12. Remembering...

760 31 0
                                    

SEVEN years ago nangyari ang mga eksenang nasa first and second ladder ko. Seven years na ang dumaan since na-meet ko si Ian Manzares pero ang mga eksena, buhay na buhay pa rin sa isip ko.

Natatandaan ko pa rin pala—lahat.

Three weeks lang naman na nag-stay sa bahay si Ian. Hindi totoong nagbayad ng prepaid rent for one year ang loko. Sinabi lang sa akin para hindi mapalayas. Magkasabwat sila ni Rain. Kaya pala no'ng tinanong ko ang magaling kong Kuya kung gaano kalalim ang pagkakakilala kay Ian para i-accept naming boarder sa bahay, ang sagot ay mas may tiwala pa daw kay Ian kaysa sa akin.

Shocked ako. Nagamit ko lahat ng throw pillows—ibinato ko kay Rain na wala namang pakialam. Parang walking cadaver na dumaan lang sa harap ko at tumuloy sa sariling kuwarto. Minsan talaga, hindi ko masakyan ang 'tuod attitude' ng Kuya kong iyon.

Sa three weeks ni Ian sa bahay, nagkaroon ng twist ang ordinary days ko. Lagi ko siyang nakakasabay kumain. Ang laking tulong ng one month payment niya para sa food. Walang malay si Rain na sinisingil ko nang sobra kaysa sa dapat na amount ang boarder. Rich kid naman yata kaya walang reklamo kahit obvious na lugi siya.

Ang advantage ng 'diskarte moves' kong 'yon, may instant akong napagkuhanan ng pambili ng required textbooks. Hindi ko na kailangang guluhin pa si Rain para humingi ng dagdag sa allowance ko.

Bago naman umalis si Ian, inamin kong pinagkakitaan ko siya. Na hindi naman talaga ako dapat naniningil kasi sagot ni Rain ang lahat ng expenses sa bahay. Kung may dapat man na maningil, ang Kuya ko iyon. Tumawa lang si Ian, hinawakan ang chin ko. Ang cute ko daw pala kapag nagi-guilty.

May sinabi rin siya sa akin no'ng nasa bahay na kami...

"'Yong time mo lang na samahan akong kumain, kulang na kulang ang three fifty," si Ian na nakangiti.

"Magkano ba dapat?" balik ni Sunshine, nasa tapat na siya ng sariling kuwarto.

"Dapat ba may amount? Puwede namang priceless, 'Ney." Inabot siya nito at maingat na niyakap. Isang back pack lang daw ang gamit nito at ready na kahapon pa. "Ngayon na ako magpapaalam. Ingatan ang sarili, ah?"

"Ingat din. Babalik ka ba?"

"Nami-miss mo na ako agad?"

"Assuming, o! 'Yong three-fifty mo lang! Dagdag allowance din 'yon, eh. 'Yong totoo, Ian? Babalik ka ba?"

"Babalik ako, Ney."

Hindi ko nakalimutan ang moment na iyon. Ang last day ni Ian sa bahay. Niyakap niya ako bago umalis. First hug ko 'yon. Ang tagal niya akong bitawan.

Imagine, ha? Seven years na pero tanda ko pa ang pakiramdam! Kaya nga kahit anong deny ko sa sarili na walang something, at the end of the day, parang sampal ng reality lagi—na meron talaga. Kung wala, ang dali lang sanang nawala ang mga memories at napalitan na ng bago. Ganoon naman, eh. May mga scene talaga na ang bilis lang kalimutan. May mga tao akong na-meet na hindi ko na nga natatandaan ang pangalan after years.

Pero si Ian?

Si Ian lang ang hindi mawala-wala sa isip ko. Ang mga moments na magkasama kami noon, naiisip ko pa rin. Kung bakit, alam ko siguro ang sagot pero ayoko lang aminin.

Pagkaalis ni Ian that day, na-experience ko 'yong feeling na may nami-miss. 'Yong feeling na may inaabangang dumating. 'Yong feeling na may hinihintay bumalik.

Pero umulit nang umulit ang pagsikat at paglubog ng araw, walang Ian na nagbalik.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon