Chapter 22: Truth

599 15 0
                                    

Lisa's P.O.V

Ho! Super kapagod talaga yung practice, kakauwi ko lang ngayon kasama si Master Kurt, at nasa kwarto ko kami ngayon nina Ikay at Ilay syempre may pag chi-chismisan kami eh

"Ikay alam mo ba ang totoong pangalan ni Isang?" tanong ko kay Ikay, kanina pa kasi bumabagabag sa utak ko yang Isang na yan.

"Di ko alam eh, ba't mo natanong?"

"Eh kasi parang lahat ng tao na nasa paligid ko napamahal sa kanya, isa ba siyang santo na sinasamba ng mga tao?"

"Nako yun nga eh, pati si Nanay napamahal kay Isang lahat ng tao dito sa bahay! Ang kwento sa kin ni Mama dumadalaw daw dito parati si Isang para kay Kurt tapos maglalaro lang daw. Ang tanga nga nila eh, imagine! Sa kay tagal na nilang magkakilala hindi man lang nila na itanong kong ano talaga ang totoong pangalan ng babaeng yon!" Inis na sambit ni Isang.

"Bobo! Edi isa na rin tayo sa mga taong tanga na hindi man lang na itanong ang pangalan niya, nakikipag-laro nga rin tayo sa kanya noon eh kapag dinala tayo dito ni Nanay..." sigaw ni Ikay kay Isang pero inirapn lang siya nito.

"Maganda ba siya?" tanong ko, Curious din ako no, baka maganda nga talaga siya imagine pinag-awayan siya ng mga gwapong nilalang?

"Para siyang anghel, ta's ang bait-bait niya, minsan nga binibigyan nya kami ng barbie eh, pero noon yun. Naalala mo yun Ikay?" -Isang

"Aba't Oo naman, naalala ko nga noon eh nong nadapa ka tas saktong-sakto sa tae lumanding ang kamay mo tae ata yun ni Bruno eh" Tawa ni Ikay kaya tinitigan siya ng masama ni Isang.

"Huh? Bruno, edi ba wala na si Isang noon nu'ng dumating dito si Bruno?" Takang tanong ni Ilay.

"Oo nga no?" Saad naman ni Ikay na napatango-tango.

"Bobo mo talaga!" Saway sa kaniya ni Ilay.

"Wow nagsalita ang pinaka matalino!"- Ikay

"Nakakainis ka talaga!"-Ilay

Ito yung nakakadismaya sa mag kambal nato, palaging nag-aaway tapos maya't maya mag kakasundo rin kaagad. May topak din talaga tong dalawang to haaaay nako!

"Op, op, op! Chill lang kayo..." kaagad ko naman silang hinarangan ng napansin ko ang tensyon sa kanilang dalawa.

"Kanina ka pa ah!" sigaw ni Isang.

"Nye, nye, nye, nye, nye bleeeeeehhh!!" tawa ni Ikay habang dinilaan pa si Isang.

Bigla naman akong napahawak sa aking ulo ng makaramdam ng matinding sakit, nahihirapan pa ako sa pag hinga.

"Arrgggh!" napasigaw naman ako ng dahil sa matinding sakit ng aking ulo, hindi ko naiintidihan kung bakit.

"Lisa! Dumugo yung ilong mo!" napakapa naman kaagad ako sa aking ilong at tama nga ang sinabi ni Ikay dumugo nga yung ilong. At pag katapos no'n everything went black.

Idinilat ko kaagad ang aking mga mata at bumungad sa akin ang maputing kisame isang dextrose at naramdaman kong may mga aparatus sa aking ulo.

"A-anong ginawa ko dito?" biglaan kong tanong.

"Doc! Doc! Gising napo yung pasyente!" kaagad naman akong napalingon malapit sa pintuan at naaniag ko si Kurt dun. Kaagad naman siyang lumapit sa kin at kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pag ka worried.

"Are you okay? Nagugutom ka ba? May masakit ba sayo? Tell me para maasikasohan kita" nag-aalala niyang tanong

"A-ah wala, okay lang ako. Ba't andito ako?" tanong ko.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon