Chapter 19: Galit Siya

915 20 0
                                    

Lisa's P.O.V

Sinamahan nga talaga ako ng poging nilalang na 'to sa cafeteria, yung mga taong nakasalobongan namin? Panay ang titig sa aming dalawa... Inggit siguro sila, hahaha!

"Bessu!" narinig kong sigaw ni Jessie, yeah si Jessie nga makapal ang mukha no'n eh kahit nasa public place kami sumisigaw yun.

Binitawan ko naman ang kamay ni Zeyn sabay tingin sa kaniya.

"Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" ani ko sabay ngiti.

"Okay.." aniya din sabay ngiti, pansin ko lang ba't ba palagi siyang naka ngiti?

"Hi guys!" maligayang bati ko sa kanila.

Lumapit naman sa 'kin si Jessie at niyakap ako.

"Bes! Miss na miss na talaga kita! Ang tagal mo kasing naka confine sa Hospital, alam mo bumibisita kami minsan doon ni Jennie tuwing hapon, pag katapos ng class hours namin..."

"Talaga? Ba't hindi ko alam? Pagka-gising ko kasi, walang sinabi si Kurt na bumisita kayo doon... At isa pa, di naman ako matagal na naka confine doon 5 days lang yun oi"

"Ay! Basta, para sa 'kin matagal na yang 5 days na yan... Alam mo bes ayoko sa Kurt na yun eh, kasi kapag bumisita kami doon, ay aalis kaagad siya, at hihintayin kaming lumabas bago ulit siya papasok sa loob, para kasing ayaw niya kami pabisitahin sa 'yo... "

"Ganun talaga siya bes may pagka asungot, by the way guys si Zeyn nga pala.... Zeyn si Jessie at Jennie..." pag-papakilala ko.

"Hi!" bati ni Zeyn at nikapag shake hands kina Jessie at Jennie.

"Sa'ng lupalup mo ba yan na tagpoan ba't ang gwapo?" bulong sa kin ni Jessie at ngumiti lang ito kay Zeyn.

"Ahh, kaklase ko siya..."

"Tatayo lang ba kayo diyan? Pwede naman siguro kayong umupo diba?" mataray na tugon ni Jennie na naka tingin sa malayo.

"Nung problema niyan?" tanong ko kay Jessie.

"May lalaki kasing nang-asar sa kanya kanina..." paliwanag ni Jessie.

"Ahh... Kaya pala..."

"Inaasar na naman kasi siya ni Ravi eh" bulong sa kin ni Jessie kaya napahagikhik na lang ako, mga paraan nga ng mga lalaki ano. Inaasar nila ang mga babae para lang mapansin.

"Ano na naman yang pinag-uusapan niyong dalawa? Hoy Jessie gusto mung ingud-ngud ko uang pagmumukha sa mesa? Ang ingay-ingay din talaga ng bunganga mo ano?" Wahaha ang bilis talagang mainis ni Jennie.

"Uhm, girls? Anong gusto niyong kainin? Treat ko kayo..." nakangiting tugon sa 'min ni Zeyn, bigla naman akong napalingon kay Jessie at tama nga ako, kumikislap na naman ang mga mata ng bruhang to ng marinig niyang manglilibre sa min si Zeyn, hay... Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to.

"Ah, rocky road shake, black forrest cake, at hamburger..." aniya ko sabay ngiti

"Sa 'kin, coke lang at tiyaka fries..." aniya ni Jennie na hindi parin lumingon sa 'min, may sinabi sigurong hindi tama ang lalaking yun kaya nagkaka-ganito si Jennie.

"U-uhm, kunti lang sa kin... Hehehe" sabi naman ni Jessie, wow! Aba't himala! Nag d-diet ata ang bruhang to ngayon!

"Fries, footlong, chocolate Ice cream, chocolate cake, hamburger, leche flan at coke... Hehehe..." huwaw, kaunti lang talaga ang pinabili niya, kapal talaga ng mukha parang may pinaligpit na pera kay Zeyn.

"Okay... Mag-order nako..." huling habilin ni Zeyn at umalis.

"You know what girls, I like him na..." aniya ni Jessie sa 'min.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon