Chapter 33: Wedding

550 11 0
                                    

Kurt's P.O.V

3 days had past, fucking 3 days! Tatlong araw na hindi ko na nakita ang taong mahal ko, tatlong araw na akong nagmomokmok sa kwarto kung to, at tatlong araw ng walang mukhang maiharap sa Pamilya ni Lisa. I know that I'm a badass guy pero hindi yun rason para hindi ako maduduwag, may mga kinatatakutan rin kami.

Gustohin ko mang bumisita kay Lisa kahit ngayun lang, pero natatakot ako na baka ipagtaboy uli ako ng Pamilya niya.

Hanggang iyak lang ako, at mamamatay kakaisip kung ano na ngayun ang nangyari sa mahal ko. Alam kung nadadamay din si Lisa ng dahil sa kagaguhan ko, at sigurado akong pinagilatan din siya ng Mom at Dad niya. Natatakot ako na baka tuloyan ng magtiwala ang Pamilya ni Lisa kay Zeyn, hindi naman siguro tanga si Zeyn para hindi mag tetake advantage lalong-lalo na ngayon na kinakamuhian ako ng Pamilya ni Lisa.

"Master Kurt, tawag po kayo ng Dad niyo" tumayo kaagad ako ng marinig ko ang boses ng Maid namin. Wala pang kaalam-alam si Dad na may hindi magandang nangyari sa pagitan namin ngayun ni Lisa, ayokong kaawan ako ni Dad ayokong pati siya ay madadamay sa problema ko.

I knocked at his door's office bago tuloyang pumasok, naka-upo siya ngayun sa swivel chair niya habang busy sa pagtipa sa Laptop niya.

"Dad?" Tawag ko sa kaniya, mukhang hindi kasi niya napansin ang presensensya ko dahil sa seryoso siyang naka tingin sa laptop niya

"Oh anak, maupo ka muna..." sinunod ko yung sinabi niya at hinintay uli ang pag salita niya.

"May maganda akong balita sa yo, nahuli narin ng mga European police ang nagnakaw sa pera natin" nakangiti niyang balita sa kin.

"Kailan tayo pupunta sa Europe Dad?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.

"Ngayun mismo, nakapag-book narin ako ng ticket mamayang gabi, now go and pack your things cause 1 hour from now aalis na tayo" tumango lang ako bilang pag sang-ayon sa aking ama.

Kung sino man yung taong yun, malalagot siya sa kin at sa oras na pag nalaman kung kasabwat siya sa Family Enemg namin sisiguradohin kong hindi aarawin ang katawan niya dito sa mundo. Dahil kundi dahil sa kanila hindi sana kami nag kakaganito ni Lisa, hindi nila ako binigyan ng tiyansang punin ang naudlot naming storya ni Lisa ng dahil sa ginawa nila sa min, pwes ibabalik rin namin sa kanila ang ginawa nila sa aming dalawa ni Lisa.

Lisa's P.O.V

Tatlong araw ko ng hindi nakita si Kurt simula nung itinaboy siya ni Dad nung na hospital pako. Hindi ko alam kung ba't nangyari sa min to, kung tutuusin walang kasalanan si Kurt dito dahil hindi naman siya ang bumaril sa kin kundi yung mga masasamang tao.

Hanggang ngayun iniisip ko parin yung batang naka sakay sa itim na Van na nakatanaw sa min habang ngumingiti, parang pamilyar kasi sakin ang mga mata niya pero hindi ko alam kung saan ko yun nakita.

"Anak ba't tulala kana naman? May problema ba?" Napa-gising naman ang diwa ko ng marinig kung mag salita si Mom nasa kwarto ko silang dalawa ni Dad ngayun binabantayan ako, nagbabakasakali kasi sila na baka pupuntahan ako ni Kurt dito alam niyo naman si Kurt may pagkamisteryoso talaga nung lalaking yun.

"Ah wala po Mommy" malamig kung sagot, nag-iba na rin ang pagtrato ko kina Mommy kahit mali naiinis ako sa kanila, naiinis ako sa ginawa nila kay Kurt syempre nasaktan ako mahal ko kasi si Kurt ta's ipinagtaboy pa siya ng Pamilya ko.

"By the way naasikaso na namin anak ang nalalapit niyong kasal ni Zeyn, at na settle na rin namin ang araw ng inyong kasal. Napag-usapan namin ng Dad ni Zeyn na kung pwede ang kasal ninyong dalawa ay isasabay na lang sa 18th birthday mo and that's next month" napa buntong hininga na lang ako sa sinabi ni Dad, labag man sa kalooban ko ang kasal naming dalawa ni Zeyn pero natatakot ako na baka mag-aalboroto na naman sa galit si Dad at baka ipaaga pa niya yung kasal namin. Kilala ko si Dad kaya niyang gawin ang imposible, na kahit hindi pa ako nakatungtong sa legal age ay kaya niya kaming ipakasal ni Zeyn.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon