Chapter 29: Sadness

562 13 1
                                    

Zeyn's P.O.V

Naisukli rin ang lahat ng sakripisyo na ginawa naming dalawa ni Dad, kunting-kunti na lang at tuloyan na talagang maghihirap ang Pamilya ni Kurt, sa tulong ni Lisa ay si Isang pala. Kung hindi lang ako inereject ni Lisa noon hindi sana siya magkakaganito, sabihin na nating isa ako sa mga nag utos sa tauhan ni Daddy na barilin si Isang sa ulo kapag nakatakas si Kurt kasi pwede naman namin siyang gawing panakot kay Kurt. Pfft pag-ibig nga naman.

Nagsisimula pa lang yung laro Kurt, hindi lang ito ang maaabutan mo, sisiguradohin ko na gagapang ka talaga ng dahil sa mga sekreto kung paninira sa Pamilya mo.

Nasamin na yung Mommy nya, malapit na rin magsasara ang kompanya nila, at mukhang mamamatay ata ang pinakamamahal niyang si Isang. Di baleng masama ako basta't alang-alang lang sa Mommy ko at kay ate. Kung ano ang kinuha nila sa min ay siya rin aming kukunin sa kanila.

"Ano patay na ba yung babae?" Tanong sa kin ni Dad.

"Hindi pa pero 2 months na lang itatagal niya dito sa mundo" sagot ko habang humihithit ng sigarilyo.

"Taposin muna kasi" aniya habang nag papamasahe sa Mommy ni Kurt na ngayo'y kinakasama na ng Dad ko.

"Wag tayong padalos-dalos Dad, maghintay na lang tayo" ngiti ko, at napansin ko namang humihikbi ng tahimik ang Mommy ni Kurt which is nakakairita din minsan.

"Oh, ano namang iniiyak-iyakan mo diyan!" Sigaw ko sa kaniya, na paigtad naman siya sa pag-sigaw ko kaya nilingon kaagad siya ni Dad.

"Hoy! Ayusin mo yang pinagawa ko sayo, may paiyak-iyak ka pa diyan!" Sigaw ni Dad sa kin na nag papanginig sa Mommy ni Kurt.

"O-o-po" nauutal niyang sagot.

"Pagkatapos mo diyan, punta ka kaagad sa kwarto ko... Maliwanag?!" Sigaw ko sa kaniya.

"O-opo, sir Zeyn" good, init na init na buong katawan ko gusto kung gumamit ng babae ngayun kaya't napag-isipan kung siya muna yung labasan ng init ng katawan ko.

Kung alam lang talaga ni Kurt kung ba't nasa amin yung Mommy niya hahahaha.

Kurt's P.O.V

Andito parin ako sa Hospital naghihintay kay Lisa na gumising, umuwi na si Zeyn kasi hindi siya nakapagpaalam sa Dad niya, anong klaseng boyfriend siya kita mo na nang nasa alanganin ang buhay ni Lisa may pauwi-uwi pa talaga siya parang ako na nga ata ang tumayong boyfriend niya dito.

"Sorry talaga Jin kasalanan ko talaga to..." Aniya ko habang nakatingin kay Lisa na maraming aparatus sa ibat-ibang parte ng kanyang ulo at katawan.

"Wala namang may gusto sa nangyari, kasalanan ko rin kasi di ko prinotektahan itong kapatid ko. Magdasal na lang tayo na way bigyan niya tayo ng isang himala na gigising na tung kapatid ko" nasa loob ng isang kwarto si Lisa tanging glass wall lang ang boundary namin bawal kasing pumasok at kung pumasok ka man kailangan mo munang magsoot ng green suite, hair cover at mask dahil sa oras nato napakasensitibo ngayun ni Lisa ni isa sa aming dalawa walang nag tangkang pumasok.

"Ipagdasal na lang nga natin..."

"Jin anak!" Napalingon naman kami sa gilid namin ng may biglang sumigaw na babae, andito na ang Mommy ni Lisa kasama ang Dad niya.

"Y-yung kapatid mo?" Nauutal na tanong ni Tita, napansin ko naman na nag simula naring umiyak si Jin.

"Andun po siya ma.." sabay turo niya sa kapatid niya sa isang kwarto na kitang-kitang nag aagaw buhay si Lisa.

"Princess ko..." Nagsimula namang humagulhol si Tita habang yakap siya ng kaniyang asawa, pinahid ko naman kaagad ang luha ko ng nagsimula nanaman itong nag badiyang tumulo. Masakit kasi saksihan na ito ang nangyari ng dahil sa mga kagagawan ko.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon