First Ladder
The Meeting...
MAINGAT na ibinalik ni Sunshine sa vase ang rose bago lumabas ng kuwarto. Bababa siya para mag-breakfast. Seven AM na iyon. Ang oras na nasa kuwarto pa ang kapatid-tulog kung day off at nagbibihis para pumasok kapag working days.
Pareho silang nagka-isip sa Maynila ni Rain. Dalawa lang silang magkapatid at super close sa isa't isa. Nagkahiwalay lang sila nang dinaanan ng pagsubok ang kanilang pamilya. Na-stroke ang Papa nilang si Edmund. Salamat na lang at mild lang, isang binti lang nito ang affected pero dahil provider ng pamilya, naharap sila sa biglaang changes. Hindi na niya gustong maalala ang mga nangyari years ago. Nalulungkot lang siya. Kinailangan kasi nilang maghiwa-hiwalay at mag-iba ng lugar. Naibenta ang bahay sa Maynila. Si Sunshine ay isinama ng mga magulang sa probinsiya ng ina sa Ilocos. Si Rain ay kinupkop ng Tita Merlene nila na nasa Pampanga. Pagdating sa college, working student na si Rain. Isang buwan lang ang pagitan ng paglipat na rin niya ng Pampanga para mag-kolehiyo, at ang natuloy na paglipad ni Tita Merlene papuntang Amerika.
Balik sila ni Rain sa pagiging parang twin na aso't pusa.
Mag-iisang taon na si Rain sa bagong trabaho. HR assistant. Hindi umalis si Rain sa Top Taste fast food bilang kitchen crew hanggang na-hire ito sa sister company daw ng Top Taste, isang buwan pagka-graduate.
Magiging magaan na para sa kanila ang mga susunod na buwan. Nangako ng tulong ang Tita nila. Sasagutin nito ang half ng tuition fees niya at ang theraphy ng ama, na Kuya nito.
Sa gabi at Sunday lang na day off nito nasa bahay si Rain. Si Sunny naman, five PM to nine PM ang schedule niya three times a week sa school. Sa natitirang dalawang araw ay may klase siya ng one PM at two PM. Nakasanayan lang talaga niyang gumising nang maaga para mag-prepare ng breakfast nilang magkapatid.
Pakanta-kanta pa si Sunshine hanggang sa ibaba. Napatingin siya sa pintuan ng dinaanang kuwarto. Apat ang kuwarto sa bahay. Dalawang kuwarto sa taas ang occupied-kuwarto nilang magkapatid. Ang dalawa sa ibaba ay pinapaupahan nila dati.
Napalingon si Sunshine sa pinto.
Bakit parang may tao sa loob?
Napatitig siya sa pinto. May multo na ba sa bakanteng kuwarto? Dapat pala, hindi nila hinayaang magkapatid na mawalan ng tao roon. Sana pala, hindi sila nag-stop tumanggap ng boarders. Ilang month nang wala silang ibang taong kasama sa bahay.
Hindi na lang pinansin ni Sunshine ang tunog.
Sa kusina na siya dumeretso. Nagsalin ng tubig sa baso bago tiningnan kung bawas na ang pagkain na iniwan niyang nakatakip kanina sa mesa. Wala pang bawas ang pagkain. Hindi pa bumaba si Rain.
"Breakfast na, Rain!" malakas na pagtawag ni Sunshine.
Walang sagot. Kumain na lang si Sunshine mag-isa. Plain rice at tocino ang inihanda niyang breakfast. Apple na ang hawak niya pagkatapos kumain. Binabalatan ni Sunshine ang apple habang pabalik sa sala. Nasa chorus na siya ang pagbirit niya ng kanta ni Celine Dion.
"I'll be waiting for you-" napahinto si Sunshine nang may kumalabog sa kuwartong wala namang tao. Tumigil siya sa paglalakad. Nakiramdam. May mga footsteps siyang narinig.
May tao sa vacant room?
Paanong magkakaroon ng tao do'n?
Dahan-dahang humakbang si Sunshine palapit. Nakaawang ang pinto? Paglapit niya ay mas lumakas ang tunog. May naglalakad talaga sa loob!
Humigpit ang hawak ni Sunshine sa kutsilyo. Sumagap muna siya ng hangin bago ang pabiglang pagtulak sa pinto-para magulat lang nang abs ang bumungad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.