy sa pagsasalita. I just can't bear to hear any further.

"You mean, pumayag ka naman sa arrangement na ginawa ng mga parents ninyong dalawa?"

Marahan siyang napatango.

"Why not, ever since naman ay walang ibang ginawa ang mga magulang ko para sa akin na mali. Ang tanging gusto lang naman nila ay kung ano ang makakabuti para sa akin. Mabait ang mga magulang ni Arnold, mahal nila ako at inaalagaan. Ano pa ba ang mahihiling ko..."

"Ang tanong naman doon, e, mahal ka ba ng boyfriend mo?"

Ang sama ng tinging ipinukol niya sa akin dahil sa tanong ko. Ngunit mayamaya lang ay nagbago na naman ang ekspresiyon ng mukha niya. Malungkot. Nagbaba siya ng tingin.

Para tuloy gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit pa lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yon. Pero hindi, kailangan kong malaman ang laman ng utak niya. Kahit na masakit para sa akin na masaksihan ang sakit na nararamdaman niya, kailangan kong gawin ito.

Gusto kong malaman kung saan ako mag-uumpisa para mabawi siya.

I need every single information if I'm going to steal her heart and love.

"We're happy...," aniyang pilit na pinasisigla ang boses. "That's enough reason for me to think that he loves me.I don't want any complications."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela.

She is too naïve. I hate it.

"What if..." sinulyapan ko na muna siya.

"What?" aniyang sinusukat ang mga titig ko.

"What if nalaman mong he's being unfaithful to you, would you still stay by his side? What if he doesn't really love you the way you love him?" Muntik na akong mapapikit sa huling sinabi. Hindi ko kayang sabihin man lang sana ang mga salitang iyon. Nakakasakal at nakakalunod.

Nagkibit-balikat lang siya, saka napatingin sa labas ng sasakyan. Nag-iisip kung ano ang sasabihin niya.

"I don't know," napapabuntong-hiningang sagot niya na nanatili pa ring nakatingin sa labas, "Maybe. Wala rin naman akong sapat na rason, I mean valid reason para hiwalayan siya. Not unless he will become unfaithful to me, baka maisip ko na hiwalayan siya. But, as of now, I still trying my best to understand the situation. I do have faith in our relationship."

Faith? Kung si Janith ang papagkwentuhin ay walang kwenta naman talaga ang boyfriend niya na 'yon. I can't believe na kaya niyang sundin ang mga magulang niya sa ganoong set-up? Ganoon ba ka pure ang puso at ang paniniwala niya sa relasyon nilang dalawa ni Arnold? Na kahit ako nga ay maraming naririnig na negatibo tungkol sa lalakeng iyon. Hindi ko naman pwede mabanggit sa kanya na kabi-kabila ang nagiging babae ng boyfriend niya. Baka ako pa ang lalabas na masama at kontrabida.

But, seriously, hindi ba niya alam ang mga panlolokong ginagawa ng boyfriend niya? O baka naman nagbubulag-bulagan lang siya sa mga nangyari?

Ganoon ba kalalim ang pagmamahal niya sa lalakeng iyon? Nagtagis ang bagang ko dahil sa naisip. I hate this feeling I'm having right now.

I have to make some move about it.

"Hindi ka na nakakibo diyan..." untag niya. "Hindi ba kapanipaniwala ang mga sinabi ko?"

"Faith! Such a big word. Paano kung masira ang pinanghahawakan mong "faith"..." sabi ko sabay quote sa ere gamit ang kanan kong kamay. "What would you do?"

"I don't know!"

"What do you mean you don't know? Ang daming tukso na naglipana ngayon sa mundo. Hindi mo ba naisip na posibleng matukso sa iba ang boyfriend mo?"

"I had that in mind. But I also consider second chances. Gaya ng mga parents ko, kamuntik na silang maghiwalay dati and that's because of some third party issue pero nalagpasan nila ang stage na 'yon ng buhay nila. Si mama, nakasuporta lang lagi kay papa at lagi niya itong inuunawa kaya naman mas lalong napamahal si mama kay papa. Kaya naman, inalagaan din ni papa ang relasyon nilang dalawa ni mama. They are actually my ideal couple..." Saka napalitan ng kakaibang lungkot ang mukha niya.


----------

End Part!

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon