Chapter 8: Aso't Pusa

1.7K 45 2
                                    

Lisa's P.O.V

"Be my servant for 2 months"

Ano daw! Servant for 2 months! No way!

"Ano?! NO WAY!"sigaw ko.

"Yes way! Kung hindi ka lang nag iiskandalo kanina di sana magka ganito, at kong pinigilan ibinaba mo yang pride mo di ka sana mahahantong sa kalagayang ito! Kaya magiging servant ka ni Kurt for 2 months! Sa ayaw't sa gusto mo!" sigaw ni kuya sa 'kin ng may turo-turo pa sa kin.

"K-kurt, pwedeng iba na lang!" pag pupumilit ko. Sana gagana.

"NO! Di ba sabi mo kanina na lahat ng gusto ko gagawin mo!" sigaw niya.

Hindi lang ako umimik naka yuko lang ako at hindi na tumitingin sa kanila, para lang akong batang pinagagalitan ng kanyang mga magulang.

"Ano papayag ka na!" sigaw ulit ni Kurt kaya tumango ako ng mabilis sabay sabing.

"Oo papayag nako..."

"Oh, ano halika na..." nagulat naman ako sa sinabi niya? Ano daw? Halika na?

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Pwedeng wag ka ng magtanong? Sumunod ka lang okay!" iritadong sigaw niya.

Ba't ba ang highblood niya sa 'kin? PMS siguro to kaya ganern!
Hindi na lang ako nagtatanong nakabuntot lang ako sa kaniya, baka kasi matadiyakan niya ako sa di oras.

Tumigil naman kami sa isang black Ferrari, ano naman ang gagawin namin dito?

"Oh, ano yan?" tanong ko.

"Di ba halata? Kotse nga eh, bulag ka ba o sadiyang tanga ka lang?" iritadong sabi niya, parati naman tung naiirita eh

"Oo nga, alam kong kotse yan, pero anong gagawin natin dito?" tanong ko, ay tanga! Tinatanong ko pa kong ano ang gagawin namin dito! Sasakay nga pala kami.

"Edi sasakay!" sigaw niya sabay irap, tama nga ang hinala ko merun nga to. Pumasok na siya sa kotse niya pero ako nasa labas pa ako, ayokong sumakay sa sasakyan ng isang tao na hindi ko pa lubos na kilala at isa pa may sarili akong sasakyan.

"Ano! Sasakay ako diyan! No way!" sigaw ko at akmang mag w-walk out, mag walk out talaga ako.

"Sige umalis ka subukan lang natin kong makapasok kapa sa Campus bukas!" panakot niya, kaya agad naman akong napatigil at nilingon siya, tss block mailer .

"Oh, ano! Sasakay ka o sasakay ka!" wala na akong magawa kaya pumasok na ako sa kotse niya.

"Sos, sasakay din naman pala, dami pang arte! Tss!" Bulong niya pero sapat na  yun para marinig ko, di ko na lang siya pinansin at sinimula na niyang paandarin ang kotse niya.

"Hoy! Pangit! Gising" agad naman akong napa gising ng makaramdam  akong may nag tapik tapik ng braso ko. Tapos pag dilat ko nakita ko si Kurt na ka tingin sa kin ng mapansin niyang gising na ako ay agad naman niyang iniwas ang tingin niya sa kin.

Napa tingin na lang ako sa labas dahil naka bukas naman ang tinted window ng kotse niya, aba asan kami? Di ko alama kung sa'ng lugar to ah, Hala! Baka kidnap to!

"Waaahhh! Na sa'n tayo! Kidnap ba to! Waaahhh! Kidnap kidnap kidnap! Kidn---- DHAKDNSISM" agad naman akong napatigil ng bigla niyang itinakip ang palad niya sa bibig ko, hmmmm... Am bango---- ay este ewww ang dirty kaya ng hands niya baka kung ano-ano na ang hinawakan niya like... Yucks!

"Pwede bang wag kang maingay kahit ngayun lang!" sigaw niya sabay alis sa kaniyang palad na nakatakip sa bibig ko.

"Eh, na sa'n ba tayo?" tanong ko.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon