23. Fourth Ladder

720 26 2
                                    

Fourth Ladder

Cold Place, Bulalo and Him

MEMORABLE, one word na best pang-describe sa two days and one night namin ni Ian sa Tagaytay. Hindi ko ini-expect na mag-eenjoy ako nang sobra. Ang gusto ko lang talaga, break. Okay na 'yong nasa ibang lugar ako, na may iba akong makikita, na mafi-feel ko ang lamig. Bonus na lang ang bulalo—mainit na sabaw sa malamig na panahon. At ang mushroom fries na substitute ko sa junk foods, uubusin ko habang pinapanood si Ian sa pagkuha ng pictures. Parang 'fan' lang ako na hanga sa galing ni Ian. Fan na laging nakasunod ang tingin, fan na masayang makita siyang busy. Fan na laging nakamasid lang—'yon ang scenario na nai-imagine ko habang nasa Tagaytay kami.

Pero hindi nangyari ang na-imagine kong scenario. Si Ian ang naging parang sabit lang sa trip—na ako dapat dahil lakad niya iyon. Ang mga gusto kong puntahan ang pinuntahan namin. Sa mga lugar na iyon din siya kumukuha ng random photos. Kung may gusto akong puntahan, okay kay Ian. Pupuntahan namin ang lugar at doon siya kukuha ng pictures. 'Pag may naisip akong kainin, go agad kami. Parang naging documented tuloy ang trip at ako ang subject ni Ian na sinusundan niya ang bawat galaw.

Aside sa nagka-twist na outcome ng trip na iyon, ang na-enjoy ko rin talaga ay ang lazy hours—mga oras na walang ginagawa kundi tumitig lang sa view.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon