Chapter 27: Ikaw nga

578 15 4
                                    

Lisa's P.O.V 

Hindi parin kaagad nag sink sa utak ko na sinagot ko nga talaga si Zeyn, huhuhu parang napaka easy to get ko talaga pwede ko bang bawiin yung mga sinabi ko kanina? Ay wag na siguro sayang yung grasya hehehe.

Nag facebook na lang ako para naman kahit papano makalimutan ko yung nangyari sa kin kanina, hindi naman sa nag iinarte ako parang napaka bilis kasi eh ewan ko

Habang pa scroll up and down ako, bigla namang nag vibrate ang phone ko at sino namang hinayupak na to ang tatawag sa kin sa gantong oras tas new number pa, hmmm baka scam to ma try nga.

  "Yes? May I help you?" Tanong ko

"Good evening Lisa"  Namilog naman ang mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya. 

"U-uhm whos this?" 

"It's me your boyfriend" sagot niya.

Napatakip naman ako sa bibig ko, tas napatalon pa. Ano ba kinilig lang tung Lola niyo 

"Lisa? Still there?"

Napaayos naman ako sa pag higa ng bigla ko ulit narinig ang boses niya.

"U-uhm yes, speaking"

"May pinadala ako diyan I hope you like it" 

"Ano naman yun?" 

"It's a little surprise for you, and by the way I already told your brother that were now in a relationship so you don't have to be hesitate kung may pinadala akong mga bagay-bagay diyan alam na ng kuya mo" sagot niya  Sh*t I'm the luckiest girl a live 

"B-ba't ang bilis ata?" 

"Wala lang, gusto kasi kita na sa kin ka lang, your mine only mine" 

"Corny mo!" Gusto naman nag iinarte pa 

"Corny man kung corny, at least ikaw lang yung babaeng minahal ko ng ganito"   Lupa paki lamon na tong katawan ko ngayun din! Now na!

"Nahihiya tuloy ako sayo, corny mo kasing makapagsalita" 

"Sorry Lisa I didn't mean it" 

"Naku okay lang, nag aadjust pa lang ako alam mo na kakasagot ko palang sayo kanina tas ganto na"

"Oh sige, dadahan-dahanin ko lang okay para hindi ka mailang"

Dadahan-dahanin ko lang okay para hindi ka mailang

Dadahan-dahanin ko lang okay para hindi ka mailang

Dadahan-dahanin ko lang okay para hindi ka mailang

Nako Lisa ayan na naman ang utak mo, yung pagkahigad mo nanaman lumabas na pagdating sa mga dobol-dobol meaning na ya. Di ka talaga nahiya kababae mong tao tas ang landi-landi ng utak mo.

"Ah hehehe sige"

"I'll gonna hang up na okay? May gagawin pa kasi ako, goodnight babe I love you"

Sasagutin ko ba siya ng I love you too? Eh, bakit ba nagdadalawang isip ako!

"Ah sige b-bye din Goodnight"

Ako na lang nag hang-up sa phone baka kasi tatanungin niya ko kung hindi ko sinagot ang I love you niya. Ewan ko, pero feeling ko napakabilis, hindi pa settle yung utak ko sa pag sagot ko sa kaniya, naiilang pako sa kaniya.

Tok tok tok

"Sino yan!" Tanong ko kung sino na naman ang kumatok sa maganda kung kulay pink na pintuan.

The Bride Of The Gangster Prince [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon