Chapter 24:Hinala

733 18 6
                                    

Lisa's P.O.V

Biglang nag bago ang ihip ng hangin dito sa campus ng itinanghal ako bilang Ms. Acquaintance, ta's sabi-sabi pa nila ako na daw ang Campus Queen 'kono' kasi natalo ko daw si Becca, may iba nga nag papapicture sa kin ta's naging front page pa kami ni Zeyn ng school magazine namin. Kinukuhanan nga nila kami minsan ng litrato ni Zeyn pag magkasama kami, kahit friends lang kami. Mga tao talaga kapag may kasama ka issue agad

"Lisa, sa kin ka sumama" napa, gising naman ang diwa ko ng biglang nag salita si Kurt sa harapan ko, kakatapos lang ng klase namin kaya break time na.

"Bakit ba?" naka pout kong tugon.

"Basta! Dapat ako ang masusunod! Is it clear?!" tumango na lang ako bilang sagot, nag bago na yung ugali niya simula no'ng nakalabas na ako sa hospital, mas nag bago pa ito pag ka tapos ng pageant namin. May something talaga ang lalaking to kaya hindi ko siya naiintindihan minsan!

"Good, halika na" nag lakad kaagad siya kaya sumunod na lang ako.

Nasa cafeteria na kami, at dahil sa dakilang tamad si Kurt ay ako pa ang pinaorder niya sa counter.

"Ito na po sir" may halo yung sarcastic para naman mabigla siya kahit minsan.

"Upo ka" utos niya.

"Lisa papicture naman oh!" hindi pa ako naka upo may bigla kaagad na lumapit sa kin dalawang babae at isang lalaki.

"Bawal makipag picture sa kaniya, alis!" taboy ni Kurt sa mga lumapit sa kin kaya no choice sila kumaripas kaagad sila ng takbo, baka ma tadiyakan pa sila ng di oras.

Inirapan ko na lang siya at umayos sa pag-upo, nakakainis kasi siya nag papapicture lang nga yung tao itinaboy pa.

"Mamayang hapon sa kin ka sumabay sa pag-uwi may ipapagawa ako sayo" aniya habang kumakain ng hamburger, panay na ang utos niya sa kin pero hinayaan ko na lang kasi ilang weeks na lang tapos na ang kontrata ko at may freedom na ako. Namiss ko tuloy sina Jennie at Jessie ilang araw narin kasi kaming hindi nakapag bonding ng dahil sa bakulaw nato.

Pumunta kaagad ako sa locker room namin, magpapalit lang ako ng P.E uniform wednesday kasi ngayon. Maglalaro lang daw kami ng Volleyball. Ayaw ko sanang maglaro kaso sayang yung plus points ni sir kaya no choice.

"Lisa!" napalingon naman ako sa likod at nakita ko sina Jessie at Jennie kumakaway.

"Bessyyy!" sigaw ko at agad tumakbo papunta sa kinaroonan nila, at niyakap ko kaagad sila ng napaka higpit.

"Gosh miss na miss ko na talaga kayo" kumalas naman kaagad ako sa yakapan naming tatlo at napansin kong naka P.E din sila.

"Kami nga rin eh" nakapout na sabi ni Jessie.

"Ikaw ah sikat ka na sa campus bagong-bago pa nga lang tayo dito" tawa ni Jennie.

"Oo nga eh, ewan. Ba't kayo naparito?" tanong ko sa kanila, ba't ba? Malayo kasi ang department nila sa department namin.

"Dumalaw lang kami sayo, freetime kasi namin ngayon" sagot naman ni Jessie, kung pwede ko lang sana silang yayaing lumabas mamayang hapon, kaso si Kurt nakakainis!

"Ang tagal-tagal na rin nating hindi nakapag bonding" malungkot na sambit ni Jennie, hayst kung pwede lang sana.

"Oo nga eh, kaso si Senorito hindi papayag" napaka sama rin ng ugali ng galonggong na yun gusto niya na siya palagi yung inaasikasohan ko.

Prrrrrrrrrrrrt

Napa talon naman ako sa gulat ng marinig ang pito ni Sir, magsisimula na pala kami.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon