Ang love story ni Sunshine, parang gasgas na plot ng rom-com movie na masarap sabunutan ang leading lady kasi tanga. May na-meet siyang guy—paasang guy pala. Kinilig siya, umasa sa forever, na-fall, iniwan, umiyak, 'tapos nag-move on.
Ending na dapat, 'di ba? Puwedeng happy na mag-isa si Sunshine o kaya ay happy na dahil may new love. Tadtad na ng filtered photo niya ang FB, IG at Twitter na wagas ang ngiti niya at may hashtag na #HappyMe.
Pero hindi ganoon ang kuwento ni Sunshine. Iniiwan siya, nasasaktan, nagmu-move on, at binabalikan na naman—ng iisang lalaki lang. Paulit-ulit lang ang kuwento. Ang mas masaklap, laging bumabalik si lalaki sa mismong oras, araw, panahon—o kung anuman ang tawag sa sitwasyong kaunting-kaunti na lang ay naka-move on na siya. At dahil wagas din ang pagiging T ng puso niya, ang mundong naayos na sana, biglang guguho na naman!
Babalik na naman si Sunshine sa stage na: Umaasa, kinikilig, nasasaktan, iiyak, at iiwan na naman. Wala naman kasi talagang 'sila.' #saklapnaman
Nakakapagod, 'di ba? Pero wala, eh.
Mahal niya.
Mahal talaga.
At tanga siya!
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.