20. Heart Hour

838 30 12
                                    

APAT na araw na sa bahay si Ian. Apat na araw nang pakiramdam ni Sunshine ay nagbalik siya sa year twenty-o-eight. Akala niya, binago si Ian ng mga nagdaang taon. Mali siya. Ang Ian na kasama niya sa bahay ay parehong Ian na nakasama niya noon.

Hindi na namalayan ni Sunshine na inuulit lang nila ni Ian ang mga dati nilang gingagawa noon—luto, kain, kuwentuhan, asaran, jogging sa umaga at lakad sa gabi. Na-realize ng dalaga, kailangan lang pala niyang tanggapin sa sarili na nagbalik na nga si Ian. Madaling nawala ang inakala niyang harang sa pagitan nila. Dalawang araw pa lang, para na naman silang aso't-pusa na nag-aasaran sa kusina. Ang hirap aminin sa sarili na mas na-e-enjoy na niya ang pagluluto kasama si Ian.

Kahapon, nag-bake siya ng cookies, na inubos lang nila ni Ian habang inuulit nilang panoorin ng magkasunod ang A Very Special Love at You Changed My Life.

Sa dinner, magkasama uli sila sa kusina. Si Ian ang nagluto ng beef steak.

Paalis na sila ng kusina nang dumating ang dalawang boarders na apat na araw nang parang laging titili sa kilig tuwing nasasalubong sa bahay si Ian. Parehong sixteen years old ang mga boarders. Naisip tuloy ni Sunshine, baka ganoon din dati ang reaction niya kay Ian. Hindi lang siya aware at hindi lang din nagre-react ng obvious si Ian.

Kung tama si Sunshine sa naisip, nakakahiya pala siya noon!

"Ian?"

Tumingin lang sa kanya ang lalaki. Paakyat na sila sa kanya-kanyang kuwarto para magpahinga. Lalabas sila at maglalakad-lakad sa loob ng village pagkatapos ng isang oras.

"'Yong dalawang boarders, ano'ng comment mo?"

"Cute," sabi ni Ian, ngumiti na naman. "Freshmen?"

Tango lang ang sagot ni Sunshine.

"Parang ikaw years ago."

Namula yata ang mukha ng dalaga. Parang inamin na rin nito na nagpapa-cute din siya noon!

Hindi naman, ah? Si Sunshine sa sarili. Ang kilig ko dati, secret lang!

Nasa tapat na siya ng pinto ng sariling kuwarto. "Text kita 'pag tinamad na akong lumabas." sabi niya kay Ian. May usapan silang lalabas para sumagap ng hangin. Maglalakad-lakad lang sila sa loob ng village.

Itinulak na ni Sunshine ang pinto. Naudlot ang unang hakbang niya papasok nang marinig ang boses ni Ian.

"Ney?"

Napalingon siya.

"Payag ba si Rain sa travel plans mo? Okay lang sa kanya na umalis ka ng bahay?"

"Oo naman," sagot ni Sunshine. "Hindi naman ako pinipigilan no'n, eh. Basta alam lang niya kung saan ako pupunta at kung sino'ng mga kasama. Basta free 'yong pinsan naming naiiwan dito 'pag wala kaming dalawa, makakaalis ako."

"Sa Tagaytay at sa Sagada mo gustong magpalipas ng sinasabi mong lazy days?"

"Baka next year na. Walang budget panggala, eh."

"Gusto mong sumama sa akin?" tanong ni Ian na nagpabalik ng tingin ni Sunshine. "Kung bulalo at mushroom fries lang naman ang gusto mo, two days and one night sa Tagaytay, okay na tayo."

"Pupunta kang Tagaytay?" bigla siyang na-excite. Parang gusto niyang gamitin pati ang puhunan niya sa sinisimulang home-based business para lang makasama.

"Wednesday," sagot ni Ian. Lunes pa lang nang araw na iyon. may isa pa siyang araw para mag-decide, at tawagan ang maiiwan sa bahay. "Kailangan ko lang ng ilang photos. 'Yong kasama kong model, may emergency," lumapit ito. Hinawakan siya sa balikat at tinitigan mula ulo pababa. Sinipat ang side niya pati ang likod. "Gusto mong maging model ko? Free na lahat ng expenses mo, Ney."

Napamaang siya kay Ian. In-absorb muna nang ilang segundo ang sinabi nito. Ang no expenses travel lang ang narinig niya at ang 'model'. Hindi niya masyadong naintindihan. Papayag siya nang hindi nag-iisip sa free gala pero ang maging model daw, napaisip siya.

"Model? Ano'ng model? Baka nude 'yan, ah?"

"Random photographs lang," sabi ni Ian. "Views ang subject ko."

"Views? Hindi ako?"

Ngumisi si Ian. "Naka-side, nakatalikod, at ilang malayong shots ang kailangan ko," sabi nito. Nakatingin sa mukha niya. "Walang close up, sorry." At ngumisi.

Magaang tumawa si Sunshine. "Ang simple naman pala, eh. Sige, go ako!"

"Sagot ko na ang Tagaytay expenses mo, Ney. Sa Sagada—"

"P-Pupunta ka rin ng Sagada?"

"Three days lang."

"Hindi mo kailangan ng model?" nakangiting kumapit siya sa braso nito. "Okay na okay sa akin kahit singlaki na lang ako ng langgam sa picture—basta sagot mo ang expenses ko."

Nagtagal sa mga mata niya ang titig ni Ian bago magaang tumawa. "Hindi," sagot nito sa tanong niya. "Kung gusto mong sumama, may ibang kapalit."

"Maging artista?" with passion ang pag-iling niya. "Ayoko ng showbiz life. Private person ako, Ian. Pagtitiyagaan ko ang maging model pero actress? 'Wag ako, please! Kung sasabihin mong may new movie si John Lloyd at bagong leading lady ang ipapakilala—at fit ako sa qualification ng actress na kailangan, pakisabi na lang sa kanila, mas mahalaga ang privacy ko. But thank you for considering me. Ang laking bagay no'n—"

Tawa na nang tawa si Ian. Mariing pinisil ang ilong niya.

Parang wala lang na tumawa si Sunshine. "Ano 'yong sinasabi mong kapalit?"

"Heart Hour."

"H-Heart Hour?"

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon