Chapter 32: Nightmare

499 14 5
                                    

Lisa's P.O.V

Kakalipat ko lang ng bagong room, itinanggal narin ang mga aparatus sa aking katawan.

Napalingon-lingon naman ako sa buong paligid kasi hindi ko parin nakikita ang presensya ni Kurt, simula nung araw na nakagising nako ewan ko kung ano ang nangyari sa kaniya, kung bakit wala siya dito ngayun eh ang sabi naman nina Mommy siya ang nagbabantay sa kin sa ICU, pero ngayun ni anino o isang hibla ng buhok niya ay hindi ko makita.

"Mom, wala pa po ba si Kurt?" Tanong ko kay Mommy na nanaghahanda sa haponan ko, kakagising ko lang kasi galing sa tulog.

"Wala pa eh, kinocontact ko na nga pero can not be reach" sagot ni kuya Jin kahit hindi naman siya ang tinatanong ko.

"Nandiyan naman boyfriend mo Lisa, ba't iba ang hinahanap mo?" Natatawang tanong ni Daddy, isa pato kanina pa niya ako inaasar tungkol kina Zeyn at Kurt.

"Ayan ka na naman mahal, inaasar mo na naman ang anak mo kaka recover lang nga yan inaaway mo na kaagad" niyakap naman kaagad ni Dad si Mommy na naiinis na sa kaniya, how I miss seeing them like this

"Sorry na mahal ikaw naman di mabiro, diba baby?" Natatawang tanong ni Dad sa kin kaya tumango ako at nginitian sila.

"Hi Love" napalingon naman ako sa may pinto ng may biglang nagsalita, si Zeyn pala may dala-dala siyang bouquet of white roses anong akala niya sa kin patay? Bat color white yan?

Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi pinahalatang naiinis ako sa dala-dala niya.

"Here for you" aniya sabay bigay sa kin sa bulaklak.

"T-thank yo----"

"Ayaw niya ng puting rosas mas gusto niya kulay pink" naputol naman ang sasabihin ko kanina ng may biglang nag salita uli sa may pintoan, shit si Kurt!

"Kurt!" Natutuwang sigaw ko, lalapit sana ako sa kaniya pero naalala kong naka dextrose pala ako at nasa gilid ko yung boyfriend ko. Napansin ko namang may dala-dala siyang bouquet of pink roses, wow ang ganda.

"Ito Lisa para sayo" aniya sabay bigay sa kin ng bulaklak ng may ngiti sa labi kaya nginitian ko siya ng napakatamis.

"Salamat Kurt, nag-abala pa kayo" ngumiti lang si Kurt tiyaka umalis at nag mano kina Mommy and Daddy.

"Bakit ngayun ka lang Kurt, kanina ka pa hinahanap ng anak namin" aniya ni Dad na kaagad naman pinandilatan ng mata ni Mom nakalimutan siguro ni Dad na nakikinig si Zeyn sa mga sinasabi niya.

"May inaasikaso lang po ako" sagot ni Kurt, lumingon naman si Kurt sa kin nung mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Hindi parin kasi maprocess ng utak ko na siya pala yung batang lalaking best friend ko noon, at ako at si Isang ay iisa lang pala.

"Okay ka lang ba anak?" Napabalik naman ako sa realidad ng magtanong si Dad sa kin kaya tumango lang ako.

"May naalala lang" sagot ko tiyaka umayos sa paghiga ko sa hospital bed.

"Tito, Tita kailangan ko na po palang umalis may emergency po sa company namin" napatingin naman kaming lahat kay Zeyn ng bigla itong nagpaalam, kakarating lang niya dito aalis agad?

"Kakarating mo lang hijo, mag haponan mona tayo" yaya ni Mom sa kaniya na kaagad naman tinanggihan ni Zeyn.

"Ay wag napo Tita, kanina pa po kasi ako hinahanap ng Dad ko" tumango lang kami tiyaka siya umalis.

May kakaiba talaga sa kaniya hindi ko alam kung napano siya and why he acts like this hindi naman siya ganito dati, and ngayun ko lang ata narinig na may nangyari sa kompanya nila sa tagal na naming magkakilala.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon