2013
Third Ladder
The Meeting version 2.0
SINCE twenty-twelve, mag-isa na lang ako sa bahay namin sa Angeles City. Si Rain, nasa Manila na nakabase. Nalipat siya ng branch kasabay ng promotion. HR head na yata siya, 'yon lang ang alam ko.
Hindi makuwento si Rain tungkol sa work. Kung hindi ko pa kukulitin ng parang pang thesis ang mga kailangan kong sagot, 'di mag-eexplain. At hindi ako nangulit tungkol sa work niya kaya limited ang alam kong details.
Weekend na lang umuuwi ng Pampanga si Rain. Hindi naman ako mag-isa sa bahay kasi may dalawa kaming boarders. Both girls. Mga students din sa parehong university kung saan ako graduate ng HRM.
At ang work ko ngayon?
Wala pa.
Sabi ko kay Rain, gusto ko munang mag-relax. Mag-vacation. Ayoko kasi talagang mag-work. Ang gusto ko, mag-business. Kahit sobrang liit lang muna basta akin talaga. Ayokong maging employee. 'Pag kasi nag-start akong maging employee, lilipas lang ang mga taon at doon at doon na lang ako. Parang walang growth. Mapo-promote, oo, pero employee ka pa rin. Imposible namang maging akin 'yong hotel o restaurant kung saan ako magwo-work. Hindi mangyayari iyon. Pero kung mag-start ako ng small business, mas posibleng magka-restaurant ako o kaya hotel and resort.
'Taas ng dream 'no? Hotel and resort talaga agad?
Eh, 'yon talaga ang gusto ko. Wala nga lang akong enough funds para i-pursue ang talagang gusto kong gawin. May property naman kami sa Ilocos na puwede i-develop pero baka hindi na ipagalaw nina Papa—iyon na lang kasi ang natitira sa amin.
Isa pa, gusto ko rin mag-start ng business na akin talaga. 'Yong hindi na mai-stress ang parents namin sa pagtulong. No'ng binanggit ko kay Rain ang plans ko, okay sa kanya. Bigyan ko lang daw siya ng time. Baka kayanin daw ng savings niya ang funds na kailangan ko. I-perfect ko na lang daw muna ang skills ko para well prepared kami kapag nag-start na ang business.
Kaya bilang training, two times akong nagluluto ng baon pack—sealed na baon for office, breakfast or lunch lang, at three days na nagba-bake ako ng brownies at cookies. Ang mga customers ko, mga kapitbahay na walang time mag-prepare ng baon, ang dalawang boarders namin at mga classmates, at mga kaibigang nagwo-work na at pinipick up ng six thirty sa kanto ng village ang mga orders.
Three months ago, nag-start na rin ako mag-accept ng orders ng cakes, hanggang two layers lang muna. Hindi ko pa kaya mag-isa ang mas matatas. Okay naman. Sa three months, naka-four cakes ako.
Last week, nag-decide akong magpahinga muna. Sabi ko kay Rain, gusto ko munang mag-stop. Hindi ko kasi naranasang i-celebrate na graduate na ako. Hindi nga ako naghanap ng work pero agad agad naman akong 'nag-training' at home. Gusto ko naman 'tumambay' muna. As in literal na tutunganga lang ako. Mga two weeks lang, okay na iyon.
Pumayag si Rain. Okay rin sa kanya na mag-travel ako basta ang rule, hindi manghihingi sa parents namin ng budget na pang-lakwatsa lang. Kung ii-spend ko naman ang revolving capital ko sa 'training-business'—ang tawag ko sa ginagawa kong home-base business—nakakahiya naman kung hihingi ako ng funds sa kanya after kong maglakwatsa at gumastos.
Nag-decide akong mag-stay na lang sa bahay. Matulog lang, manood ng movies, magbasa ng iba't ibang books about cakes and pastries, cooking books, inspirational books, pati fiction na rin. Gusto ko lang ng moment na nakahilata sa sofa o sa bed at nakiki-duet kay Bruno Mars sa kanta niyang The Lazy Song.
Pero ang fate, minsan isu-surprise ka na lang. Sa 'lazy moments' ko na hindi ko gustong mag-isip nang kahit ano, saka naman nagbalik ang Prince na may kakayahang guluhin ang isip at puso ko...
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.