Chapter 9

52 7 1
                                    

"Accept the situation for exactly what it is instead of trying to manipulate it into what you think it needs to be."

*****************************

Nissy's POV

"Okay, I understand," napapakagat-labi nalang ako habang ibinababa ang cellphone. Hindi pwedeng mahalata sa boses ko na nalulungkot ako dahil hindi na naman makakasipot sa date naming dalawa si Arnold.

Hindi pa ba ako nasanay? Lagi namang ganito ang set up naming dalawa kahit noong nasa college palang kaming dalawa. Palagi naman niyang inuuna ang trabaho niya sa opisina over our relationship. Ano ba ang pwedeng gawin ng katulad ko na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin lang siya kundi ang intindihin ang mga desisyon niya.

Napapabuntong-hininga nalang ako. Ano ang gagawin ko dito sa pagkain na in-order ko? Hindi ko naman ito pwedeng itapon. I need to finish all of this. Naikuyom ko nalang ang dalawa kong kamao bago sinimulan ang pagkain. Nasa isang Japanese restaurant kasi ako na mahigit dalawang oras na naghihintay sa pagdating ni Arnold.

Usapan kasi naming dalawa na kakain kami sa isang Japanese restaurant dahil matagal na rin kaming hindi nakakakain ng Japanese foods. After one hour na paghihintay ay nauna na akong um-order nung mga paborito niyang dishes, nakakahiya naman kasi doon sa waiter na pabalik-balik sa inuupuan kong mesa tapos wala naman pala akong o-order-in.

Tapos another hour later, tumawag siya para ipaalam sa akin na hindi siya matutuloy sa date namin dahil marami pa siyang kailangang gawin at tapusin sa loob ng opisina.

Kahit gusto kong hingin sa kanya na kung pwede ay ako naman ang pagbigyan niya kahit sa araw lang na ito ay hindi ko magawa. Kailangan kong sarilinin nalang ang mga nararamdaman kong hinanakit sa kanya. Importante sa kanya ang trabaho niya dahil ipinagkatiwala ito ng mga magulang niya sa kanya na mapatakbo niya ng maayos. At ayokong ako pa ang maging dahilan para pumalpak ang trabaho niya. Iba pa naman siya kapag nagalit.

Ilang linggo na rin ang nagdaan mula nang mangyari 'yong ginawang kong pagtanggi sa kanya na ibigay ang gusto niya. At sa mga nakalipas na linggong iyon ay naging aloof na naman ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na rin naman ako naninibago dun kasi naman ganun at ganun naman talaga ang ginagawa niya sa tuwing tinatanggihan ko siya.

Kaya minsan tuloy ay kwini-kwesiyon ko ang sarili ko kung dapat ko nga ba siyang pagbigyan sa gusto niya. Baka nga masyado lang akong nilulunod ng prinsipyo ko sa buhay. Kung papagbigyan ko si Arnold sa gusto niya baka maging maganda na ang takbo ng relasiyon naming dalawa. Everyone is doing it anyway, why shouldn't I?

Napabuntong hininga ako ulit habang pinagmamasdan ang pagkaing nasa harapan ko. Naisip ko rin na kung gusto kong maging huwarang maybahay sa kanya sa hinaharap, ngayon palang ay dapat na matoto na akong mag-adjust sa grado ng trabaho niya.

Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa matinding kabusugan. Baka nga kahit dalawang araw akong hindi kumain ay pwe-pwede kong gawin dahil sa laman ng tiyan ko. Pinalipas ko na muna ang sampung minuto bago ako lumabas ng restaurant.

Panay tuloy ang dighay ko at parang gustong maghanap ng inidoro ang puwet ko dahil sa dami ng nakain ko. Hindi pa naman ako sanay kumain ng maramihan.

What a day!

Napahawak nalang ako sa tiyan ko matapos lumabas ng banyo. May kaunting pananakit ng tiyan pa kasi akong nararamdaman. Nalulungkot ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

Hapo ang pakiramdam na inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng mall. Naalala kong bibisitahin ko pala si Janith sa shop niya. I need to buy her something to eat.

Mga sampung minuto na rin akong nakatayo sa stall ng red ribbon para mamili ng cake na bibilhin ko para kay Janith nang mapukaw ang pag-iisip ko nang may magsalita sa tabi ko.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon