SA kitchen tumuloy si Sunshine. Gusto niyang uminom ng tubig pero pagdating doon ay hindi naman niya nagawa. Napahawak siya sa gilid ng sink, paulit-ulit ang inhale-exhale.
Ang unfair lang talaga ng sitwasyon. Ang unfair din ni Ian. Bakit kung kailan nagiging okay na siya, saka naman ito biglang magpaparamdam?
Parang last year lang, nag-send ng gift.
At ngayon, nagpakita na talaga! Nagpakita na parang walang nangyari. Parang walang four years na dumaan. At siya naman na may hindi ma-explain na feelings, affected na affected. Hindi alam kung ano'ng tamang reaksiyon sa presence ng lalaki. Hindi alam kung paano tatanggapin at pakikisamahan ang weird na pakiramdam na nabubuhay sa dibdib.
Sixteen lang siya noong nakasama niya si Ian. Dapat ay madaling nawala ang strange feeling na iyon pero hindi. At tuwing nagpaparamdam si Ian, tibag lahat ang itinayo niyang proteksiyon sa sarili.
Kaya ang gusto na lang ni Sunshine ngayon ay putulin na agad ang koneksiyon sa lalaki. Give up na siya. Ayaw na niya ng dagdag na gulo sa isip at puso. Tama na ang ilang taon na hindi niya naintindihan ang sarili.
Mariin siyang pumikit, humigpit din ang hawak sa gilid ng sink.
"Ney?"
Napadilat bigla si Sunshine. Pinili niyang hindi kumilos. Hindi niya gustong makita ni Ian ang emosyon sa mga mata niya. Baka mabasa siya nito.
"Are you okay?" tanong ni Ian at naramdaman niya ang paglapit nito. Nataranta ang mga senses niya. Gusto niyang lumayo pero ni hindi nagawang kumilos ni Sunshine. Gusto niyang sumagot na hindi siya okay. Na simula nang nawala ito at hindi na nagparamdam ay hindi na siya naging okay.
"O-Okay ako," nagawang sabihin ni Sunshine. Mahinang-mahina lang. Hindi rin siya kumilos. Nakahawak pa rin nang mahigpit sa gilid ng sink at nakatutok sa sahig ang tingin. "Puyat lang 'to," alibi niya. "Maaga kasi akong gumising kanina para mag-jog. Sobrang late na ako natulog kagabi..."
"Nahihilo ka?" gustong mainis ni Sunshine na hindi fake concerned ang nasa tono nito. Sana nga nahihilo na lang siya. O kung sana naipipilit ang pag-collapse, kanina pa niya pinilit ang sarili para natapos na ang eksenang iyon.
Mas nahihirapan kasi siya. Kung ang DVD na gift ni Ian ay sapat para ibalik ang mga eksena sa pagitan nila noon, ano pa kaya ang presence nito? At ang mas hindi gusto ni Sunshine, ang nararamdaman niyang urge na lumapit kay Ian nang walang dahilan—at yakapin ito.
"Hindi ka na dapat nag-jog kung puyat ka," sabi ni Ian. "Natulog ka na lang dapat, Ney." At naramdaman niya ang maingat na pag-akbay nito kasabay ng hawak ng malayang kamay sa braso niya. Hindi nakapag-react si Sunshine, natahimik siya hanggang inalalayan siya ni Ian na maupo sa isa sa mga upuan sa dining set.
Mabilis ang pagkilos ng lalaki, kumuha ng tubig sa refrigerator at dala ang basong may malamig na tubig nang lumapit sa kanya. Kinuha niya naman ang baso at tahimik na uminom.
"Hindi kaya tumaas ang BP mo?" si Ian mayamaya. "Inaaway mo ako kanina—"
"Hindi kita inaaway," agaw agad ni Sunshine. "Sinasabi ko lang na hindi ka dapat mag-stay—"
"Okay na, Ney," agaw rin ni Ian. "Hahaba na naman ang sasabihin mo. Tataas ang BP mo, mahihilo ka, baka mag-collapse ka pa—"
"Hindi nga mataas ang BP ko, eh!"
Magaang tumawa si Ian.
Nakanganga na napatitig si Sunshine sa lalaki. Ano'ng nakakatawa sa sitwasyon? Gusto niyang maghanap ng kahit anong maihahampas kay Ian pero pinigilan niya ang sarili. Baka makahalata na ito na roller coaster ang emosyon niya.
Nakatingin sa kanya si Ian habang tumatawa. "Hormones?"
"H-Hormones? Ano'ng hormones—"
"'Yang init ng ulo mo—"
"Wala akong period at hindi pa ako magkakaperiod!" singhal niya nang ma-absorb ang sinasabi nito. Magka-utak talaga si Ian at ang kapatid niyang laging ina-associate sa hormones ang bad mood.
Mas tumawa si Ian. Masamang tingin ang ganti ng dalaga. Hindi nito iniwan ng tingin ang mga mata niya kaya kitang-kita ni Sunshine nang nabura na ang ngiti nito.
Matagal na nagtama lang ang mga mata nila bago nag-exhale si Ian. Lumapit at hinila ang upuan sa tabi niya. Umupo ito paharap sa kanya, niyakap ang backrest ng upuan.
"Sabi mo, hate mo na ang romcom?" si Ian pagkatapos ng katahimikan. Agad naalala ni Sunshine ang note na nasa loob ng ibinalik niyang gift. Nakaabot nga rito ang 'gift' niya. "Dahil sa akin, Ney?"
Hindi sumagot si Sunshine, tumingin lang siya rito.
"Ayaw mo nang manood ng romcom para hindi mo na ako maalala?"
"'Yon naman talaga ang dapat sa 'yo, eh—ibaon sa limot ASAP.
"Ney—"
"Sunny!" agap niya. "Pati 'yang 'Ney' mo ayokong marinig! Ayokong maalala na naging friends tayo noon. Na okay naman tayo 'tapos pagkaalis mo parang wala na lang? Okay ka, eh. Ang galing mong magparamdam na parang ang worthless ko. Kahit single reply sa text hindi ko deserve? Kinukumusta lang naman kita, Ian. Feeling mo ba ha-huntingin kita kung nag-reply ka? Wow, ha?"
"Ney..."
"Ano?"
"I'm sorry..."
Doon lang niya binawi ang tingin. Sa kung ano'ng dahilan, tumaas ang emosyon ni Sunshine. "Masyado nang late 'yan," tumayo agad siya at mabilis na iniwan si Ian bago pa nito makitang misty na ang mga mata niya. Naiiyak siya nang walang dahilan!
At halo halo ang emosyon niya!
Ang gulo ng pakiramdam niya sa dibdib. Parang may riot ng mga walang pangalang emosyon.
Hindi naramdaman ni Sunshine na humabol si Ian. Dumeretso siya sa sariling kuwarto at doon nagkulong. Sunod-sunod na ang patak ng luha niya habang nakasandal siya sa pinto.
"Bakit ba ako umiiyak?" at mabilis niyang tinutuyo ang mga luha.
Kasabay ng paggaan ng dibdib ni Sunshine, narinig niya ang tunog ng pag-alis ng sasakyan. Ang black na kotse sa labas. Ang kotse ni Ian.
Kung twenty-o-eight nangyari ang eksenang iyon, nasa tapat na ng pinto si Ian at kinakatok siya. Hindi ito aalis hanggang hindi niya nilalabas. At kapag lumabas siya, pag-uusapan at aayusin na nila ang kung anumang dapat pag-usapan.
Pumikit si Sunshine at napabuntong-hininga. "Twenty-thirteen na. Sunny. Twenty-thirteen na..."
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.