Please, princess?
Ang lapad ng ngiti ni Sunshine. Bakit ba kahit simpleng text conversation lang ay kinikilig na siya?
Yakap pa rin ang unan, bumangon siya para buksan ang pinto.
"Bakit ba?" bungad agad niya na sinagot lang ni Ian ng ngiti. Nasa mga mata na naman niya ang titig nito. Ang heartbeat tuloy ni Sunshine, magulo na naman.
"Nood tayong movie, Ney?"
"Ngayon? Ayoko. Ikaw na lang. Two weeks 'tong lazy days na rest week ko talaga. Kung may sapat lang akong budget, wala ako ngayon dito."
"Nasaan ka?"
"Humihigop ng bulalo sa Tagaytay o kaya pumapapak ng mushroom fries. Kung hindi naman, nag-eemote at nagpapalamig sa Sagada." Hinila na niya pabukas ang pinto. "Papasok ka ba?"
Pumasok na ang lalaki sa kuwarto niya. Napansin ni Sunshine na tumutok ang tingin nito sa dalawang naka-frame na picture noong graduation niya. Family picture ang isa at ang isa pa ay wacky shot nila ni Rain. Hawak niya ang kanyang diploma at suot naman ni Rain ang toga cap niya.
"Sayang," sabi nito mayamaya. "Na-miss ko 'yang event."
Napatingin na din siya sa picture. "Ang happy namin 'no? Nasaan ka ba kasi no'ng time na 'yan?" itinuro niya ang couch. "Upo ka."
"France." Si Ian at marahang naupo. Sa kama niya tumutok ang tingin. "Ano'ng pangalan ng big Panda?"
Napaisip si Sunshine. Walang name ang Panda na iyon. Bigay ni Eiren sa kanya noong birthday niya. Valentine's Day kasi—pang asar. Wala daw kasi siyang ka-hug.
"Pangalan?" ulit ni Sunshine at napangiti nang maisip ang particular na mukha noong college. "Nath."
"Nath? 'Yong crush mo?" balik nito. "Ano'ng nakita mo do'n, Ney? Sunog! Kulang sa height, malaki ang mata—naging kayo ba no'n?"
Napakurap-kurap si Sunshine bago natawa. "Nanlait talaga? Eh, 'di ikaw na ang perfect! Ang ganda kaya ng skin color ni Nath!"
"Naging kayo no'n?"
"Hindi. May rule sa pamilya, eh."
"Pinili mong maging good girl at good student?"
"Kung si Rain nga, sinunod 'yong rule, ako pa kaya ang hindi?" umupo siya sa gilid ng kama. Inabot si 'Nath' at niyakap. "'Yong mga years na wala ka, nasa France ka no'n?"
Umiling si Ian. "Months lang. Naghanap lang ako ng true love sa Eiffel tower," at ngumiti nang malapad. "Sa States ako medyo nagtagal."
"Wala ka sa Pilipinas the past years?"
"Mas madalas wala."
Kaya pala...
"Last year, bumalik ako pero two weeks lang. May gift akong ipinaabot kay Rain. Napanood mo na?"
Umiling lang si Sunshine.
"Hindi pa? O, ano pa'ng ginagawa natin? Ang DVD player mo?"
Hindi na nagprotesta si Sunshine. Hindi niya pinanood ang sequel ng movie na pinanood nila noon kasi deep inside her, umaasa pa rin siyang mapapanood niya iyon na si Ian pa rin ang kasama.
Kinuha niya sa drawer ang DVD na gift nito at inabot kay Ian na abala naman sa pagse-set ng player.
Nang mga sumunod na sandali ay nakikitawa na sila kina Laida at Miggy. Si Ian ay nasa couch pa rin. Si Sunshine naman ay nakalatag sa kama ang mga binti, yakap yakap niya si 'Nath.'
Nagulat pa ang dalaga nang lumipat sa kama si Ian. Inagaw nito si 'Nath' at cruel na sinandalan. Binigyan siya ng unan na kapalit.
"Parang nangawit ang likod ko," sabi nito, mas inipit ng katawan ang kawawang stuffed toy. Kung may buhay lang ay baka humiyaw na.
"Ano'ng ginagawa mo kay Nath—"
"Shhh!" saway nito. "Hindi ko marinig si Laida!" at mas inipit pa nito si 'Nath'.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
Storie d'amorePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.