47. His Heart

487 22 5
                                    


Para sa mga readers na nag-aabang...
Bonus part: Ian's POV 😉

MABALIW o mag-pass out. Mas gusto ni Ian ang huli kaya pinili niyang lunurin na lang ang sarili sa alak. Ilang linggo na siyang miserable. Parang zombie na palipat-lipat ng lugar para sa mga meetings. Pagkatapos ng trabaho, sa gym siya tutuloy at magpapawis sa mga natitirang oras, umaasang tatangayin din ng pawis ang lahat ng bigat na nararamdaman niya.

Ilang linggo na siyang miserable. Hindi gumagana ng tama ang utak. Pakiramdam niya ay nag-freeze ang mundo sa gabing iyon na pinili niyang maging mabuting kaibigan pa rin sa kabila ng hindi niya malabanang kahinaan.

Mahina talaga siya pagdating kay Sunny. Ang iron-control niya, ang bilis lang matunaw. At kung gaano kadaling pagbigyan ang sarili sa ibang babae, kay Sunny ay ganoon kahirap. Nasa pagitan nila si Rain at ang totoong damdamin niya.

Mahal niya si Sunny.

Noon pang sixteen lang ang babae na nakasama niya ito, iba na agad ang naramdaman ni Ian. Alam niyang babaguhin ng kapatid ni Rain ang buhay niya. At tama siya. Pinilit niyang kalimutan ang three weeks na magkasama sila—hindi niya nagawa. Sinubukan niyang mag-date, ng hindi lang isa. Marami. Iba-ibang lahi—wala pa rin. Sa pag-uwi niya ng Pilipinas, isang lugar pa rin ang gusto niyang balikan. Ang lugar na madali sa kanyang tumawa. Lugar na nagiging panatag pero buhay na buhay ang puso niya. Lugar kung nasaan ang espesyal na ngiting hinahahanap hanap ng mga mata niya.

Pero hindi ganoon kadali ang sitwasyon ni Ian. Hindi niya maaring basta na lang pagbigyan ang sarili. Sunny was sixteen and he was as old as her brother. Ang best friend na si Rain na alam ni Ian na unang-unang bubugbog sa kanya kapag pinakialaman niya ang nag-iisang kapatid nito. Pinipikon man at sinesermunan lagi ni Rain si Sunny, alam niyang hindi magdadalawang-isip na makipagpatayan ang best friend niya para kay Sunny. Knight na pinoprotektahan ang prinsesa, ganoon si Rain pinalaki ng parents nito—ang dahilan kung bakit tiwalang-tiwalang ang mga magulang na iwan ang dalawa at mamuhay independently sa Pampanga. Hindi iniwan ni Rain mag-isa sa bahay si Sunny hanggang nag-graduate na ito ng college.

At siya lang din ang lalaking pinayagan ni Rain na mag-stay ng higit sa isang araw sa bahay ng mga ito—patunay ng tiwala nito sa kanya.

High school hanggang third year college, magkaibigan na sila ni Rain. Homeless na talaga siya mula bata pa. palipat-lipat ng bahay. Kung saan may space. Hindi na niya nakilala ang ama—walang may alam. Ang mama niya naman na anak ni Lolo Mando ay namatay sa isang aksidente sa daan, dalawang taon pa lang daw siya. Bagong salta ang twelve years old Ian Pampanga at sa Academy. Ganoon din si Rain na sa Tita Merlene nito nakatira, sinusuportahan lang ng parents. Matandang dalaga si Tita Merlene. May kaya dati ang pamilya ni Rain na nasa Ilocos samantalang siya, handsome poor boy. Pension lang ng lolo Mando niya ang pang-suporta sa kanya sa private school. Ang ikinabubuhay naman nila, tubo sa homecooked ulam na niluluto nito at idinideliver niya umaga bago pumasok at hapon pagkagaling sa school. Every weekend, nasa bahay nila si Rain at tumutulong sa pagluluto nila ni Lolo Mando. Magaling siya sa kusina dahil kay Lolo Mando. Si Rain ang kasa-kasama ni Ian sa lahat ng kalokohan noon. Naging parang totoong magkapatid sila.

Pagdating sa college, mas mabigat na challenge ang dumating. Nag-suffer ng mild stroke ang ama ni Rain. Na-paralyzed ang isang binti. Nagsimulang malugi ang dalawa sa negosyo ng pamilya. Si Lolo Mando naman, pinapahina na ng edad. Siya na halos ang gumagawa ng mga dati nitong ginagawa.

Isa sa mga pagkakapareho nila ni Rain, ang lakas ng determinasyon. Hindi sila papayag na ibagsak ng sitwasyon. Ang usapan nila, walang hihinto ng pag-aaral kahit ano'ng mangyari. Nagsimula sa sangla hanggang sa naibenta na ang mga properties ng pamilya ni Rain para suportahan ang mga expenses—theraphy ni Tito Edmund, pag-aaral ni Rain, at ni Sunny na noon ay kasama pa ng mga magulang sa Ilocos. Sa pangalan lang niya kilala ang bunsong kapatid ng kaibigan.

Sabay silang nag-apply ng trabaho ni Rain—sa Top Taste, isang fast food restaurant. Hindi sila nahirapan. Sa pagsisimula ng sophomore year, pareho na silang working student—fast food crew. Sa kitchen sila pareho ni Rain na-assigned. Naranasan nilang makatulog sa gitna ng klase sa pagod, sa library habang gumagawa ng assignments, paulit-ulit na ma-late, paghahabol sa submission ng project dahil hindi sila makasama sa group work—pero kinaya naman, natapos nila ng semester.

Second year nang maging kaibigan nila si Amisha, campus crush pero gaya nila, kabilang sa listahan ng 'poor kids' sa University, iyon siguro ang dahilan kaya sila din ang pinili ng babaeng laging lapitan. Pare-pareho silang nagsasakripisyo para makapagtapos lang. Si Rain ang unang umamin sa kanya ng feelings kay Amish pero wala itong balak manligaw. Walang space ang pag-ibig sa sitwasyon nila, iyon ang sabi nito habang tig-isa sila ng beer. Si Amish naman, halatang gusto rin si Rain. Inaabangan na lang niya kung saan hahantong ang pinipigilang mga damdamin ng dalawa. Walang nangyari sa pag-aabang niya, natapos ang two sems na walang nangyari. Showbiz pa rin si Rain—friends lang daw.

Pagdating ng third year first semester nila sa College of Business, iniwan na siya ni Lolo Mando. Hindi nagpaalaga ang kanyang lolo, hindi rin nagkasakit. Nakita na lang niyang patay na ito sa kama, parang natutulog lang. Sumuko na pala ang puso nito. May problema sa puso ang lolo niya na hindi na nito pinansin pa.

Hindi iniwan si Ian nina Rain at Amisha sa pinakamalungkot na taon sa buhay niya. Akala ni Ian, do'n na siya bibigay, na hindi na niya kakayanin ang mga susunod pang araw. Baka mag-drop na lang siya sa University. Hindi sapat ang suweldo niya para pag-aralin ang sarili.

Hindi naisip ni Ian na magkaka-twist ang life story niya pagkatapos ng madilim na bahaging iyon. Ipinatawag siya ng branch head ng Top Taste sa office nito isang oras bago matapos ang shift niya. Naisip pa ni Ian na ifa-fire siya sa hindi niya alam na kasalanan. Sa private office, hindi lang ang branch head ang naabutan niya. Naroon din si Miss Cathareen Veneracion, na ipinakilala ng branch head nila bilang VP for operations ng V & G Foods Corporation, ang korporasyon sa likod ng Top Taste chain. Lumabas ang branch head at naiwan siya kasama ni Miss Veneracion.

Hindi maintindihan ni Ian kung ano ang kailangan sa kanya ng babaeng parang beauty queen sa ganda pero naghuhumiyaw ang authority sa tindig pa lang. Titig na titig ito sa mukha niya habang tinatanong ang tungkol sa kanyang pamilya. Ang pangalan ng ina at Lolo niya at ang pinanggalingan nilang mga lugar bago siya lumipat sa Pampanga.

Curious, magalang na tinanong ni Ian si Miss Veneracion kung bakit siya nasa private office na iyon at tinatanong ng mga personal na impormasyon—at nagulantang pati ang pagod niyang kaluluwa nang sabihin nitong magkapatid sila.

Nang araw na iyon nagsimulang magbago ang buhay ni Ian. At naging simula rin ng distansiya sa pagitan nila ni Rain. Tinapos na lang niya ang semester. Sa Manila na siya nag-aral nang sumunod na taon.

Si Amisha na naisip niyang si Rain ang gusto, maraming beses na gumawa ng paraan para magkita sila. Maraming mga dahilan, alibis, lies—hindi na siya nagulat sa confession nito na siya ang mahal noon pa at hindi si Rain. Alam niya kung bakit—ang pagiging konektado niya sa mga Veneracion.

Hanggang magkaibigan lang sila, nilinaw niya kay Amisha na hindi na sila hihigit pa roon. Hindi na niya nalaman pa ang mga nangyari sa pagitan nito at ni Rain, naging abala na siyang sumunod sa mga utos. Naging abala na siya sa pagpipilit abutin ang expectation sa kanya ng bago at totoong pamilya.

Si Rain ang unang-unang naisip puntahan ni Ian nang nasa Pilipinas na siya uli. Hindi na pala mag-isa sa bahay ang kaibigan, nakilala niya ang sixteen years old na si Sunny—na tinutukan pa siya ng kutsilyo sa dibdib.

Hindi na bumalik sa dati ang buhay niya pagkatapos ng unang pagkikitang iyon.

At ang heart hour?

Isa sa marami niyang paraan para makasama si Sunny.

Inabot ni Ian ang bote ng alak at deretsong uminom. Sabay lang ng paglapag niya ng bote ang tunog ng phone intercom. Tumayo siya para tanggapin ang tawag ng guard sa lobby.

Nahuhulaan na ni Ian kung sino ang bisita niya nang hatinggabing iyon.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon