"IAN VENERACION talaga?" si Sunshine, napatingin sa saradong pinto ng sariling kuwarto bago natawa. "Totoo nga?" at napailing-iling. Hindi niya naisip na totoo ang sinabi ni Ian kagabi—na Ian Veneracion ito sa facebook. May friend request siya mula sa isang Ian Veneracion. Sa hindi umabot ng one thousand na nasa friends list ni Sunshine, isa lang ang mutual friend nila—si Rain.
Sa less than a thousand na nasa list of friends ni Sunshine, lahat ng mga iyon ay mga kaibigan—old and new, iilang close relatives, mga naging classmates mula elementary hanggang college, mga batchmates, mga dating teachers, mga kapitbahay at mga kakilala ng kakilala na naging new client na niya sa sinisimulang home-base business. Hindi siya nag-aacept ng friend request mula sa mga unfamiliar names at strangers na hindi niya alam kung bakit siya ina-add.
Kaya hindi niya basta basta tatanggapin si 'Ian Veneracion'—unless si Ian Veneracion na actor ang nag-a-add sa kanya. Nag-log out si Sunshine sa Facebook. Mga ten minutes pa lang iyon pagkatapos nilang mag-breakfast ni Ian. Magkasabay silang pumasok sa kanya kanyang kuwarto. Tuesday nang araw na iyon. Kinabukasan ay pupunta sila ng Tagaytay. Maaga ng Wednesday ang alis nila ng Angeles at hapon ng Thurdays naman ang alis nila ng Tagaytay.
Nag-send siya ng text message kay Ian.
Ikaw si Ian na nag-send ng friend request sa wife ni Piolo?
Seconds lang ay may reply na ang lalaki. Confirmed na?
Nope! 'Di ako nagko-confirm agad ng request.
I'm waiting, Ney.
'Yon lang ang FB mo? Ang gusto talagang itanong ni Sunshine ay kung bakit Ian Veneracion at hindi Ian Manzares ang name nito sa facebook. Ang tagal na kaya niyang sini-search ito sa Facebook at wala siyang nahanap. Ibang Ian ang mga nakita niya. Ang Ian Veneracion naman na mutual friend nila ni Rain ay hindi niya maiisip na si Ian. Super private ang account. Walang post o picture na naka-set ng public. Sunrise view sa beach ang profile picture.
Yes.
Ah, kaya pala wala akong nahanap, sa isip ni Sunshine. Ilang taon din na parang naging hobby na niya na i-search ang name ni Ian sa Facebook at Twitter. Nag-log in uli ang dalaga sa Facebook para i-confirm ang friend request ni Ian. At pagka-confirm, 'stalker mode' agad siya. Check agad ng mga album—na wala kahit isang picture na kasama si Ian. Views sa iba't ibang bansa, mga lugar sa Pilipinas, busy streets, old and abandoned houses, clouds, trees and birds—huminto na si Sunshine at napangiti. Patunay ang mga pictures sa galing ni Ian sa photography. Kung ika-classify niya ang mga pictures, mahahati lang iyon sa dalawa: Views and people.
Napatingin si Sunshine sa message icon. May new message siya. In-open niya ang private message. Galing kay Ian Veneracion.
Hi, stalker!
Stalker? Ako? Ang assuming mo! Reply ni Sunshine pero nag-init ang mukha niya. Mabuti na lang talaga at 'stalker-friendly' ang Facebook. Hindi nakikita ng friend na ini-stalk ang nang-i-stalk. Kung nagkataon na may ganoong feature, buking na buking siya!
How do you find my photos?
What photos?
Napakagat na ng lower lip si Sunshine, nagpipigil ng ngiti. Hihingi na lang siya ng tawad kay God sa pagsisinungaling.
Pang 7 sa album.
Street Life ba? Maganda pero may ibang effect sa akin, eh. Maganda 'yong mga photos pero masakit. Sa Pilipinas 'to, 'di ba?
At namilog ang mga mata ni Sunshine nang ma-realize niya ang ibig sabihin ng kaka-send lang niyang message. Napangiwi na lang siya, ni-ready ang sarili na tanggapin ang pang-aasar ni Ian. Nagmadali siyang nag-send uli ng new message.
Uy! 'Wag kang assuming diyan. 'Yong Street Life album lang ang cheneck ko!
Oh?
Oo nga!
Street Life album lang daw...
Street Life album lang!
May best photo kami ni Rain, Ney.
Saang album?
Check.
Wala naman, eh. Lahat views at strangers lang ang mga kinukuhanan mo ng pictures.
Ah, so, you didn't check?
Napangiwi na lang si Sunshine. Kung sa boxing, nasapol na naman siya. Napa-log out siya nang wala sa plano.
Ang init pa rin ng mga pisngi ni Sunshine hanggang nang lumabas na sila para mag-jogging. Na-extend pa ang pagdedefend niya sa sarili kahit hindi naman na umiimik si Ian. Nanunukso nga lang ang tingin nito at ngiti nang ngiti na parang may iniisip na hindi niya mahulaan
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.