34. Church

396 19 1
                                    

Heart Hours: One Day

Best Church Shot. 6 AM

NAGISING nang tuluyan si Sunshine nang tumunog ang cell phone. Nasa kuwarto siya at napapapikit pa rin kahit nakaupo na sa gitna ng kama. Open na ang laptop sa tabi niya. Naghihintay lang siya ng text o tawag ni Ian. Ang binanggit lang nito ay six AM ang Heart Hour. Day eight na.

Six-o-five na, antok na antok pa siya.

Inabot ni Sunshine ang gadget. Si Ian na nga ang tumatawag.

"Ian?"

"Ready, Ney?"

"Hindi pa..."

"Nasa bed ka pa?"

"Inaantok pa ako..." nasa pagitan ng paawa at lambing ang tono ni Sunshine. Madalas niyang makuha ang gusto mula kay Rain sa ganoong way. Madalas mainit ang ulo ng kapatid sa mga kaartehan at drama niya pero hindi rin naman siya matiis.

"Okay, nap ka muna."

Napangiti si Sunshine. Tuloy ang drama. "Baka maputol lang din ng tawag mo ang tulog ko, eh. Heart Hour na tayo para matapos na."

"Eight AM later, Ney."

Ang lapad ng ngiti niya. "Eight AM," at nag-dive si Sunshine sa kama pagka-end sa tawag ni Ian. Hindi namalayan ni Sunshine na nakatulog na siya. At nagising sa tunog ng busina galing sa labas.

Sabado nang araw na iyon, malabong ang second hand kotse na minana ni Rain kay Tita Merlene ang dumating. Hinanap ng mga mata niya ang wall clock—eight thirty na!

Sa mismong sandaling tumutok sa cell phone ang tingin ni Sunshine ay nag-ring iyon. Hindi pa man niya nahahawakan ang gadget, nahuhulaan na ng dalaga na si Ian ang tumatawag.

"Gising na ako," sabi niya agad, medyo defensive. "Saan ang Heart Hour?"

"Susunduin kita, Ney."

Napanganga si Sunshine. "S-Susunduin? Ngayon?" halos manlaki ang mga mata niya. "Sana sinabi mo agad! 'Kala ko naman sa text o sa chat lang tayo—"

"Nasa gate na ako."

"Gate!?!" napatingin siya sa nakasarang pinto ng sariling kuwarto.

"Gate n'yo," ulit ni Ian. "Baba ka na at pakibukas ang gate. Kanina pa ako naghihintay, Ney." At nawala na ito sa kabilang linya.

Nakailang ikot muna si Sunshine sa kuwarto bago niya naisip ang tamang gagawin—ang magpalit ng matinong pang-itaas dahil butas butas ang suot niyang oversized T-shirt. Tinakbo niya ang closet ang kinuha ang unang T-shirt na nahalungkat. Maluwag din iyon, hanggang lampas kalahati ng hita niya. Hindi na niya pinalitan ang shorts na suot. Pagbubuksan na muna niya ng gate si Ian at namuti na yata ang mata sa labas.

Mabibilis ang hakbang ni Sunshine papunta sa gate. At ang heartbeat niyang lito, hayun na naman, buhay na buhay. Kilalang kilala talaga ng puso niya si Ian.

"Ready pala, ah? Bagong gising ka lang, Ney!" si Ian pagkakita sa kanya.

Sinadya niyang ngumisi para itago ang hindi maawat na kabog sa dibdib. Binuksan niya ang gate. "Galing kang Manila?" tanong ng dalaga at napansin ang mga bitbit nito. "Ano 'yan?"

"Breakfast," sabi ni Ian. "Alam ko nang aabutan kitang bagong gising."

"Cake 'yong isa?" inabot niya ang nasa kaliwang kamay nito.

"Strawberry cake."

"For me?"

Ngumiti lang si Ian. "Paki-judge kung kaninong cake ang mas masarap." Napatingin siya sa lalaki. Naglalakad na sila papasok sa bahay.

"Ikaw ang nagbake?" Bakit parang kinikilig siyang isipin na naglaan ng oras si Ian para i-bake ang cake na iyon? "Freshly-baked o galing freezer na?" nakangiting dugtong niya.

"Freshly-baked. Hindi ako natulog, Ney."

Magaang tumawa siya. OA naman na hindi natulog para sa isang rounded strawberry cake. Pero dahil nagbe-bake din siya, alam niya kung ilang oras ang inilaan nito para gawin iyon. Sigurado siyang madaling araw pa ay gising na si Ian. Kaya pala hindi tunog bagong gising ang boses nito kaninang six AM nang tumawag sa kanya.

Siniko niya ito sa braso. "Thanks!"

Inakbayan siya ni Ian. Ang kamay na umakbay ay dumiretso sa pisngi niya at pumisil.

"Ian!" tili niya pero natatawa. "Ang sakit, ah!"

Tumawa lang si Ian, mas kinabig siya palapit sa sariling katawan. Ang higpit ng akbay nito sa kanya hanggang nakarating sila sa kitchen. Inilagay niya sa mesa ang cake. " "'Akyat muna ako sandali," sabi niya kay Ian. "Ikaw na lang mag-ayos ng breakfast. Mabait ka naman, eh," pambobola niya, ang lapad ng ngiti.

"May bayad na kiss," si Ian, gumanti ng ngisi. Inilalabas na nito ang laman ng take out plastic bags.

"Ayoko!" irap niya. "Priceless ang kiss ko. Facundo! Ihanda mo ang breakfast ngayon din!" nag-chin up siya at nag-walk out.

Natawa si Ian. Pagdaan niya sa tapat nito ay hinila ang braso niya. Yakap na siya ng lalaki bago nagkaroon ng tunog ang tawa ni Sunshine. Yumakap siya sa baywang nito. Pinag-isipan na niya ang mga ganoong eksena pagkatapos ng huling pag-uusap nila ni Ian—nang pinagbigyan nito ang pabor na hiningi niya. Na ituloy-tuloy na lang nila ang Heart Hour para matapos na.

Pagbibigyan ni Sunshine ang sarili sa mga natitirang araw ng Heart Hour. Pero pagkatapos, babalik na siya sa totoong buhay. Kung may mapuntahan man o wala ang walang label nilang samahan ni Ian, isang bagay lang ang sigurado ng dalaga: Tuloy ang buhay pagkatapos ng Heart Hour.

"Mabilis lang ako sa 'taas," sabi ni Sunshine kay Ian bago dumistansiya. Pinagbigyan na rin niya ang sariling malunod sandali sa mga mata nito. Inabot niya ang pisngi nito at pinisil rin bago siya mabilis na lumayo.

Pagbalik ni Sunshine ay sabay silang nag-breakfast. Lasagna at chicken pala ang dala nito. At siyempre, tinikman na agad niya ang strawberry cake. Tumawa na agad si Ian nang ngumuso siya pagkaubos sa isang slice. Nahulaan na yata na lalaitin niya ang cake at alam nitong hindi ang mga sasabihin niya ang totoo.

"Mas masarap kaysa sa cake ko," sabi niya at totoo iyon. Mas smooth, mas tasty...mas—ang hirap ipaliwanag." Kung sa cake contest, sigurado siyang mas pipiliin ng judge ang cake ni Ian kaysa sa cake niya. Ano kaya ang kulang? "Ano'ng secret mo dito?"

Ngumiti lang si Ian. "Ano'ng secret?" ulit nito. "Puso."

Pagkatapos ng breakfast, nalaman ni Sunshine ang dahilan ng biglaang pagpunta ni Ian. Kukuha pala ang lalaki ng mga pictures. Mga simbahan ang sinadya nito sa Pampanga. Mas luma daw, mas magandang kuhanan ng pictures dahil sa structure. Ang role niya, kakuwentuhan ni Ian sa kotse at fan nito kapag kumukuha na ng photos.

Na-realize ni Sunshine, ang bilis lumipas ng oras kapag kasama niya si Ian.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon