Heart Hour: Day 2
Happy Cookies. 6AM
"ANG aga pa, eh..." ungol ni Sunshine, sagot niya sa nanggigising na alarm clock. Cloudy Saturday iyon, off niya sa pagluluto ng breakfast para sa boarders—boarder na lang pala. Si Miya na lang ang kasama niya at wala pang bago. Gabi ng Friday ay umuuwi ito sa pamilya sa Arayat. Siya lang ang nasa bahay kaya okay lang na eight or nine AM na ang breakfast. Okay nga kahit tubig at isang saging lang.
Pero dahil sa text message ni Ian kagabi na six AM daw ang heart hour nila sa day two ng fourteen days, heto si Sunshine, aantok antok pang bumangon. Hindi niya alam kung ano'ng plano ng lalaki. Ang utos sa kanya, kailangan niyang i-prepare ang mga gamit niya sa pagbe-bake at ang ingredients para sa binanggit niya rito na melt-in-the-mouth cookies.
Napapitlag ang dalaga sa tunog ng cell phone. Pinilit niyang imulat ang inaantok pang mga mata. Pagkaabot sa gadget ay ibinagsak uli sa kama ang katawan. ng strict lang talaga ni Ian sa oras. Sinisigurado talaga na gising siya!
"Ang aga pa, eh," paungol na reklamo ni Sunshine. "Ang strict mo sa oras..." dugtong pa niya. "Off ko sa pagluluto ng breakfast kaya safe magbabad sa kama. Ang bad mo. Bakit naman six AM ang heart hour? Inaantok pa ako, Ian..."
"Bangon na, Ney. 'Baba ka sa kitchen."
"'Tapos?"
"You'll gonna bake some happy cookies."
"Happy cookies?" ulit ni Sunshine.
"'Yong nabanggit mong melt-in-the-mouth cookies. Pero gusto ko, designed with happy face."
"Ngayon na agad? 'Di puwedeng tumawad ng time?"
"Ngayon na."
"Bakit ang cruel mo?"
Magaang tawa lang ang sagot ni Ian. Nanahimik ito nang ilang sandali pero mayamaya ay nagsalita uli. "Tuturuan mo akong gumawa ng happy cookies."
"Tuturuan?" echo na naman ni Sunshine. Nawawala na ang antok niya.
"Ingredients, process, design—sasabihin mo sa akin isa-isa habang ginagawa mo ang happy cookies. Hindi ko ibababa ang phone."
"Okay..." sang-ayon na lang ni Sunshine. Kung alam lang niyang parusa pala ang heart hour, nagdalawang-isip sana siyang sumama sa Sagada. Pero kung tutuusin, priceless ang mga moments na na-collect niya. Mapuyat man siya nang paulit-ulit sa heart hour, hindi matatakpan ng pagod ang saya niya. "Bababa na po, strict boss!" bumangon na nga siya at nag-stretch na. Gusto pa talaga sana niyang matulog pero kailangan niyang maging faithful sa pagbabayad ng free trip. Hindi dahil hindi siya nakikita ni Ian a hindi na niya gagawin ang utos nito.
Hindi na nagbihis si Sunshine. Itinaas lang niya ang buhok at nagsuot ng hair net. Iniwan niya sa mesa ang gadget, naka-speaker phone na. "Hugas lang akong kamay," sabi niya at dumeretso sa lababo. Pagbalik ay isa-isa na niyang sinasabi ang ingredients at measurements. Tahimik lang na nakikinig si Ian sa kabilang linya.
Tuloy-tuloy lang si Sunshine. Sinasabi niya kay Ian ang bawat gagawin. Detailed ang process, kopya mismo sa improved recipe na nahanap niya sa Google. Binanggit rin ng dalaga ang designs, kung ilang cookies ang magagawa, at tamang init ng oven, at kung ano ang kaibahan ng cookies na iyon sa ordinary cookies na ginagawa niya dati.
Hindi na napansin ni Sunshine kung lumampas na sila sa heart hour. Nasa kabilang linya pa rin si Ian.
"Ney, 'baba ko muna," si Ian pagkatapos ng mahabang minutong pag-uusap. "I've to take another call."
"Okay..."
Nawala na ang lalaki sa kabilang linya. Hindi huminto si Sunshine. Tuloy tuloy lang siya sa ginagawa. Naglalagay na siya ng design sa cookies na nasa trays. Patingin-tingin siya sa cell phone, hinihintay ang tawag ni Ian.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomantikPaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.