Chapter 28: Coma

566 15 4
                                    

Kurt's P.O.V

Naidala ko na sa malapit na hospital si Lisa still unconscious parin siya, at hanggang ngayun hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko kanina na siya si Isang siya yung babaeng matagal ko ng hinahanap. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko masaya ba ako malungkot ba, what I feel right now is unexplainable.

Nasa emergency room na ngayun si Lisa, at ipinaalam ko na ito sa kaniyang kapatid na nandito kami sa hospital. Bahala na si Zeyn hindi ko siya sinabihan na nandito kami sa hospital ngayun.

"Hoy Kurt! Anong ginawa mo sa kapatid ko!" Napataas naman ang tingin ko ng narinig kung sumigaw si Jin bago pa niya ko masuntukan umilag kaagad ako.

"Okay lang siya, sumakit lang yung ulo" pahinahon ko sa kaniya, pero wa epek still galit na galit pa rin ang mukha niya.

"Lang?! P*tang inang lang yan! Alam mo na nga na nasa alanganin ang buhay ng kapatid ko, for Pete's sake. Hindi normal para sa kaniya ang pananakit ng ulo dahil nabaril siya noon, ngayun na't alam mo na wag mong sabihin na madali lang yang dinadaing ng kapatid ko, maaari pa nga niya yang ikamatay kung hindi yan kaagad maagapan!" Galit na sigaw ni Jin sa kin, nabaril nga talaga siya siya nga talaga si Isang.

"Sorry Jin, I didn't mean it. Hindi ko naman alam na mag kakaganito" sincere kung sabi, kasalanan ko rin kasi kung hindi ko lang talaga siya kinausap kanina hindi sana magkakaganito, but in a good way nalaman ko yung totoong siya.

"Kung hindi lang talaga dahil sa kaibigan niya noon hindi sana magkaganito p*ta!" I think his preferring on me, kung alam lang nila siguro na ako ang batang yun hindi ganto ang trato nila sa kin baka ipinapatay pa nila ako.

"Papunta na dito si Zeyn, ihanda mo yang sarili mo..." Pananakot sa kin ni Jin, well I'm not afraid.

Umupo na lang ko sa waiting area dito sa harapan ng emergency room, pati na rin si Jin.

Lumipas ilang minuto isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ko kaya na patalon ako sa kinaupoan ko, napa hawak na lang ako sa aking panga't sinamaan ko ng tingin si Zeyn na ngayun ay namumula na ang mukha sa galit.

"Anong ginawa mo sa girlfriend ko ha?! Ba't mo siya dinala kung saan-saan! Aagawin mo rin ba siya sa kin? Hayop ka talaga, Kurt! Mas hayop ka pa sa hayop, higad ka talaga! Pati girlfriend ko aagawin mo na! Lahat na lang ng meron sa kin inagaw mo na, pero wag kang magkakamaling agawin si Lisa sa kin kundi hindi lang yan ang maabutan mo sa kin!" Sigaw niya sa kin habang pinipigilan siya ni Jin na lumapit sa kin.

Kung gaano kaanghel si Zeyn, ganun din ka demonyo ang pag-uugali niya sa twing siya ay nagagalit. Kung hindi ko lang talaga kinalma tung sarili ko basag talaga ang mukha ng lalaking to, kung hindi ko lang talaga siya kaibigan at kasama sa isang grupo pinatay ko na ata to ngayun mismo ang lalaking to.

"Tandaan mo ito Kurt, hindi talaga kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Lisa. Kahit may mga pinagdaanan man tayo bilang kaibigan, wala akong pakealam!" Sigaw niya uli sa kin tiyaka siya umalis.

Mamaya ka sa kin Zeyn, ako pa talaga ang tinakot mo? Pwes maghintay ka

"Kurt alam ko kung ano ang tumatakbo ngayon sa utak mo, wag munang ituloy baka mas lalo pang gumulo" mahinahong sabi sa kin ni Jin.

"Sanay nako sa gulo Jin, nakalimutan niya siguro kung sino yung binangga niya" I clinched my fist with anger, napahawak naman ako kaagad sa gilid ng labi ko ng medyo humapdi ito dumurugo pala.

"Diyan ka lang bibili lang ako ng betadine at cotton sa baba para sa sugat mo" tumango lang ako bilang tugon.

Kung makaasta kanina si Zeyn parang ang tagal-tagal na nilang magkasintahan ni Lisa eh kanina lang naman siya sinagot.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon