Lisa's P.O.V
Limang buwan na ang lumipas at three months na lang 2nd year college na ako and as usual tapos na yung kontrata ko bilang Servant ni Kurt ang saya-saya ko nga eh buti na lang at may freedom na ako.
Nasa cafeteria ako ngayon kasama si Jennie at Jessie uwian na kasi pero maaga pa naman kaya kakain muna kami.
"Lisa malapit na birthday mo ah!" sigaw ni Jessie, luh buti pa sila alam nila kung kailan ang birthday ko.
"Oo nga eh, gift niyo ah? 18th birthday kopa naman yun" yep, mag e-18th nako shitt ang tanda ko na pala.
"Tiyaka na pag nabarayan na ni Jessie yung utang niya sa kin" aniya ni Jennie habang masamang naka tingin kay Jessie, kaya napa peace sign na lang siya.
"Luh grabe ka pala Jennie naalala mo pa yun? 1K lang naman yun eh" nakapout na sabi ni Jessie.
"Aba dapat lang, pera ang pinag-uusapan natin dito woy! At anong sabi mo? 1k lang? May utang kapa sakin nu'ng nag mall tayo kasi nakalimutan mong magdala ng pera tapos yung kulang yung nilamon mo nung kumain tayo dito sa cafeteria tapos yung------"
"Oo na, Oo na malaki na ang utang ko sayo magkano na nga yun? Buti na lang at hinulogan na ng pera ni Daddy ang ATM card ko kanina"
"Bali 6,786.25 yung utang mo sa kin" grabe talaga si Jennie pag pera na, tapos hindi Business Major ang kinuha niya.
"Luh grabe siya, isinali mo pa talaga yang 25 sentimos?" sambit ni Jessie habang nag bilang ng pera niya.
"Hoy, hindi makokompleto ang isang milyon kung kolang ng 25 sentimos tandaan mo yan!" sigaw ni Jennie sa kaniya, binelatan lang siya ni Jessie at ibinigay na niya ang pera.
"Oh ayan, 6, 787 yan ah! Binigyan pa kita ng tip na 75 cents!"
"Good" nakangiting sabi ni Jennie habang binilang ang perang nasa kaniyang palad.
"Ano uwi na tayo?" Yaya ni Jessie, napatingin naman ako sa relo ko at alas kwatro na pala mahigit isang oras pala kami dito sa cafeteria.
"Sige" tumayo kaagad kami at may sumagi sa utak ko futa yung Folder na gagamitin ko mamaya na sa room pa namin nandun pa naman yung project ko.
"Guys may nakalimutan ako sa room namin, una na lang kayo" tumango naman silang dalawa at nag beso-beso kaagad kami.
"Sige b-bye bessy!" pamaalam nilang dalawa, ng makalayo na sila ay napabuntong hininga nalang ako.
Naglakad kaagad ako papunta sa Department namin, kailangan kung magmadali baka andun na si Kuya sa min baka mag-alala yun sa kin Charot.
Medyo napakatahimik na ng hallway kahit ang aga-aga pa naman kaya medyo nakakakilabot ang katahimikang bumabalot dito ang laki din kaya nitong Campus nato.
"Puta asan na yun!" wala na dito yung folder ko, at sino namang hinayupak ang kukuha no'n.
Kinaladkad ko na ang buong room pati na ang basurahan namin pero wala parin, asan na kaya yun di na talaga to nakakatuwa.
Napasabunot nalang ako sa sariling buhok ko, lalabas na sana ako ng may mapansin akong sticky note sa upuan ko, kinuha ko kaagad yun at binasa.
I know that you'll comeback para kunin ang folder mo, kung gusto mo tong makuha kaagad pumunta ka sa rooftop maghihintay ako
From: Anonymous
Nasa kaniya ba talaga yung folder ko or ginawa lang niya akong ka tanga-tanga, ayaw ko sanang pumunta dun pero baka nasa kaniya nga yung folder ko bukas pa naman yun ipapass.
Halatang-halata na talaga na si Kurt ang may pakana nito halatang-halata sa handwriting niya, lakas din talaga ng trip ng lalaking yun.
Nagmadali kaagad akong pumunta malapit sa elevator at sa kasamaang palad sira yung elevator kung minamalas nga naman oh. No choice ako kaya hagdanan na lang yung gagamitin ko.
