Hi mga madlang readers, UD ulit don't forget to Vote and Comment Kamsahamnida!
******************************
Chapter 6: The Deal
Lisa's P.O.V
Hinatid ako ni kuya sa 'min, di nga ako makapaniwala eh, si Kuya ba to? Or sinasapian siya ng mabait na ispiritu? Akala ko ba ayaw niya akong ipagtanggol dahil sa alam ko naman kung paano ko protektahan itong sarili ko, may pagka baliw din itong kuya ko ano?
"Oh, andito na tayo..." sabi ni kuya at akmang bubuksan ko sana ang pinto ng sasakyan ng pinigilan niya ko.
"Ako na lang Lisa okay!" awwhh...Na touch naman ako.
Binuksan niya talaga ang sasakyan at inalalayan niya ako palabas ng sasakyan.
"Oh, hinatid na kita ha! Alis nako, ikaw talaga! Sinayang mulang yung oras ko eh! Yun tuloy late nako! Takte naman oh! Yaya kunin niyo si Lisa dito sa labas ng gate alis nako!" What the F! Yun na yun! Wow galing, akala ko ba nag bago siya akala ko lang pala.
"K-kuya naman eh!" sigaw ko sabay padiyak padiyak ng paa ko, parang bata lang ang peg. Sino ba naman ang hindi mainis sa lalaking to matapos niya akong hinatid dito sa min tiyaka niya ako ipagtaboy? Ang sama niyang kapatid ah, akala mo naman gwapo hindi naman.
"Lisa! Wag matigas ang ulo! Pasalamat ka nga hinatid kita dito, tapos gaganyan ka pa!" Aniya at akmang aalis na kaya hinarangan ko kaagad siya.
"Ano ka ba Lisa! Pumasok ka na nga do'n sa loob at matulog, gusto ma bang dalhin kita uli do'n sa campus ta's bugbugin ka nila ulit?" Kaagad naman siyang umiwas sa pagharang ko, ni hindi man lang niya hinintay ang pagsalita ko.
Bago pako maka pag salita bigla na lang bumukas ang gate iniluwa nito ang aming yaya, kaya lumingon ako sa kaniya.
Pero ilang saglit bigla pa lang pinaandar na ni kuya ang sasakyan niya and the last thing I knew is pinaharorot na niya ang kotse niya, ang daya lang eh! Naisahan pa ko!
"Senyorita halina po kayo..." anyaya sa 'kin ng yaya namin kaya sumama nako, alangan tatayo lang ako dito na nakatunganga! Muntanga lang eh no!
Kurt's P.O.V
Hey baby, I'm Kurt Daniel Guiterez isang Gangster Prince sa buong Gang. Ang pangalan ng Gang namin ay Dark Savage Gang kaya naming pumatay ng tao, kaya wag kayong mag lakas loob na makipag-harap sa 'min o makipag-away kung hindi wala ka ng babalikang pamilya.
Ang dad ko pala ay isang Mafia Boss kaya marami kaming mga back-ups bukod sa malalakas, makapangyarihan din ang pamilya namin, dahil ang kuya ko ay isang Gangster King.
Nandito pala kami ngayun sa secret hide out namin hinihintay si Jin para ipaliwanag niya kung anong kalokohan na naman ang ginawa niya. Nakuha pa talaga niyang gagohin kami, may pa sigaw-sigaw pa siyang nalalaman kanina eh kapatid pala niya yung bongangerang babaeng yun eh hindi naman kagandahan kung makaasta akala mo kung sino.
Malipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jin na naka busangot.
"Alam mo ba kong gaano kami nagalit sa ginawa mo? Ha Jin!" pagsisimula ni Sander.
(A/N:Si Sander Fuentis po ay si Suga)
"Wag mo kong sigawan mas nakakatanda pa ko kisa sayo!" sigaw ni Jin kay Sander, kaya ayun tumahimik takot siguro ang gag*
"Kuya ka lang dito Jin pero hindi ikaw ang Leader kung di ako!" sigaw ko din sa kaniya.
Hindi siya umimik umupo lang siya sa swivel chair at pina-ikot ito, para lang walang kasalanan.
"Ipaliwanag mo nga ang kalokohan mo kanina Jin..." utos ko, bumuntong hininga lang ito at nagsalita.
"Totoo yung narinig niyo kanina kapatid ko siya, bunsong kapatid, kaya naman hindi ko sinasabi ang totoo kanina dahil napag-usapan na namin na hindi niya ko tatawaging kuya dahil sa alam ng lahat na nag-iisa lang akong anak, pero pasensiya na talaga dre di na yun mauulit, at isa pa ginagawa ko lang iyon para itigil na nila ang pang bubully nila sa kapatid ko kung di, ako ang malalagot kila Mommy at Daddy, sensitive kasi yung kapatid ko Kurt" mataas na litanya niya.
"Anong sensitive?" Takang tanong ko sa kaniya, allergy siya sa bullying?
"Ano kasi, kapag nauntog siya or mapalo ang ulo niya maaari niya yun ikamatay" saad niya.
"Bakit Jin ano ba ang nangyari sa kaniya noon?" Tanong ni Zeyn na seryosong naka tingin kay Jin.
"Naaksidente kasi siya noon nu'ng mga bata pa kami kaya ganun" napatango-tango na lang si Zeyn sa sinagot ni Jin, weird.
Naalala ko tuloy bigla si Isang, childhood friend ko.
Tiningnan ko naman uli si Jin ng masama nung tumahimik na siya.
"Ng dahil sa ginawa mong kagag*han maaari kitang itanggal sa Dark Savage Gang..." ng dahil sa sinabi ko agad namang nanlaki ang mga mata niya.
"Wag namang ganun dre..." pagmamakaawa niya.
"Itinuring ko na kayong kapamilya, kapuso at kapatid ta's tatanggalin mo ko?"
"Oo nga bossing sayang pang yung mga pinagsamahan natin nung mga panahong kasama pa natin si Jin" sabat naman ni Jaron kaya tiningnan ko siya ng masam, kaya kaagad niyang tikom ang bibig niya.
"Hindi pako tapos, pero sa isang kondisiyon..."
"Anong kondisiyon?" tanong ni Jin na may halong pagtataka sa kaniyang mukha, ngitian ko naman siya ng nakakaloko at tiningnan sa mata
"Your sister will be my Servant for 2 months, but if you don't accept it you will be no longer a member of Dark Savage Gang..." nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko, ayaw niya nu'n binigyan ko siya ng chance na hindi ko siya tuloyang tanggalin sa Gang namin.
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Mamili ka maging alalay ko ang kapatid mo sa loob ng 2 buwan, o habang buhay na kitang itakwil sa Dark Savage Gang! " sigaw ko.
"Oo sige na payag nako, pero wag mong pahirapan ang kapatid ko ah!" Aniya kaya tumango lang akk
"Okay, so it's a deal or no deal?" tanong ko sa kaniya na nag deal or no deal sign pa muntanga lang eh no!
"Deal..." pagsang-ayon niya sabay shake hands as the sign of the deal.
Humanda ka sa kin, I will make you suffer PRINCESS LISA DELA ROSA Wahahaha!
*****************************
Oh no! Magiging servant ni Kurt si Lisa for 2 months!
What do you think mga readers? Payag ba kayo?
Don't forget to Vote and Comment! Kamsa
BINABASA MO ANG
The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED]
Teen FictionSabi ng iba ang mga Gangster ay masama, walang kwenta, gag* at higit sa lahat wala dawng puso... Pero alam niyo nagkakamali kayo, lahat naman ng tao ay pag-asang mag bago diba? Kaya don't you there judge them kasi magaya lang kayo sa kin? Alam niy...