****3 days after****
Third's Peron P.O.VTatlong araw na ang lumipas hindi parin gising ang daligitang si Lisa, napahimbing ata ang tulog niya at hindi niya namalayang ito na ang huling araw niya dito sa mundo.
"Lisa, gumising kana" her mother pleaded while holding her hands tight. Hindi pa rin tanggap ng kaniyang mga magulang na ito na lang ang huling araw ni Lisa dito sa mundo, ganun din si Jin at si Kurt pero si Zeyn? Walang katapusan ang kaniyang kasiyahan na hindi nagising si Lisa, pero minatili niyang taguin iyon para hindi makahalata ang mga tao na nasa paligid niya may balak siyang masama maliban na lang sa Ama niya at ang Mommy ni Kurt.
"Mr. And Mrs. Dela Rosa kailangan niyo po tong isign para matanggal na po namin ang life machine niya" aniya ng isang nurse na kanina ba bagot na bagot sa kakahintay sa mag asawa kung kailan matatapos ang pag dadalamhati nila.
"Ikaw na ang pumirma mahal" utos ni Elisa sa kaniyang asawa na nakayakap parin kay Lisa.
"H-hindi ko kaya mahal ikaw na lang"
Tumango lang si Elisa at nilingon ang nurse na kanina pa naghihintay sa kanila.
"Amina hija, pepermahin ko na" ibinigay kaagad ng nurse ang papeles kay Elisa.
Napakuyom naman sa kamao si Kurt ng marinig niyang basta basta nalang pumapayag ang mga magulang ni Lisa .
"Tito Tita! Hindi niyo ba alam ang mga pinagsasabi niyo ngayun? Papayag lang ba kayong tuloyan na talagang mawala si Lisa sa atin? Anong klaseng mga magulang kayo kung papayag lang kayo na mamamatay lang si Lisa ng dahil sa lintik na papel na yan!" Sigaw ni Kurt kaya inawat siya ng kaptid ni Lisa, isang malakas naman na sampal ang dumapo sa pisnge ni Kurt.
"Huwag mong kwestiyonin ang pagiging magulang namin ni Lisa! Lahat ginawa na namin mabuhay lang yung anak namin, tapos pagsalitaan mo kami ng ganyan! Akala ko iba ka Kurt hindi pala, nag kamali kami sa pagkilala sayo!" Sigaw ni Elisa kay Kurt, napatungo na lang si Kurt sa mga ibinitaw na salita ni Elisa sa kaniya.
"Tahan na mahal mas lalo lang tayog magkagulo" awat ni Aljin sa kaniyang asawa na kanina pa namumula sa galit.
"Mom, Dad tama si Kurt wag kayong papayag basta-basta hindi natin alam ang takbo ng panahon baka bukas, o sa susunod na araw gigising na si Lisa kaya maniwala't manalig lang tayo" pagmamakaawa ni Jin, mahal na mahal niya ang kaniyang kapatid at hindi talaga niya hahayaang mawawala sa kaniya ang kaniyang kapatid ng ganun-ganun na lang.
"Nahihirapan na si Lisa, kailangan na niyang magpahinga... Ang kailangan na lang nating gawin ay ang tanggapin ang nangyari ngayun, dahil hindi na natin maibalik ang dati hindi na natin mababago ang mga nakatakdang mangyari" aniya ni Zeyn habang nakatungo but at the back of his head natutuwa siya sa mga nangyayari ngayun.
"Wag kang magsalita ng ganiyan Zeyn, girlfriend mo si Lisa at sinong gagong Boyfriend naman ang hahayaang mamatay ang minamahal niya?! Oh baka nagpapanggap ka lang na mahal mo siya!" Sigaw ni Kurt kay Zeyn, natigilan naman si Zeyn sa mga sinasabi ni Kurt na nagpapanggap lang siya. Pano niya nalaman? He asked at the back of his head.
"Pwede ko bang makausap si Doctora?" Tanong ni Tita Elisa sa nurse na kanina pa naghihintay sa kanila na permahin ang dala-dala niyang Papel.
"Sige po alis na po ako" pamaalam ng nurse tiyaka umalis.
Isang malaki na ngiti ang lumitaw sa mga kabi nina Kurt at Jin, habang si Zeyn ay mas lalong tumindi ang gakit niya kay Kurt.
"Thanks Mom" aniya ni Jin habang yakap-yakap ang kaniyang Ina na napangiti rin sa ginawa ng anak niya sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED]
Novela JuvenilSabi ng iba ang mga Gangster ay masama, walang kwenta, gag* at higit sa lahat wala dawng puso... Pero alam niyo nagkakamali kayo, lahat naman ng tao ay pag-asang mag bago diba? Kaya don't you there judge them kasi magaya lang kayo sa kin? Alam niy...