Kaagad akong umakyat sa hagdan kahit medyo malayo yung rooftop, pero bahala na basta alang-alang sa folder ko isasakripisyo ko itong buhay ko. Sana ol
Ng makarating na ako sa harap ng pinto palabas sa rooftop bumuntong hininga muna ako, kapagod kayang umakyat no ta's nasa 5th floor panaman itng rooftop.
Ng gumaan na yung pakiramdam ko, ay agad kung binuksan ang pinto at bumungad sa kin ang malawak na rooftop. Huta! Asan ba yung nag lagay ng sticky note sa upuan ko scam ba to?
Lumabas kaagad ako at inikot ko ang buong paningin at nakita ko na nga sya. Naka tingin sya sa malayo naka talikod sya sa kinatatayoan ko kaya hindi nya siguro napansin ang pagka dating ko. Si Kurt nga lagot talaga sa kin ang hinayupak na to.
"HOY KURT IBIGAY MO SA KIN YANG FOLDER KO KUNG AYAW MONG ITULAK KITA SA ROOFTOP TAS MA VIRAL!" Sigaw ko sa kaniya habang papalit sa gawi nya. Hahampasin ko sana sya ng sapatos kaso humarap siya kaagad, at sa kasamaang palad hindi pala si Kurt ang nasa harapan ko kundi si Zeyn.
"Zeyn! Nako sorry kung sinigawan kita sorry talaga, ba't ba kasi dito mo pa isasauli itong folder ko dami mo talagang drama" pa choosy pa ampot.
"Hehehe sorry din pinagod pa kita" shit ganda talaga ng mata niya sarap ibulsa.
"Okay lang, asan yung folder ko?" No ba atat na akong umuwi, pagod din kasi tung katawan ko and I need some plenty of rest.
"Nasa motor ko" syutang butiki, andon pala sa motor nya tas pinaakyat pa niya ako dito grabeh yung trip niya sa kin ah!
"Ginagago mo ba ako Zeyn?" Sagot ko sa kaniya out of nowhere.
"H-hindi naman sa ganon Lisa may sasabihin lang talaga ako sayo" mahinahon niyang sabi, nagawa pa takaga niyang huminahon ha matapos nya kung gagohin.
"What is it?" Nawala tuloy ako sa mood.
"Wag ka sanang mabigla sa sasabihin ko, and please promise me na pagkatapos ko tong sabihin sayo ay friends parin tayo at walang mag babago, please promise me..." Pag mamakaawa niya, tatanggihan ko pa ba? Lakas kaya niya sa kin.
"Promise, so ano nga yung sasabihin mo sa kin?" Kinabahan tuloy ako.
"Uhm, Lisa I like you, ay hindi pala, mahal na pala kita. Alam kung napakabilis ng pangyayari pero ito talaga ang sinisigaw ng puso ko I love you since day one Lisa please be mine. Can you be my girlfriend Lisa?"
"H-huh?" Hindi kaagad na process sa utak ko ang mga sinabi niya, ano yun? Gusto niya ko? Mahal niya ko? Gusto niyang maging girlfriend niya ko?
"I love you Lisa and I want you to be mine, promise I won't hurt you"
Eh, gusto ko rin naman sya pero parang napakabilis naman ng pangyayari. Sasagotin ko ba talaga siya? Sayang yung grasya oh
" Uhm wait a sec lemme think first" pag inarte ko.
Zeyn is an Ideal boyfriend type yung tipong nasa kanya na lahat gwapo, mayaman, mabait, saksakan ng bait, matangkad, mapagmahal, malinis at iba pa.
"So ano na?" Zeyn asked.
" My answer is Yes, sinasagot na kita"
*****************
Do you agree na sila ang mag katuloyan? Wait for further updates thank you for your full support
Pa follow po thanks
BINABASA MO ANG
The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED]
Teen FictionSabi ng iba ang mga Gangster ay masama, walang kwenta, gag* at higit sa lahat wala dawng puso... Pero alam niyo nagkakamali kayo, lahat naman ng tao ay pag-asang mag bago diba? Kaya don't you there judge them kasi magaya lang kayo sa kin? Alam niy...