45. Final Ladder: Hello, Goodbye

504 19 1
                                    

Final Ladder

Hello, Good bye.

NA-REALIZE ko, may tao tayong mami-meet na parang sadyang dumating lang para ipakita sa atin kung gaano tayo kahina. Kung may choice lang, kung makakapili lang ako ng mga taong magiging part ng life ko, hindi ko na pipiliin pang ma-meet si Ian.

Hindi sana ganito kagulo ang isip at puso ko.

Hindi ko talaga ma-explain kung bakit pagdating kay Ian, para akong bahay na open twenty-four hours. Iiwan niya nang paulit-ulit pero anytime na bumalik siya, bukas pa rin lagi ang pinto para sa kanya. At kahit gustuhin ko man na isara, hindi ko kaya.

Bakit?

Kasi kung may taong nasa buhay natin para maging kahinaan, may emosyon din tayong mararamdaman na gustuhin man nating takasan, pigilan o labanan ay mag-end up tayong talunan. Mag-e-end up tayong controlled ng emosyong iyon. Mag-e-end up tayong parang alipin na sunud-sunuran lang.

Pero totoong lagi tayong may choice. Minsan lang talaga, ang hirap piliin ng dapat kasi masakit, kasi iiyak ka, kasi sobrang malulungkot ka, kasi mag-e-end ka lang din sa stage na tatalikuran mo na lahat ng masasayang moments—kaya pipiliin mo na naman ang isang option, ang bumalik sa dating sitwasyon na dapat mo nang iwan.

Sa case ko, nag-decide akong tumigil na sa kakagahan ko kay Ian the same night na kamuntik nang may mangyari sa amin. Ginising ako ng gabing iyon sa katotohanan—na kung hahayaan kong mangingibabaw pa rin ang feelings ko, maibibigay ko lahat kay Ian at wala nang matitira sa akin.

Mahal ko si Ian. Noon at hanggang ngayon. Nasa loob ako ng banyo, nakatitig sa misty kong mga mata sa reflection ko sa salamin, nang magawa ko nang aminin sa sarili. Na-realize ko, takas ako nang takas sa totoo dahil sa mga takot ko pero ang kilos ko naman, malinaw na pagmamahal ang dahilan.

In love ako sa lalaking hindi magiging akin.

At kung hindi ko pa siya igi-give up ngayon, marami pa siyang makukuha. Nakuha na niya ang puso ko. Muntik ko na ring ibigay ang katawan ko. Ano pa ang susunod na mawawala sa akin? Ang pride ko? Ang respeto ko sa sarili?

Tama na.

Kailangan ko nang tumigil.

Tinitigan ko ang reflection sa salamin—luhaan na ang babaeng naroon. Nababasa ko ang sakit sa mga mata niya. Alam kong mas magiging masakit at malungkot ang mga susunod na araw pero kakayanin naman siguro.

Maingat kong tinuyo ang mga luha. Okay lang naman na maging mahina. Okay lang umiyak at masaktan. Tatanggapin ko lang hanggang mabawasan nang unti-unti, hanggang masanay ako. Hanggang maramdaman kong nawala na pala.

Mabilis lang naman ang oras. Hindi lahat ng gabi ay tulad nang gabing iyon. Ilang oras na lang naman ay sunrise na.

Unang sunrise ng bagong misyon ko—Oplan: Move On na nang totoo, 'te!

TULALA si Sunshine. Nasa sala siya noon ng ancestral home nina Foxy sa Magalang Pampanga. Yakap niya ang maroon na throw pillow. Nakatitig siya sa katapat niyang single sofa pero lumilipad ang kanyang isip.

Two weeks na pero parang tumigil ang buhay niya at naiwan sa gabing iyon na huli silang nagkita ni Ian. Parang kagabi lang nangyari...

"Ian..." sa isip na lang ang pagbulong ni Sunshine sa pangalan nito. Nakapikit na lang siya, tumutugon ng halik, nalulunod sa sensasyon...

Hindi siya makaahon. Hindi siya gustong bigyan ni Ian ng chance na umahon. Malalim at mapaghanap ang halik nito, parang bawat bahagi niya ay ginigising para makaramdam, para mas magbigay, para tumugon.

Heart Hour (Published, 2016).COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon