HAPPY memories ang naiwan sa akin pagkatapos ng Heart Hour. Each day, may mga particular na oras na napapahinto na lang ako sa ginagawa—doon sa mismong mga oras na nag-uusap kami ni Ian. Makikita ko na lang ang sarili kong napapangiti...at nalulungkot pagkatapos.
Na-realize ko, ang mga happy memories pala ang isa sa mga dahilan kaya nahihirapan ang taong mag-let go. Paulit-ulit ka kasing susundan. At ikaw din mismo, hirap nang bumitaw. Kakapit ka. Hahayaan mo pa rin ang sariling isipin ang mga scene sa past kasi sa mga moments na 'yon, doon ka naging masaya.
Ang mga scene sa Heart Hour namin ni Ian ang nag-occupy ng maraming spaces sa ladder pages ko sa heartwhispers.com. From the seventh ladder to the fourteenth, lahat tungkol sa heart hour—simple talks to kilig moments—natatandaan ko lahat.
Masarap malunod sa happy moments 'di ba? Pero may way talaga ang reality para imulat tayo na temporary lang ang lahat. Ang happy moments? Magtatapos at magtatapos rin. At minsan, ang nagiging kapalit ay ang pakiramdam na hindi na natin gusto pang maramdaman.
Pain.
HINDI na-late sina Sunshine at Ian sa mass pero hindi na rin sila nakaupo. Mga two minutes lang yata pagdating nila sa simbahan, nagsimula na ang mass. Napasama sila sa grupo ng mga nakatayo malapit sa pintuan. Hindi na bago kay Sunshine ang tumayo mula umpisa hanggang matapos ang mass kaya hindi talaga siya nagsusuot ng shoes or sandals na mataas ang takong. Lagi lang siyang naka-flat para sa mga ganoong pagkakataon.
Si Ian na nasa tabi niya ay tahimik lang. Nakatutok na sa pari ang buong atensiyon. Gustong mag-focus ng dalaga pero ang isip niyang makulit, hindi mapigilang maging aware sa presence ng lalaki. Unang beses kasi iyon na may kasama siyang lalaki sa simbahan na hindi si Rain. Sa hapon nagsisimba ang mga kaibigan niyang may boyfriends, of course kasama ang kanya kanyang partner. Si Foxy na kapwa niya single, hindi Catholic. Ayaw niya namang sumabay sa mga lovers, mai-stress lang siya sa mga tanong kung bakit hindi pa siya nagbo-boyfriend. Pinili na lang ni Sunshine na sa umaga magsimba. Kung nale-late naman siya sa umaga, sumasabay siya kay Rain sa six o'clock mass.
At ngayon, si Ian ang kasama niya sa morning mass. Nate-tempt na tuloy si Sunshine na mag-request ng 'Forever' kay God. Baka puwedeng si Ian na lang. Mag-focus ka kaya muna sa mass bago ang request, Sunny, saway niya sarili.
Pinilit mag-focus ng dalaga. Nakinig siya sa Mabuting Balita at nakisabay sa pagkanta. Napahanga siya ni Ian nang sandaling iyon. Hindi niya kaya ang pagiging focus nito. Parang walang space ang distraction. Gusto rin niyang hindi ito nakikipag-usap habang nagmimisa. Naramdaman lang ni Sunshine na kasama siya nito nang hawakan ni Ian ang kamay niya sa pagkanta nila ng Our Father.
Pero ang naghatid talaga ng init sa puso ni Sunshine ay nang hindi ang simpleng bow ang ginawa ni Ian para ipaabot sa kanya ang 'peace'. Maingat na kinabig nito ang baywang niya kasunod ang warmth ng halik nito sa noo niya. Nag-feeling girlfriend siya nang kaunti. Para kasing hindi 'peace' ang ipinasa nito sa kanya.
Parang love?
Ginising din agad ni Sunshine ang sarili. Last day na iyon na magkasama sila ni Ian. Tapos na rin ang Heart Hour kaya good luck sa puso niya. Magmo-move on na naman siya dahil sigurado, para na namang phone si Ian pagkaalis nito—out of coverage area na.
Ang gaan ng pakiramdam ni Sunshine hanggang natapos ang mass. Paglabas nila ng simbahan, bago sila nakarating sa kotse ay may tumawag sa pangalan niya—si Maggie. Kasama ng kaibigan ang boyfriend nitong si Drix.
Pinandilatan niya agad ang kaibigan nang nangislap ang mga mata nito pagkakita kay Ian. Tumawa na lang si Maggie at nag-hi. Nagbatian naman sina Ian at si Drix. Nagpaalam na rin agad ang dalawa. May pupuntahan pa daw. Nagkanya-kanya silang punta sa mga sasakyan. Sila ni Ian ay dumeretso sa supermarket para mag-grocery ng mga kailangan niya sa bahay sa buong linggo. Na-appreciate niya nang husto ang presence ni Ian, may tagabitbit na siya, may kotse pang service.
Pagdating sa bahay, magkasama pa rin sila sa kusina para magluto ng lunch.
BINABASA MO ANG
Heart Hour (Published, 2016).COMPLETE
RomancePaano nga kaya kung may HEART HOUR ka sa bawat isang araw? Ito ay kuwentong Hugot ng mga UMAASA... NOTE: UNEDITED version.