Chapter 13: Rules of being a SERVANT

1.4K 34 3
                                    

Lisa's P.O.V

Ngayun na ako susunduin ni Kurt sa 'min, haayyy two months lang ako titira dun pero para sa 'kin parang 2 years na yun!

Sino ba naman ang gustong makasama ang isang lalaking ubod ng kasamaan at lagi ka na lang inaasar!? Baliw na lang siguro ang papayag nu'n, pero hindi ako ah! Di naman ako pumayag eh pinilit lang ako!

Nandito pala ako ngayun sa kwarto ko naglilibot, mamimiss ko tong kwartong to kahit babalik naman ako. 6:00 a.m pa ako susunduin ni Kurt tutal 8:30 pa ang first schedule ko.

5:30 na at tapos na akong mag-ayos, kahit may mga gamit na akong binili nila ay nagdala parin ako in case of emergency nandito yung mga appliances ko at mga litrato ng Bebe Jungkook ko.

Alam niyo ba guys, medyo kahawig ni Kurt si Jungkook pero magkaiba lang sila ng ugali at talento, halata kasi sa mukha pa lang ni Kurt ay wala atang talento sa pagkanta at pagsayaw siguro ang talento ng lalaking yun ay ang pag inom ng alak, pagyoyosi, at syempre sa bogbogan!

Muli kong inilibot ang aking paningin sa aking kwarto bago lumabas, na sa baba na rin ang mga maleta nina Mommy at di pa sila sigurado kong kailan sila makakauwi, at baka daw matagalan sila do'n hay mamimiss ko sila...

6:00 a.m na, ang bilis ng oras no? Umupo na lang ako sa couch sa aming living room at hinitay na dumating si Kurt.

*beep* *beep*

Napatayo naman ako ng bigla kong marinig ang isang bosena ng sasakyan galing sa labas, siguro si Kurt na ito.

Sa huling pagkakataon tinaponan ko ng tingin ang bahay namin, nasa labas na rin yung mga Maids namin at niyakap nila ako isa-isa ang mga Butler's namin ay ngumiti lang at tumango na parang nangunguhulagang 'good luck' tama kayo mga kuya good luck lang talaga sa 'kin...

Nandito din sina Mommy and Daddy at siyempre si Kuya.

"Mag-ingat ka anak magpakabait ka ha..." mangiyak-ngiyak na bilin ni Mom sa 'kin.

"Mom! Wag nga kayong OA dalawang buwan lang do'n si Lisa!" ani naman ni Kuya kay Mommy kaya nabatukan na lang si kuya ng wala sa oras, hay mamimiss ko to

"Tse! KJ ka talaga, manang-mana ka sa Daddy mo!" pansin nyo guys? Parang teenager lang si Mommy kong makapagsalita? Kaya mahal ko yan eh!

"Ba't naman ako na sali sa bangayan niyo?" takang tanong ni Dad.

"Totoo naman ah!" asik naman ni Mommy.

"Tsk, basta anak mag-ingat ka do'n... Mamimiss ka namin ng mommy mo..." ani naman ni daddy sabay yakap sa 'kin ng mahigpit.

"Dad I-i-i c-can't breath..." angal ko, eh totoo naman eh! Di ako makahinga ng maayos sa subrang higpit! Nasasakal ako sa higpit ng yakap niy.

"Ops! Mianhamnida anak, mamimiss lang talaga kita..."

"Dad ano ba kayo, hindi pa ako mamamatay kinikilabotan naman ako sa mga sinasabi niyo!" ani ko sabay hagikhik.

"Hey lil' sis! 'Di ko na kailangan mag paalam sa 'yo tutal, magkikita pa tayo sa Campus. Ang masasabi ko lang ay 'GOODLUCK'" sabi naman ni kuya sabay tapik sa balikat ko.

"Ehem! Sorry for interrupting your dramas but time is running we need to go..." napalingon naman kami kay Kurt ng bigla itong umeksina, hay aalis na 'ko mamimiss ko ang bahay namin, saksi ang bahay na ito ng dumating ako dito galing SoKor, yun ang kwento ni Mom and Dad , kahit sa mga sulok ng bahay namin ay may happy memories parin ako and I'll cherish it forever until my last breath... Echos!

Lumabas na ko---I mean kami ni Kurt sa Gate, at sa huling sandali tinaponan ko sila ng tingin sabay ngiti ng matamis, kumaway sila at nag thumbs-up naman si Kuya at daddy.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon