Chapter 16: Bruno

1.1K 36 8
                                    

Lisa's P.O.V

"Oy! Tama na yan!" pagpipigil ko sa dalawa na walang tigil sa pagsasabunotan.

Pumatong si Ikay kay Ilay habang nagsabunotan sila, may pagulong-gulong pa, sampalan, kalmotan and every kinds of sabunot ginawa na nila.

Ang gulo-gulo na nga ng kwarto ko, nagkalat na sa sahig ang hello kitty stuffs at ako naman tong si tanga todo pigil sa kanila.

"TAMA NA SABI EH!" Sigaw ko ng malakas, kaya tumigil sila sabay na rin do'n ang katok galing sa pinto.

"Lisa! Hanap ka ni Master!" narinig kong sigaw galing sa labas, di ko kilala kong sino ang sumigaw kaya wala akong paki sa kaniya echos!

"Opo papunta na po!" sigaw ko pabalik, napatingin naman ako sa dalawa na matalim na nagtitinginan, petmalu din to ang dalawang to grabe ang werpa!

"Op, op, op! Tigilan niyo na yan, may pasok pa tayo mamaya magkapatid kayo kaya yan din ang turingan niyo sa isa't isa hindi yang pag-aaway niyo parati..." pagpigil ko sa kanilang dalawa kaya napatingin sila sa 'kin at tumango.

"Alis mo na ako tinawag na ko ni Master..." ani ko sabay bukas sa pinto at lumabas.

Pumunta kaagad ako sa labas para alamin kong ano Ang kailangan ng Asungot na Yun

Sumakay kaagad ako sa elevator, *Ting* hudyat na yun na nandito nako sa ground floor, pagkabukas naman ng elevator ay siya naman ang paglabas ko.

Pero asan kaya ang asungot na yun? Matanong nga sa mga maids dito.

"Ate, asan ho si Asungot--- ay este si Master?" Tanong ko sa Isa sa mga maids nila na nag wawalis. Tumingin naman to sa kin at ngumiti.

"Nasa Living room ho siya ma'am" sagot niya.

"Errr--- wag mona akong tawaging ma'am okay? Lisa na lang, tutal kasambahay lang din naman ako dito..."

"Sige Lisa"

Umalis kaagad ako at hinanap na ang Living Room ba't ba ang laki ng bahayng ito? Kainis, mas malaki pa ata to sa palasyo ng Pilipinas

Liko dito, liko doon, tambling dito tambling doon, split here split there split everywhere.... Haaay kapagod din magkaroon ng malaking bahay or should I say Mansion. Mansion din naman ang bahay namin pero di kagaya nito na super laki.

Nahihilo na ko kaka-ikot dito kong asan ang Living Room say bahayng to!

"Ma'am sa'n punta niyo? Parang kanina ko pa kayo napapansin na pa ikot-ikot dito..." Aniya sa isang katulong dito, haaay salamat naman may pagtatanongan na ako...

"Ahh, ehhh, asan ho ba ang living room?" Tanong ko.

"Ayh! Ikaw pala yong hinahanap ni Master, nakooo kanina payon naghihintay sa 'yo sa Garden..." Aniya.

"Huh?! Garden? Sabi ng kasama mo nasa Living Room daw sya?" Tanong ko ulit.

"Oo na sa Living Room sya kanina, pero tomeleport sya sa Garden eh.. Basta ang gulo!" Sabi nya ng pailing-iling tiyaka umalis, WOW!

Kumaripas kaagad ako ng takbo papunta sa Garden nila, bweset talaga ang bahayng to Oo, mapapagalitan talaga ako sa asungot na yun

Pagkarating ko doon ay naabotan ko si Kurt na nakipag-laro sa aso nila. Alam nyo ang gwapo pala ni Kurt kapag naka ngiti--- I-I mean ang pangit pala niya..

"Master?"

Lumingon naman ito sakin at lumaho ng parang bula ang mga ngiti niya kanina at napalitan ito ng poker face. Tumayo siya and he glared at me. Oh ow...

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon