38. Realization

432 22 6
                                    

EIGHT PM ng gabi ang alis nina Ian at Rain. Nag-dinner muna silang tatlo ng sabay—sina Ian at Rain naman ang naghanda ng dinner. Hinayaan na niya ang dalawa. Mukhang bonding moment din iyon ng mga ito. Lumabas lang siya ng kuwarto nang tawagin na siya ni Rain.

Pagkaligpit sa kitchen, bumalik sa kuwarto si Sunshine at hindi na lumabas. Hinintay na lang niyang kumatok si Rain para magpaalam na aalis na. Ganoon naman sila lagi. Si Ian naman, magpaalam o hindi, okay na lang sa kanya. Nasabi na niya sa sarili na huwag nang mag-expect para walang disappointment.

Seven forty, may kumatok sa pinto. Akala ni Sunshine, si Rain na. Si Ian ang nasa labas.

"Tapos na ang heart hour," magaan niyang basag sa katahimikan nang hindi umimik si Ian, tumingin lang sa mga mata niya. "'Wag mong sabihing ii-extend mo, Ian. Paid na ako!" sinadya niyang tumawa nang magaan. Nagreact kasi ang heartbeat niya sa titig nito. Kailangan niyang pagtakpan iyon.

"Magpapaalam lang muna ako sa ugly Panda mo bago ako aalis," ang sinabi ni Ian. Akala ni Sunshine, biro lang pero pumasok talaga ito sa kuwarto niya para sapakin lang si Nath na nasa couch pa rin.

Natawa siya. "Alam mo, ang lakas mong mag-trip talaga! Pati stuffed toy, pinapatulan mo!" at tawa na siya nang tawa mayamaya nang sunod sunod na ang sampal ni Ian sa favorite companion niya. Hinayaan na lang niya ang lalaki sa trip nito. Tumigil din si Ian, inayos si Nath sa couch.

"'Alis na kami, Ney," sabi nito na parang wala lang ang ginawa kay Nath. Kaswal na naglakad patungo sa pinto.

"Uy, wait lang!" si Sunshine na hindi nakatiis. Parang may kulang ang last scene nila. Gusto niyang magtanong. Maraming tanong. Gusto rin niya ng hug. Mahigpit na hug. Pero si Ian, mukhang hindi interested sa alin man sa mga naisip niya.

Tumigil ito at lumingon, nasa tapat na ng pinto.

"Magte-text ako," sabi ni Sunshine. "Mag-reply ka!"

Ngumiti lang si Ian—iyon ang mahirap na part. Walang sagot ang lalaki kaya wala siyang panghahawakan. Siguro, ayaw lang nitong bigyan siya ng dahilan para umasa.

Nagtama nang ilang segundo ang mga mata nila. Nag-expect siya—na si Ian ang lalapit para yakapin siya pero hindi nito ginawa. Sumandal lang sa likod ng pinto at tinitigan lang siya. Naghihintay lang sa kung anuman na gagawin niya.

Kung wala siyang gagawin, aalis ang lalaki na wala man lang good bye hug. Si Sunshine ang tumawid sa distansiya sa pagitan nila. Hindi umimik si Ian pero niyakap din siya.

Okay na iyon. Okay na ang yakap lang pero nang mag-angat siya ng tingin at magtama ang mga mata nila, parang hindi na sapat ang yakap lang. Bumaba sa lips ni Ian ang tingin niya. Pinili ni Sunshine na hindi mag-isip, gusto niya ng kiss sa last moment na meron siya—pero pasimpleng inilihis ni Ian ang mukha para umiwas sa halik niya. Sa pisngi siya nito hinalikan bago ang mabilis na pagbitaw sa kanya.

Nakalabas na si Ian ay nakatulala pa rin si Sunshine.

Alam na niya ang pakiramdam nang ma-reject.

ANG last scene namin na iyon ni Ian ang naging ending ng happy moments. Chest pain ang iniwan sa akin. Chest pain na hindi mawala-wala. Sunday night umalis ng bahay sina Rain at Ian, two Sundays na ang dumaan pero walang nagbago sa bigat sa dibdib ko.

Bumalik na ako sa dating mga activities. Balik na uli ako sa pagiging cook—ng mga boarders at ng regular customers ko ng baon pack. Tuloy tuloy na rin ang pagtanggap ko ng orders na cakes, brownies at cookies. Mas busy, mas okay. Wala akong time mag-isip.

Girl, nangyari na 'yan dati 'di ba? Alam mo nang diyan ang ending n'yo. Dapat nga, handa ka na pero hindi. Nagulat ka pa! Bakit? Kasi nga, asa ka nang asa, eh, sabi ko na lang kay self, may kasamang sabunot sa buhok. Nasa room na ako no'ng time na iyon, tulala. 'Yon na lang talaga ang magagawa ko, ang pagalitan ang sarili at mag-emo. Hindi lang isang linggo iyon. Hindi rin lang isang buwan. Naulit lang ang struggle ko noong twenty-o-eight. Masakit man aminin sa sarili, inabot ng twenty-thirteen ang feelings ko, 'andito pa rin pala. Walang nagbago.

At mas masakit lang talaga na pagkaalis ni Ian, babalik lang ulit ako sa sitwasyon ko noon—na laging tumatakas sa mga memories pero 'di naman makaalpas. Kung sana kasi madaling ibalik sa dati ang lahat—doon sa dati kong buhay na wala pa si Ian—hindi ko na sana nakikita ang sarili kong nagche-check lagi ng cell phone, na umaasa sa bagong text message. Hindi ko na rin sana nakikita ang sarili kong naglo-log in lagi sa Facebook; hindi para mag-check ng inquiry or orders kundi para makita kung may bagong message galing kay Ian.

Kung madali ang lahat, hindi sana ako paulit ulit na nagbabasa ng mga chat convo namin sa FB, ng saved text messages sa phone ko, at mga photos na na-grab ko mula sa kanya. Madali rin sanang mag-delete para wala na akong balikan pero hindi. Hindi ko magawa. Ang mga usapan namin sa Heart Hour, hindi ko matiis na hindi laging balikan. At may same effect pa rin—napapangiti ako.

Nagtagal pa ang struggle ko ng maraming buwan.

At taon.

Hanggang naramdaman kong nagiging okay na ulit ako—ang stage na lagi akong sinusubok. Kapag kasi nasa ganitong stage na ako, bigla na lang magpaparamdam si Ian at babasagin uli ang naayos ko nang mundo. Ang mas mahirap lang, wala akong magawa para pigilan siya.

Bakit wala?

Kasi si Ian lang talaga ang lalaking nagagawang buuin at wasakin ang mundo ko.

Siya Iang.

Siya pa rin...

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon