15. What if...bumalik?

719 25 3
                                    

NAKA-JOGGING pants at hoodie si Sunshine. Five forty five siya lumabas ng bahay para mag-jogging. Kung weekend iyon, magkasama sana sila ni Rain. Pero dahil Wednesday nang araw na iyon, mag-isa lang siya. Hoodie lang ni Rain ang kasama niya.

Napangiti si Sunshine. Favorite hoodie iyon ng kapatid. Lagi nitong suot kapag umuwi at magkasabay silang nagja-jog. Hindi nito puwedeng maabutan na nasa laundry iyon, malalagot siya.

Same hoodie na gusto niyang ini-steal para isuot din kahit maluwang sa kanya.

Bakit?

May naaalala siyang happy moments.

Hindi isang beses na gustong batukan ni Sunshine ang sarili. Para siyang addicted sa mga scene na tapos na pero ang hirap itapon. Sa totoo lang, gusto niyang iwan na iyon sa past pero hindi niya magawa. Paulit-ulit pa rin na nagbabalik sa isip niya lahat.

May weight ang mga scene na iyon sa kanya. Bakit sure siya? Kasi kahit si Nath, ang nag-iisang crush niya sa section nila noon, nang maramdaman niyang parang tinatawid na ang friendship line, umiwas na siya. Sinasabi niya sa sarili at sa mga kaibigan na nakahalata na gusto lang niyang patunayan sa parents at kapatid na kaya rin niyang sundin ang rule. Wala munang relasyon.

"Baka naman kasi iba pala ang gusto mong bf," naalala niyang sabi ni Eiren noon. Siguro. Baka nga ganoon. Mas pinili na lang ni Sunshine na paniwalaan na sumusunod lang siya sa gusto ng pamilya.

"What if, 'yong 'first of everything' mo pala ang bumalik at umamin ng feelings, ha?" si Maggie naman. Exaggerated lang ang kaibigan. Hindi kasi napigilang magkuwento ni Sunshine dati—na oo na, aaminin na niyang paulit-ulit lang. Ang hirap i-explain kung bakit niya ginagawa iyon.

'First hug' lang ang binanggit niya kay Maggie. Ang friend niyang OA, kung makalagay ng 'add-on' wagas din. 'First of everything' talaga ang ni-label sa lalaking topic nila. First of everything daw eh, wala namang sila ni Ian!

"Hindi na siya babalik, Maggs. 'Di mo na malalaman ang sagot. Pero alam mo, exaggerated ka talaga, eh!"

"What if bumalik nga?"

Hindi na sumagot si Sunshine, tiningnan lang niya ang kaibigan sabay sip ng iced tea.



Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon